Brie's Pov
"Anak! Gumising ka na dyan at buksan mo tong pinto" sigaw ni Mama, habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.
Actually, ayaw ko pang gumising, Pano ba naman, di pa nga ako nakakatulog dahil sa sobrang kaba.
May interview kasi ako sa nangungunang company sa buong Asia. And Top 2 sa buong mundo. Oh diba? Sino ba naman ang di kakabahan? Hahaha
"Okay mom" -sabi ko, sabay tayo at bukas ng pinto.
Before anything else, I would like to introduce myself. I am Aubrie Arellano, 19 years of existence and graduated with the degree course of Business Administrator.
"Anak, ito ang isuot mo oh" *sabay abot sakin ng isang Mesh Dress, color white siya.
"Thanks mom"sabay kuha ko nung dress.
Lumabas na si Mama, at ako naman nag-ayos na ng sarili baka kasi malate pa ako.
Nakapag-ayos na ako at bumaba nako papuntang Dining Hall namin para makapag-breakfast na.
"Good morning Princess!" sabi ni Dad habang naka-upo sa couch sa Sala.
"Good morning dad" sabay yakap ko sakanya.
"Princess, sure ka ba na gusto mo talaga mag-trabaho? I mean, bakit pa? Meron naman tayong ----- " Hindi ko na pinatapos si Dad sa sasabihin niya. Alam ko nanaman kasi na ayaw niya akong magtrabaho kasi daw may mga Resorts and Hotels naman daw kami.
"Dad, please. Ayaw ko pong umasa sa inyo habang buhay, gusto ko po makuha yung mga bagay na gusto ko sa sarili kong sikap. Diba?"
"Osige na nga. Ang bait naman talaga ng anak ko" sabay gulo sa buhok ko.
"Dad! Ginulo mo yung buhok ko"
"Ay sorry princess. "
"Kain naaa! " sigaw bi mama.
Kami ni Dad, pumunta na sa Kitchen.
Nakita ko yung niluto ni Mama, Pancake with Strawberry syrup.
"Wow! Yung favorite koooo! " sabi ko.
Nagsimula na kaming kumain nila Dad.
"Anak, may sasabihin kami sayo ng Dad mo" sabi ni Mom
"Ano po yun?"
"Princess, aalis kami ng mom mo, pupunta kami sa Batanes, nagka-problema kasi sa isang resort natin don" paliwanag ni Dad
"Ah okay po, bakit po kasama pa si Mom? Diba pag may mga ganyan po kayo lang?"
"Gusto ko kasi anak heheh. Atsaka kung natatakot ka mag-isa, wag kang mag-alala andyan ang mga maid. Heheh" sabi ni Mom
"Di po ako natatakot, mamimiss ko lang po ang pag sigaw niyo hahah. Atsaka sa condo ko nalang po ako muna titira. By the way, kelan po ba alis nyo?"
"Sa Saturday pa. After your birthday" sabi ni Dad.
"Ahh okay po"
Pagkatapos naming kumain, umalis na ako at baka mamaya ma-late pa ako sa interview ko.
Laking pasasalamat ko kay Vera at siya ang tumulong sakin maghanap ng trabaho. Kaya kailangan kong ayusin to.
Andito na ako sa Meeting place, kung san ako iinterviewhin. Pinsan siya ni Vera e, atsaka sabi sakin ni Vera, kailangan daw mas maaga ako kesa dun sa mag-iinterview sakin.
So ayun, antay-antay muna. Hanggang sa may lalaking pumasok sa pinto na naka-Business attire. Shemzz ang gwapo di naman sakin sinabi ni Vera na gwapo pala ang pinsan niya.
Ayan na papalapit na siya sa Table ko.
"Hi miss, I'm Andrew Cruz,*sabay handshake sakin* Vera's cousin and your Job interviewer. So you are? "
Ang gwapo naman niya ^_^ Hahah. Mag-tigil ka Brie! May Luke ka na!
"I am Aubrie Arellano. Brie for short. And your interviewee" sabi ko sabay smile.
"Okay. So you can call me Mr. Cruz." sabi niya. Masyado naman siyang formal.
"Okay po Mr. Cruz. "
At ayun, nag-start na kami. Ganun pala pag may interview, masyadong maraming tanong.
Maya-maya pa ay nagtanong uli siya, Last question na daw e. Nakakakaba.
--
Heheh. Sorry guys. Sana maintindihan niyo ako.
Fact101: I used to wear Dresses. ❤
BINABASA MO ANG
Unrequited Love: Letting Him to Break My Heart
General FictionHi Guys! This is my First story, Hope you like it! And I know na yung story ko ay too common. (why so conyo?) Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or...