"Oh, Hi, Scarlett? Why are you here? "
"Kanina ka pa ba dyan? "
"No, kadadating ko lang nung binuksan mo yung pinto. "
"Ah. Okay Bye. "
"Bye"
Umalis na siya, at pumasok naman ako sa opisina ni Jack.
"Bakit siya andito? Anong pinag-usapan nyo? " usisa ko kay Jack.
"No person---"
"Akala ko ba Fiancé mo ko? Pwede ko bang malaman? "
"No. At hindi mo na dapat pa malaman yon. That's my problem not yours. Feel na feel mo naman ang pagiging Fiancé KUNO ko. " sabi niya.
Di ko na siya sinagot pa, basta ang alam ko galit ako sakanya. Bahala siya sa buhay niya.
Lumabas ako ng Office niya at ibinalibag ang pinto niya. At umuwi. Wala na akong gana magtrabaho.
Mabuti pa at tawagan ko nalang si Vera, Mag-pparty nalang kami.
Calling Vera...
[Yo? ]
"Let's get wasted, tonight. 7pm @Wasted Bar. See you. "
Then, I hung up. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at baka di siya pumayag.
7pm @WastedBar
Pumasok ako sa Napaka-dilim at napaka-ingay na establisyimiento.
Puno ng tao na nagpapakasaya.
Nakita ko si Vera sa Bar table, umo-order.
"I thought you're not coming. " sabi ko.
"One Margarita Pls. " sabi ko sa bartender.
"Okay Ms. "
"Akala mo lang yon. By the way, anong meron? May problema ka ba? Or stress sa work? "
"Oo. "
"Okay, makikinig ako. "
"Una sa lahat, hindi pa si Luke tumatawag sakin. Tatlong buwan na ang nakakalipas, ni chat nga o text wala e. "
"Baka Busy. "
"Psh. Pangalawa, naasar ako kay Jack. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil sa nangyari kanina. "
"Ano nangyari? "
Iknwento ko ang lahat ng nangyari sakanya.
"I smell something fishy. "
"Alam ko. Ako nga din e."
"No, hindi sakanila, kung hindi sayo. "
"Huh? Bakit sakin? "
"Ewan ko. "
"Psh. "
"Bes, what if, yung bestfriend mo at yung boyfriend mo pina-fixed Marriage dahil sa business, kasi malulugi na yung business ng bf mo at yun nalang yung way? " out of nowhere na tanong ni Vera.
"Siguro, magagalit ako. " sabi ko at uminom ng margarita
"Kanino? "
"sa kanilang dalawa. Kasi parehas ko silang mahal tas ganun lang ang mangyayari. At the same time magagalit ako sa sarili ko. " sabay inom ko ng margarita
"Pano kung di naman talaga nila gusto? Bakit ka naman magagalit sa sarili mo? "
"Dapat sabihin na nila ng maaga para naman di magmukang tanga yung babae. Syempre, wala akong magawa para makuha yung taong mahal ko. Bakit bes? Ano bang meron? Don't tell me. OMG! "
Binatukan niya ako.
"Tanga, what if nga e."
"Okay. "
Kinuha ko ang phone ko para i-check kung anong oras na.
Pero nakita ko ang 37Missed Calls ni Jack.
Napag-isipan ko din i-off ang phone ko. Bahala siya sa buhay niya.
After kong ubusin ang drink ko. Pumunta ako sa Dance floor para sumayaw.
Matagal din bago ko napagpasyahan umuwi na. Niyaya ko na si Vera.
Tutal naman tabi kami ng unit kaya, walang problema.
--
Lumabas na kami ng elevator ng may nakita ako lalaki na naka-salampak sa gilid ng pinto ko at nakayuko.
Alam ko naman na kung sino siya kaya hindi ko na inabala ang sarili ko para papasukin o gisingin siya.
Pumasok na ako sa unit ko at nagpahinga.
Kinabukasan...
Lumabas na ko ng unit ko para pumasok. Hindi sana ako papasok, masakit kasi ang ulo ko.
Pero pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko.
Hanggang ngayon ay andun pa din siya, ganung pwesto pa din.
Hindi ko pa din siya pinansin, kunyari di ko nakita kaya tuloy-tuloy ako pumunta sa elevator. At para pumasok na.
----
Haayyyys, Kawawang Jack. :3
Suggestions, Comment and/or Violent Reaction?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love: Letting Him to Break My Heart
General FictionHi Guys! This is my First story, Hope you like it! And I know na yung story ko ay too common. (why so conyo?) Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or...