Erika's POV:
"BOYFRIEND niya ako."
Spell NGANGA?!
Arrghh! Pinag sasabi ng lalaking 'to? Gusto niya na bang mamatay?
Teka, parang siya yung.. nakabunggo sakin nung nakaraan ah. Tama siya nga yun si dark or clark ata ang pangalan nun, ah basta kahit sino pa siya. Kung ako sa kanya tatakbo na ako palayo. Sa sama ng titig sa kanya ni johnmark. Paktayyy na! Huhu! Pano ba 'to? Tong lalaki na Kasi na 'to eh, masyadong agaw eksena eh. Pero salamat na din sa kanya dahil binitawan ako ng mag kapatid pero sorry nalang sa kanya dahil mukhang galit na galit sa kanya si jm. Sabay silang lumapit kay Clark . Naku po! Giyera na 'to.
"What did you say?" Sabay hawak niya sa kwelyo ni Clark.
"Bingi ka ba? Boyfriend niya." Pag mamatigas niya. Hinigpitan ni johnmark yung pagkakahawak sa kwelyo ni Clark. Kaya agad akong lumapit sa kanila.
"Wag mo na siyang patulan johnmark." Pigil ko sa kanya, dahil anytime pwede niyang itong saktan.
"I'm okay baby" nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya. Agad na sinuntok ni johnmark si Clark kaya sumalampak ito sa sahig. Pinigilan ni Justine at Joshua si johnmark dahil gustong gusto niyang basagin ang mukha ni Clark.
"Bitawan niyo ko! Papatayin ko siya.!" Nanggigigil na sigaw ni johnmark. Napansin kong dumudugo ang labi ni Clark dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni johnmark, kaya agad ko itong nilapitan.
"C-clark, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Tinayo ko siya..
"Don't worry baby im fine." Tugon niya. Haysst! Baliw ba siya? Bat ba kasi ganyan siya mag salita?
"Baby? Ha. Ha. Ha.! Gago ka ba?" Sigaw ni johnmark at akmang susuntukin niya ulit si Clark ng pigilan siya ni Justine at Joshua. "BITAWAN NIYO KO!
"Jm ano ba?! Dika ba titigil?" Inis na sambit ko sa kanya.
"Ah ganon, mas pinag tatanggol mo siya, eh di mag sama kayo!" Sigaw niya samin at agad na umalis. Kaya hinabol ko siya.
"Sumosobra ka na! Jm ano ba?!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya parin ako nililingon. Kaya tumakbo ako at hinawakan ko siya sa braso niya. "Bakit ba ganyan ka?"
"Bitawan mo ko, bumalik kana dun sa baby mo!" Tinanggal niya yung pag kakahawak ko sa braso niya at dali daling umalis.
"John mark!" Sigaw ko ng malayo na siya. Pero patuloy lang siya sa pag lalakad niya.
Inis Akong bumalik sa kinaroroonan nila joshua. Napasapo nalang ako sa noo ko ng makita sila. >_<
"Justine, Joshua tama na yan!" Sigaw ko sa kanila. Dahil pinag kakaisahan nila si clark.
"Jane kilala mo ba 'tong epal at pilingerong lalaki na'to?" Tanong sakin ni joshua.
"Ah.. oo, siya si Clark Anderson. Bagong kakilala ko" sabay lapit ko kay clark. "Ako na ang humihingi ng depensa sa ginawa sayo ni john mark." Pag so-sorry ko dahil nahiya ako dahil putok ang labi nito. At may pasa pa sa mukha.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With Mr Bad Boy
Teen FictionTATLO, Grupo ng Mayayabang, kinakatakutan at Tinatingalang BAD BOYS sa school. Ang mga Bad Boy na Nang bubully, Malakas ang Dating at mahilig lokohin ang mga babae. Ito ang katawagan ng isang badboy. At ako "NERD" weird, and forever alone. Kaso lang...