Chapter 14

21 0 0
                                    

Vanz Pov

Ikatlong linggo na ngayon ng punishment ko and so far medyo sanay na ang mga estudyante sa suot ko.

"Honey, andun na sa taas ang mga pinamili kong jewelries and clothes for you. Try it!" Excited na sabi ni mommy na napapalakpak pa. Andito kasi ako sa bahay ngayon and andito rin ang parents ko galing sa business trip nila from US. It's still 7:00 in the morning. Atsaka 9:00 pa naman ang klase ko.

"Mom, pwede mamaya na lang. Kasi gutom na po talaga ako." Rason ko para hindi niya ako kulitin. Pumunta na lang ako sa kusina at nadatnan si manang na nagluluto ng adobong baboy.

"Nakakagutom naman yan manang! Tamang-tama, yan talaga ang hinahanap ko ngayon. Hehe!" Ang masaya kong sabi kay manang Delia. Siya ang katulong namin dito simula nang bata pa ako.

" Ikaw talagang bata ka. Sige ipaghahain na kita." Tugon naman niya habang napapailing na lang sakin. Pumasok naman si mommy sa kusina kasama si daddy.

"Hi dad!" Bati ko kay daddy at nakipagfist-bump sa kaniya. Astig talaga ni daddy. Supporter ko yan sa pagiging boyish ko kasi sabi niya balang araw mahahanap ko din ang tunay na ako. Tama nga naman siya.

"Mom, Dad, kain na po tayo." Aya ko sa kanila. Minsan lang to na makasabay ko sila sa pagkain. Usually kasi business lang ang tinatrabaho nila. But I didn't have a grudge on them.

" Ok dear", nakangiting sabi ni mommy habang kumuha siya ng baso para timplahan si daddy ng kape. Sweet talaga yan eh. Ewan ko sa kanila.

"So Vanz, how's the three weeks of using girly things?" Medyo pang-asar na tanong ni daddy. Alam niya kasi na ayaw-ayaw ko nun eh. Sabay kasi kami dating apat nila kuya na bumibili ng mga panlalaking damit sa mall.

"Daddy naman eh!! Ang sarap sapakin nung dean namin. Ang daming pwedeng gawing punishment eh!!" Badtrip kong sagot sa kaniya habang nakalukot ang mukha ko. Humalakhak siya ng malakas kaya nilantakan ko na lamang ang pagkain ko ng adobo. Supportive ng papa ko no? Grabe. Tumawa si mommy at manang Delia. Mas nalukot ang mukha ko.

"Sige pagtawanan niyo ako. Hindi niyo lang alam kung anong torture ang napagdaanan ko dahil dyan sa pesteng punishment na yan! Ang paggamit ng takong, paggamit ng lipbalm, pagsuot ng sleeveless!! Ang pag-ayos sakin nina Aika! Lahat ng ka ek-ekan ng babae! Alan niyo yun?! Torture yun!" Himutok ko ng malakas at nilantakan ulit ang pagkain. Mas lalong lumakas ang tawanan nila.

"It's ok darling. You know someday we will have a business party. We will bring you there. At least now you'll know the ways of being a girl. Tsaka, sayang lahi natin kung ipagpapatuloy mo yang pagiging tibo mo." Sabi ni mama sakin at inilapag ang baso na tinimplahan niya ng kape.

"Mommy naman eh!! Andyan pa naman sila kuya ah. Tiyak mabibigyan ka nun ng mga apo. Chick boy yung mga yon eh. Paano ako makakapang chicks niyan?! Diba dad?" Baling ko kay daddy na nabilaukan bigla sa sinabi ko. At napainom agad ng tubig. Nagmamadali namang hinagod ni mommy ang likod niya.

"A-anak naman, hindi nga ako nang ch-chiks eh. Ikaw pa kaya!! Hayaan mo sila kuya mo. Mga lalaki yung mga yun. Manglalaki ka na lang." Kita mo sagot ni daddy. Grabe. Ang dami kong natutunan. tsk.

Pinalo naman siya ni mommy sa braso. "Aray! Nananakit ka na pala ngayon mahal? Tama naman sinabi ko diba?" Ang daing ni daddy. Natawa na lamang ako sa mga magulang ko. Ganiyan talaga silang dalawa. Namiss ko to.

"Anong manglalaki?! Vanz, magtino ka ha, isa lang dapat na lalaki ang ipapakilala mo samin na boyfriend mo. Huwag kang tumulad sa mga kuya mo na marami ang ipinakilala samin." Napatawa ako sa sinabi ni mommy. Loko talaga yung mga kuya ko. Mga chick boy yun eh. Wala kasi talagang pangit sa lahi namin. Haha!! Ang hangin no?

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon