Chapter 12

38 1 2
                                    

Edhard's POV

"Ano ba ang nangyari?", ang nagpapanic na tanong ni JC. Mababakas  ang kaba sa tanong niya.

"Kalma JC. Kami ngang mga kaibigan niya kalmado." Ang sabi ni Aika habang inaayos nila ang kama ni Vanz. Nandito kami sa parang gym nila na tinatawag nilang Chic. Meron silang mga kwarto dito sa second floor. Hindi mo aakalain na ganto ang itsura ng loob. Inilatag ko ang isang babaeng walang malay mula sa mga bisig ko. Tinignan  ko ng maigi ang itsura niya. Bakit nga ba boyish ang isang to. Honestly, maganda siya. Kahit walang make up or mga kaartehan ng isang babae. Aish! Ano bang nangyayari sakin.

"Ahm. Excuse me lang girls. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya?" Tanong ko ng nakatingin padin kay Vanz.

"Ahm. Ano. Kasi.  Ah. Ganiyan talaga siya. Sabi ng doktor migraine daw. Pero iwan. Parang lumalala." Ang sagot ni Kamryn na nakatayo malapit sa pintuan. Nakatingin din siya kay Vanz. Tinawagan ko ang mga barkada niya kanina ng mawalan siya ng malay. Mabuti na lang at marunong akong mag open ng phone kahit may password. Agad kong hinanap sa phonebook niya ang mga number nila. Tinawagan ko din ang tatlong asungot na hindi ko alam kung saan nagsusuhot.

"Seriously? Sa inyo talaga to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryan kay Monica. Tanging nod lang ang response ni Monica dahil maging siya nakatingin kay Vanz. Nakaupo kaming apat na boys sa sofa at ang mga girls naman ay ganon din ang ginawa. Dalawa ang sofa sa loob ng kwarto ni Vanz. Hmm.

"Ahm. Nawala na ang mga manners natin. Boys ano bang gusto niyong inumin?" Ang tanong ni Aika na bumasag sa katahimikan. Tumayo na rin si Monica at Kamryn. "A coffee will do. Thank you na din." Ang sagot ko. "Grabe, coffee talaga Edhard, eh tanghali pa nga lang. Juice na lang amin Aika. Except kay Edhard. Coffee trip niya ngayon eh. Hehe!" Ang epal talaga nitong JC na to. Palibhasa nagpapacute kay Aika.

"Nakakahiya naman sa inyo. Tutulong na lang kami sa paghahanda." Ang sabat ni Ryan at siniko pa si Jake na tumango lang. Tumaas lang ang kilay ni Kamryn. "Ah. It's ok. Kami na lang. Bisita namin kayo eh. Tsaka magpeprepare na rin kami para sa pananghalian." Ang tugon naman ni Monica. Lumabas sa silid ang tatlong babae para maghanda ng maiinom at pananghalian.

Nung kami na lang apat ang naiwan sa silid, kinumpronta ko ang tatlo. "Hoy!  Bakit niyo ko iniwan kanina ha?!" Napatingin sakin si Ryan at nag peace sign. Nag make face naman si JC Takte! Ano ba tong mga to. Nadako ang tingin ko kay Jake na siyang katabi ko. Napalingon din siya sakin. "What?" Iritableng tanong niya. "Saan kayo kanina?" Tanong ko. Mukhang siya lang ang matino ngayon. "Computer Shop." Na naman? Mga lokong to.

Itinikom ko na lang ang bibig ko kasi baka maingayan si Vanz. Baka biglang magising. Hanggang ngayon wala parin siyang malay.

Hay. Bakit ba sobrang affected ako sa nangyari sa kaniya? Maybe its just my conscience kasi ako ang kasama niya ng nangyari iyon. Ewan basta ang mahalaga magkamalay na siya.

                  

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon