Natapos na kaming kumain ng meryenda pero hindi parin nagkakamalay si Vanz. Hindi tinawagan nina Aika ang magulang ni Vanz dahil baka daw ano pang mangyari sa kanila kung magising ito. Ayaw daw nitong papuntahin ang magulang sa tuwing sinusumpong ito dahil malamang magdadrama lang daw at baka iuwi siya sa bahay at ikulong sa kwarto para magpahinga.
Lahat kami nasa kwarto padin ni Vanz at kasalukuyan kaming mga lalaki ay naglalaro ng NBA 2K19. Ang saya naman at nanalo sina Lebron kanina laban kina Curry sa totoong laro sa NBA. Idol talaga. Bigla kaming napatingin sa kama ng gumalaw si Vanz patagilid at nakaharap samin. Unti-unting bumukas ang mata niya. At pinagtititigan niya kami. Ng makita nina Monica na gising na siya ay agad silang nagtalunan at tinungo siya sa kama niya.
"Ang ingay niyo talaga kahit kelan." Ang sabi ni Vanz na rason para dumugin siya ng tatlong babae.
"Ok ka na? Gosh! Pinag-alala mo kami Vanz." Litanya ni Aika habangg niyayakap si Vanz kahit nakahiga sila. Tsk. Mga babae nga naman.
"Oo nga Vanz. Ang tagal mong natulog. Alam mo ba na...", hindi paan natatapos ni Monica ang sasabihin eh nagreklamo na si Vanz.
"A-ang bibigat niyo. M-maawa naman kayo sakin. Kakagising ko lang tapos dinumog niyo pa." Reklamo niya. Umalis na sila sa taas ni Van at nagsiupuan naman sa kama sila Monica at Aika at samantalang si Kamryn naman ay tumayo at namewang.
Napatunganga kami sa kanilang apat. Tinaasan ni Vanz ng kilay si Kamryn. Hindi niya pata na digest sa utak niya na nandito kami.
"Wala ka kasing malay kaya hindi mo nakita ang laro sa NBA kanina. Gosh! Natalo sila ni papa Curry. Alam mo yun! Nanalo ang Lakers. Grr! Hindi mo kasi napanuod." Ang sabi ni Kamryn habang nakabusangot. Napangisi lang kaming apat. Syempre Lakers kami ngayon kasi andoon si Lebron. Idol yun namin kahit ng doon pa lang siya sa Miami Heat. Pero hindi ko inasahan ang magiging reaksiyon ni Vanz.
"Ano?!" Bulalas niya agad kasabay ng pagbalikwas. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi man lang niya ininda ang pagkabigla ng katawan.
"Malaki ba ang lamang ng Lakers?! Argggg! Hindi na ako updated. Loko kasi bakit nandito ako? Naalala ko kanina andoon ako sa-", hindi na niya natapos ang sasabihin ng lumaki ang mata niya na tila ba may naalala.
Agad siyang napatingin samin at inisa-isa kaming tinitigan habang nanlalaki padin ang mata. Nag wave si Ryan at JC, tango ang tugon ni Jake at napadako naman ang tingin niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Anak ng! Anong nangyari sakin kanina?!" Ang sigaw niya na nagtatanong sakin. Loko. Ano to nagka-amnesia sa nangyari sa kaniya? Tsk.
"Nawalan ka lang naman po ng malay kanina. Tsaka akala mo ang gaan-gaan mong kargahin. Tsk." Sagot kong pasuplado. Nawala ang pagtataka sa mukha niya na tila inaaalala ang nangyari.
"Oi. Pakunwari suplado siya. Aminin mo na kasi na nag-aalala ka." Tukso naman ni JC na binalingan ko ng may nakakatakot na tingin. Tumawa lamang ito kasabay ng mga barkada ko at ng mga babae except kay Vanz. Lagot talaga sakin to mamaya.
"Shut up JC! May kasalanan pa kayo kaya humanda kayo mamaya." Natahimik naman sila dahil malamang takot. Ganiyan yan pag may kasalanan eh. Mas natawa ang tatlong babae sa kakulitan namin.
"Alam mo, para kang si Vanz. Ganiyan yan eh pag badtrip samin. Mabangis.Haha!" Tawang-tawang sabat ni Monica habang humahagikhik naman ng tawa ang dalawa niyang kasama sa reaksiyon ni Vanz na pinagtititigan sila ng masama.
"Kain ka na Vanz. Nauna na kaming kumain kasi kanina pa kami gutom." Sabi ni Kamryn sa kaniya.
Lumabas na sila at huli kami ni Vanz sa paglabas. Lalabas na din sana ako kaso pinigilan ako ni Vanz.
"Ahm. Ano kasi. Pano ba to." Napakamot siya sa ulo niya. Parang nahihiya sa sasabihin.
"Thank you for saving me earlier." Sabi niya habang nakayuko. Tsk. Look at this boyish girl. I'm not used to see her like this, but it's nice of her. Napangiti ako sa inasal niya.
"Welcome. Pangalawa na to na sinave kita. Right? Remember noong sa cafeteria?" Ang sagot ko sa kaniya at napaangat siya ng tingin sakin.
"Ahem. Oo nga. Binilang talaga ganon?" Parang iritang sagot niya. Napatawa ako. Nagsalubong lang yung kilay niya. Ang cute niya. What?! No. Wala akong sinabing cute siya. Delete.
"Hoy! Tama na yan Edhard! Pakainin mo muna si Vanz!" Sigaw ni JC sa baba at humalakhak sila. Napailing na lamang ako at si Vanz.
Lumabas na kami sa kwarto at bumaba na. Naguguluhan ako sa personalidad ni Vanz. Parang may parte sakin na gustong kilalanin siya. No Edhard. Pigilan mo sarili mo. Ngayon lang to.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
Novela JuvenilIsang babae na sobrang allergy sa mga girly thing.. But... What if isang araw magising na lamang siya na suot-suot niya ang pinaka ayaw niya na mga damit?? Tibo siya kung tawagin ... But can she be interested to fall inlove with a guy which always m...