Erika's POV:"Erika?" Tawag sakin ni kuya. Habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Po?" Sagot ko. "Pasok kuya" dugtong ko kaya binuksan niya ang pintuan at umupo sa table ko.
"Ahm.. bebe, may gusto kasi akong itanong sayo, pwede ba?" Panimula niya. Tumango lang ako bilang pag sagot sa kanya. Alam ko naman ang itatanong niya eh.
"Yung sa i-inyo ni john mark, a-ano ba talagang nangyari?" Natahimik ako sa sinabi niya.
Naaala ko na naman yung ginawang pag papahiya at pang bu-bully sakin ni john mark. Aaminin ko masakit pa rin sakin hanggang ngayon. Mapa physical o emosyonal masakit. Hindi ko aakalaing magagawa niya sakin yun. Kasabay ng pag babalik ko sa dating ako ay bumalik din siya sa pagiging badboy niya.
"Ahm... Kung ayaw mong sagutin, wag na lang" akmang aalis na siya ng mag salita ako.
"Yung samin ni john mark?" Nakatulalang panimula ko. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at nag aabang ng susunod na sasabihin ko. "Ang hirap kasi kay jm masyadong tamang hinala eh, hindi totoong nag lalandian kami ni clark ng araw na yun. Dinamayan niya lang ako kasi umiiyak ako nun, at bilang pag comfort sakin niyakap niya ako upang kahit papaano mapagaan yung kalooban ko." Tumigil muna ako dahil pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko. "May nag send kasi sakin na isang larawan nina jm at jana habang nag hahalikan" pinakita ko sa kanya yung phone ko.
"Si jana?" Tanong ni kuya. Tumango ako sa kanya. Hindi ko na kinayang pigilan pa ang kanina pang nag babadyang luha sa mga mata ko.
"Oo, gustong gusto kong ipaliwanag kay John mark lahat nung araw na yun, pe-pero eh mas pinangunahan na siya ng selos at galit niya. Tapos sinabihan niya pa ako ng di kaaya-ayang salita kaya ako na mismo ang nakipag hiwalay sa kanya." Patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha ko na animo'y isang gripo na tuloy tuloy sa pag bagsak.
"Pero bakit mag kasama kayo ni clark at hindi mo sinipot si John mark sa date niyo?" Tanong niya ulit.
"Ang totoo kasi niyan, papunta na dapat ako, sinamahan pa nga ako ni french nun dahil hindi ko alam ang daan, kaso lang nag text sa kanya si bryan, kaya ako nalang mismo ang nagtungo. Ang sabi niya derederetsyohin ko lang daw at makakarating din daw ako sa kabilang school para----"
"Kabilang school?" Takang tanong niya.
"Oo, ang sabi kasi sakin ni french duon daw kami mag kikita ni john mark" natahimik naman si kuya Christian.
"Teka, ang alam ko kasi ang sabi sakin ni John mark, aayain ka niyang mag dinner date sa paborito niyong kinakainan at hindi sa kabilang school" paliwanag naman ni kuya Christian.
"Huh?" Naguguluhang sambit ko. "Papaanong doon? Eh ang sabi sakin ni french sa kabilang school?"
*
Dumiretso na ako sa science class ko. Umupo agad ako sa upuan ko sa likod. Halos lahat ng kaklase ko nakatingin sakin dahil sa kahihiyang nangyari sakin kahapon. Hindi ko nalang sila pinansin, maya-maya dumating na din si John mark. Hindi ako tumingin sa kanya, nakatingin lang ako sa notebook ko.
Hanggang dumating si sir jason hindi pa rin ako tumingin sa kanya, feeling ko hindi ako mapakali. Hindi ko nga siya pinapansin pero aware na aware naman ako na katabi ko siya.
"Okay class, i want you to have your partner. Make a problem and let your partner answer it" sambit ni sir jason.
Lumingon ako sa kanan ko pero may partner na siya. Si french naman meron na din. Tska parang lahat sila meron na. Kami nalang ni john mark ang wala.
Paglingon ko sa kanya, nakatingin pala siya sakin. Inabot niya sakin yung papel niya at nag iwas ng tingin. Gumawa agad ako ng problem tapos inabot ko sa kanya. Pagkatingin ko sa papel ko, nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"Ang galing mong gumawa ng problem, pero di mo naman kayang solusyunan."
Tumingin ako sa kanya pero agad siyang tumayo at lumabas ng room.
Huh? Ano bang ibig niyang sabihin dun?
So, ako pa? Ako pa yung gunawa ng problema?
Ang kapal mo namang sisihin ako. Kung hindi ka nakipag halikan sa iba eh, hindi sana tayo nag kaganito. Bwiset! Letsheng buhay 'to oh!
Pagkatingin ko sa upuan niya may isa pang piraso ng papel. Kinuha ko iyon at binasa.
Ah so, ito pala yung ginawa niyang problem sakin.
Whuwhaaaaat?!
Pag kabasa ko sa problem na ginawa niya, sobrang hirap. May galit talaga siya sakin eh nuh? Nakakainis na talaga siya.
Muntik ko ng di masagutan yung problem na ginawa niya. Pag kapasa ko sa papel namin ay dumiretso na ako sa math class ko. Kung mamalasin ka nga naman classmate ko rin dun si John mark.
Pag karating ko sa math class, tahimik lahat sila. Dumiretso agad ako sa upuan ko sa likod, naka upo na din si justine dun.
"Hi ej, okay ka lang?" Ngumiti ako sa kanya.
"Bakit naman ako hindi magiging okay? May nangyari ba?" Nagulat siya sa sinabi ko at tumingin sa likod ko. Pag kalingon ko nakita ko si John mark at dumiretso lang siya dun sa upuan niya, katabi ni justine.
"Ej, balita ko kasali ka daw sa tutula bukas sa program, totoo ba?" Nakangiting Tanong niya.
"Ah oo sumali ako, ayaw ko na kasing kumanta eh" seryosong saad ko.
"Tssk! Walang nag tatanong" sabat naman ni mr.TH/EPAL.
"Kausap ka?!" Mataray na sambit ko sa kanya, ang epal talaga niya kahit kailan.
"Pffft!" Tumingin ako kay justine na nag pipigil ng tawa.
"Nakakatawa yon?" Nakataas kilay kong sigaw sa kanya.
Hanggang matapos yung math class namin hindi na kami nag usap na tatlo. Pa epal kasi masyado yung isa, di naman kausap sabat ng sabat.
Nag sulat ako sa likod ng papel ni john mark kanina.
"Ikaw, ikaw john mark. Ang gumawa ng problema na hindi mo kayang solusyunan. Ang hirap kasi sayo, masyado kang TH, Tamang hinala. Minsan kasi kailangan mong umintindi at umunawa bago mo pairalin yung galit at selos mo!"
Nilagay ko sa table niya yung papel bago lumabas ng classroom.
---------------
Don't forget to VOTE and COMMENTS..
Thankyou po!
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With Mr Bad Boy
Teen FictionTATLO, Grupo ng Mayayabang, kinakatakutan at Tinatingalang BAD BOYS sa school. Ang mga Bad Boy na Nang bubully, Malakas ang Dating at mahilig lokohin ang mga babae. Ito ang katawagan ng isang badboy. At ako "NERD" weird, and forever alone. Kaso lang...