Vanz POV
"So class ano ang plano niyo this coming sports feast? We all know na we have different activities na dapat masalihan." Nakangiting tanong ng prof. namin.
Sports feast na naman. Ayos! May nakita akong bagong jersey dun sa mall. Black jersey, wait for me..
"Ms. Ruiz"
Tapos may nakita din akong bagong labas na limited edition na sapatos ni Lebron James. Wala pa yung kay Stephen Curry. Aish!
"Ms. Ruiz are you listening?"
Ano kaya yung lalaruin ko? Bask-
"Hoy Vanz! Kanina ka pa tinatanong ni Ms. Joy!" Sigaw ni Aika sakin na siyang nagpabalik sakin sa realidad.
"Yes?" Tanong ko kay prof. Joy
"Hay naku. Kanina pa kita tinatanong kung ok lang ba sayo na ikaw ang gagawing candidate for Ms. Fit? ", sagot niya sakin. What the!
"I don't want to join that contest. Andaming babae dito prof. Wag niyo akong pagtripan. Hindi porke nakasuot ako ng pangbabae ngayon eh sasali ako sa mga ganyan. Gross!", tama naman yung sinabi ko ah. Hindi ko nga masikmura ngayon tong suot ko ano na lang kaya yung pageant na yan. Shit!
"Vanz please, ikaw na lang ang sasali. Halos natry na yan ng mga classmate natin yang contest na yan eh. Please for the sake ng department natin" pagmamakaawa ni Aya na classmate ko rin. Gaguhan ba to?! Ayoko nga! Nakatingin na lahat sakin at hinihintay ang sagot ko.
"I would still say NO" sagot ko sa kanila at kitang-kita ko kung anong pagpipigil ng tawa ang ginawa ng tatlong bruha.
"Ako na lang po Prof. ang sasali. Bakit niyo pa pinipilit ang taong ayaw. Baka kasi nahihiya lang yan makita ng iba ang mga unburn fats niya" biglang sabi ng epal kong classmate na si Ara. Napasmirk ako kasi naman halatang ako ang pinariringgan niya about sa 'unburn fats' kuno. Haha! Lakas ng self confidence niya.
"Oh meron naman pa lang nagpresinta prof. Wala ng problema tsaka nakasisiguro ako na hindi tayo 'ipapahiya' ni Ara. Right Ara?" Sabi ko habang nakangisi. "By the way Ara bago mo sabihin ang about sa unburn fats pwede tanggalin mo rin yung sa iyo. Akala ko always ka sa gym? Pero bakit yung puson mo anlaki pa din? Haha! My bad. Reminder din ha, kasi baka matalisod ka na naman habang nagrarampa isipin mo din na wala tayong available superheroes para sagipin ka. "
Pulang-pula ang buong mukha ni Ara dahil sa kahihiyan. Who would not be? Siya lang naman ang candidate namin nung second year college kami. Tawang-tawa ang mga classmates ko tsaka hindi din napigilan ni prof. Joy ang matawa kasi naman parang instant celebrity siya nun kinabukasan.
She finally composed herself at nagwalk-out.
I just rolled my eyes. Wait, parang nagiging habit ko na ata ang mag roll ng eyes. No, Vanz iwasan mo ang mga ganyan.
"Class dismiss." Saad ni Prof. Joy
"Vanz naman, pinaremind mo pa ang pagiging instant celebrity niya.haha! Siguraduhin niya lang na may maibubuga siya." Ang sabi ni Aika. Nagsitawanan naman ang iba kong mga kaklase.
"By the way Vanz daan tayo mamaya sa pub natin kasi baka may masabi na naman ang mga kaklase natin. Kunting pawis lang at maglalakwatsa na naman tayo doon sa kabilang covered court." Saad ni Kamryn habang naglalagay ng manipis na foundation. Kung ano-anong ka ek ekan ang pinaggagawa nila. Kailangan ba talaga yan? Napailing na lang ako sa mga naisip ko. Para akong ignorante pagdating sa mga kolorete. Tsk.
Meron kaming 'Chic'. Yun yung tawag namin sa gym na kami mismo ang nagmamay-ari tsaka exclusive lang samin yun."Tara! Punta tayong cafeteria." Yaya sa amin ni Monica habang busy sa kakakalikot ng Iphone niya na bagong model. Lumabas kami ng room at sa kamalas-malasang pangyayari nabunggo ni Monica si Ryan na nabigla, dahilan upang mahawakan siya nito ng mahigpit sa bewang at para na din hindi siya mawalan ng balanse.
Kasama na naman niya si Jake tsaka si JC at ang asungot na mataman lang na nakatingin sa akin. Kilala niyo kung sino ang asungot na tinutukoy ko? Well nevermind.
"Oh my gosh!" Tanging naibulalas ni Monica. Agad naman siyang napaangat ng tingin upang tignan kung sino ang nakasalo sa kaniya.
"Be careful next time. Mabuti na lang at nasalo kita kaagad." Sabi ni Ryan habang nakatingin din kay Monica. Ano to? Titigan ang peg nila ngayon?
"Ahem! Ahem!" Biglang epal ni JC na sanhi upang kumalas si Monica. Natauhan siguro.
"Naks naman Ryan may pa'be careful next time ' ka pa ha. Matry nga yan minsan." Sabi ni JC sabay tingin kay Aika na parang nagpapacute. Tsk.
"Ahm ano. Ahm salamat pala Ryan tsaka sorry kasi nadamay ka pa." Sabi ni Monica habang medyo nakayuko ang ulo kasi pulang-pula na yung mukha niya. Ano to? PBB teens? Hay buhay nga naman oh.
Saktong napatingin ako kay Kamryn na nahuli kong umirap kay Jake ata to. Yung tahimik na kasama nila. Tinignan lang siya ni Jake na parang naweweirduhan. Napatingin naman ako kay Edhard ata to na titignan ako ng maigi na para bang kinikilala ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ikaw pala yan BG. Kala ko sinong babae na parang kinulang sa tela ang damit." Sabi niya na para bang concern na hindi ko mawari. Concern? Saan ko yan napulot?
"Pakialam mo ba ha? Sa tingin mo ako pumili nito? Feeling conservative mo eh babaero ka naman." Sagot ko sa kaniya.
"Ahem! BG kasi ano.. I mean Vanz conservative type kasi si Edhard. Hindi nga lang halata no?" Sabat ni JC na natatawa kaya tinignan siya ng matalim ni Edhard.
"Chill bro! I'm just stating the fact."
"Tara na nga. May praktis pa tayo." Ang sabi ni Edhard sa mga kasamahan niya. Nagbabye naman ang dalawang babae which is si Monica at Aika kina Ryan at JC. Tsk. Si Kamryn naman umirap ulit kay Jake. Hay naku.
"Bye BG." Sabi ni Edhard na parang ako lang talaga ang pinaringgan habang naglalakad na.
"Bye din CB." Sabi ko ng may ngiti. Huh! Kala niya ha.
"CB?" Kunot-noong tanong niya habang napahinto sa tapat ko.
"Conservative Boy. Duh! Layas na! Magpraktis na kayo dun kasi baka matalo kayo!" Pagtataboy ko sa kaniya at hindi ko alam kung namamalikmata ba ako ng makita ko na napangiti siya.
Ewan ko sa kaniya. Parang weirdo.

BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
Novela JuvenilIsang babae na sobrang allergy sa mga girly thing.. But... What if isang araw magising na lamang siya na suot-suot niya ang pinaka ayaw niya na mga damit?? Tibo siya kung tawagin ... But can she be interested to fall inlove with a guy which always m...