Johnmark's POV:
Nang makaalis ako sa hospital, umuwi muna ako sa bahay upang makapag palit na agad nang damit upang makabalik ako agad.
Nang makapasok ako sa bahay sakto Naman na kumakain sina mom at dad.
Napatingin sila sa direksiyon ko.
"Oh anak! Nandyan kana pala, halika samahan mo kami Ng dad mo na mag dinner" sambit ni mom.
"No need mom, kakain nalang po ako sa labas" sambit ko. Tumingin naman sa akin si dad.
Hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari Kay Erika. Kung tutuusin sya Ang may kasalanan nang lahat.
Hindi ko sya mapapatawad Kung sakaling hindi na magising si Erika, dahil sya Ang puno't dulo nang lahat.
Paakyat na ako nang bigla akong tawagin Ni dad.
"John Mark anak!" Sambit nya. Wow! For the first time tinawag nya akong anak.
Lumingon ako sa kanya.
"S-sorry!" Dugtong nya pa.
"Sorry? Antagal kong hindi narinig yan mula sayo ah" tumawa ako nang bahagya. "Ipagdasal nyo nalang pong magising si erika, tsyaka ko ikaw mapapatawad" dugtong ko pa. At tuluyan na akong umakyat pataas.
Ayoko muna syang makausap sa ngayon. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari.
1 months ago....
Isang buwan na ang nakalipas simula nang ma-comatose si Erika. Habang tumatagal nawawalan na ako nang pag asa na magising sya.
Sabi nang doctor pag hindi pa daw sya nagising ngayong week na to wala na daw pag asa pa.
Walang araw na wala ako sa hospital na binabantayan sya. Lagi rin akong nasa simbahan upang ipag dasal sya.
Sana lang dinggin ni God yung nag iisang hiling ko.
Nandito ako sa secret house ko ngayon upang mag pahinga muna ayaw ko Kasi munang Makita si dad sa ngayon eh.
Christian's POV:
Nandito pa rin ako sa hospital, kakaalis lang kasi nila Justine dahil may kailangan daw silang gawin pati narin sina Samantha, Edgar at kervin.
Samantalang nag paiwan naman si insan marina Anne upang samahan akong magbantay.
"Ah kuya Christian, CR lang Po ako saglit at bibili na rin ng makakain natin" sambit nya.
Tumango naman ako. Nang makaalis na sya napaupo naman ako sa sofa nang biglang mag ring ang phone ko.
Police station calling...
Accept/Decline
"Ahm.. hello, ano pong kailangan nyo?"
[Ahm Kayo ba si John Cristian Santos?] Tugon nya sa kabilang linya.
"Ahm.. Yes! It's me, why?" Tanong ko. Na cu-curios kasi ako kung bakit nila ako hinahanap eh.
[Ahm.. kailangan nyo pong pumunta ngayon dito sa police station ngayon, dahil may importante daw pong sasabihin sa inyo] sambit nya, napakunot naman yung noo ko.
"Ok, I'll be there in 10 minutes" sambit ko sabay baba Ng phone.
Kinakabahan naman ako, bakit nila ako kailangan kausapin Ng personal kung pwede naman sa phone.
Tinext ko muna si JM na pumunta dito para bantayan nya muna si erika.
Police station..
Pag baba ko palang agad akong dumiretso sa loob.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With Mr Bad Boy
Teen FictionTATLO, Grupo ng Mayayabang, kinakatakutan at Tinatingalang BAD BOYS sa school. Ang mga Bad Boy na Nang bubully, Malakas ang Dating at mahilig lokohin ang mga babae. Ito ang katawagan ng isang badboy. At ako "NERD" weird, and forever alone. Kaso lang...