"Welcome to Tagaytay Highlands"
"Yeheyyy! Andito na tayo. Pero nagugutom na ako -3-" sabi ko.
"Huh? Gutom ka nanaman? Edi ba kumain na ta--- Aish! Tara na nga! " sabi niya. At nag-drive na uli pumunta kami sa Uncle Cheffy, malapit sa Sky Ranch.
Pagkatapos naming kumain, Nag-horseback riding kami. Tinuruan pa nga niya akong mangabayo ,at nung natuto na ako kumuha siya ng ìsang kabayo at Race daw kami. Yung kabayo niya nga umihi pa e. Hahaha.
Sumakay kami sa Zipline. Kaso, nagdalawang isip pa siya. Pero in the end, napasakay ko din siya.
Sumakay din kami sa SUPER VIKING, Yung parang anchors away.
Nagpalipad kami ng saranggola. Masaya ang takbo ng lahat nang,
MAGUTOM ULI AKO.
"Jack. " sabay kalabit ko sakanya.
"What do you want? "
"Gutom na ako e."
"AGAIN?!"
"oo. "
"Ano bang klaseng tyan yan? Ang lakas mong kumain tas ang payat mo naman. "
"Sa Crisostomo tayo kumain. "
"DEMANDING ka pa. "
"PLEASE! " Tas nagpuppy eye ako.
Hinanap namin ang Restaurant na Crisostomo. (A/n:Favorite ko yung Kare-Kare nila XD)
At nung mahanap namin, bumaba agad ako at um-order na ng kung anu-ano.
"Waaaa. Thank you! Nabusog ako! Tara sakay tayo sa Sky Ranch! " aya ko sakanya.
"K." sumunod naman siya.
Lumapit na ako sa bilihan ng ticket.
"Oh, bumili ka na. 2tickets para satin. "
"Mamumulubi ako pag ikaw ang nakasama ko. " sabi niya. At Binayaran niya yung Ticket namin. Syempre, ano siya Chix? Ako dapat ilibre niya.
Naghintay kami sandali para sa iba pang magr-rides.
Nang matapos ang rides.
"Ang bilis naman. Tsk. " sabi ko.
Medyo mag-gagabi na din, at eto naglalakad lakad kami ni Jack.
"Bati na tayo Jack! Thank you. "
At pagkatapos nun, biglang Umulan ng Malakas. Hindi pala dahil sa magga-gabi yung dilim kung hindi dahil sa Malakas na ulan.
At eto naman kami, hinahanap ang sasakyan. Tatakbo na sana ako ng nagsalita siya.
"Kung wala ka lang din namang masisilungan, enjoy-in mo nalang ang ulan. Wag mo ng pagudin ang sarili mo para tumakbo. " napatingin ako sa sinabi niya.
"O-okay. Kaso di ka ba giniginaw? Baka mahina resistensya mo? "
"Hindi. Malakas ang resistensya ko. Ikaw, malakas lang kumain. "And he chuckled.
Biruin mo yon, tumatawa pala to.
Habang naglalakad kami. Naramdaman ko nalang na bigla niyang hinawakan ang kamay ko, na syang ikinagulat ko.
"Walang meaning to. " sabi niya.
"Wala naman akong sinabi ah. "
"Wala ka ngang sinabi pero, nabasa ko naman ang laman ng utak mo."
"MENTALIST KA?! "
"Tanga, halata kaya sa muka mo. "
"Ah" at tumango ako.
Sumakay na kami sa kotse. At umuwi na.
Nakatulog ako buong byahe.
At di ko namalayan na nasa loob na pala ako ng bahay. May note pa siyang iniwan. Sa bedside table ko.
Brie,
Don't worry, I'm not the one who change your clothes, Vera did. By the way, text me if you're awake.
- JackSa sinabi niya, napatingin ako sa damit ko. At ayun, napalitan na nga.
8 am na ng nagising ako.
Pumasok ako, kahit late. Bumili na din ako mg Coffee niya, as usual.
Pumunta muna ako sa office ko para ayusin ang gamit ko at pumunta kay Jack, para ibigay yung coffee.
Kaso, walang tao sa office niya. Tinawagan ko si Mr. Cruz para tanungin kung nasan si Jack pero, ang sabi niya di daw pumasok dahil may lagnat. Nasa bahay lang naman daw si Jack. At WAG DAW AKO MAG-ALALA. AS IF NAMAN.
Gusto ko sana siyang bisitahin kaso, ako gagawa ng paperworks niya ngayong araw.
Natapos at nakauwi ako ng 8:30pm. Di na ako nakadaan sa bahay nila dahil sa trabaho.
Hindi naman ako nag-aalala sakanya. Ayoko lang kasing ako ang gumagawa ng napakadami niyang paperworks.
----
Fact101: Kare-Kare is my favorite Ulam! Hahaha
Guys, okay lang ba yung update ko?
SUGGESTIONS, COMMENTS AND/OR VIOLENT REACTION?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love: Letting Him to Break My Heart
General FictionHi Guys! This is my First story, Hope you like it! And I know na yung story ko ay too common. (why so conyo?) Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or...