Johnmark's POV:Papunta ako ngayon sa bahay nila erika dahil balak kong yayain siyang mag date. Tagal na rin naming di nakaka pag date kaya sobrang namiss ko siyang kasama ng kaming dalawa lang.
Di parin mawala sa labi ko ang ngiti at sayang nararamdaman ko simula ng maging kami ulit.
Nang malapit na ako sa bahay nila ay napansin akong puting sasakyan na naka park sa tapat ng gate nila.
Sino kaya may ari ng sasakyan na yan?
Bumaba agad ako tska sinilip ko kung kanino yung sasakyan yun at sakto naman ay may lalaking nakagalikod.
"Hey?" Mahinang tawag ko sa kanya.
Pagka harap ng pagkaharap niya ay agad nag init ang ulo ko ng makita kung sino yun.
"Hey man, long time no see johnmark? " Nakangising sambit niya.
Agad kong kinuha ko ang kwelyo niya at diniinan ang pag kakahawak duon.
"Ang tigas naman ng mukha mong mag pakita dito gago ka!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya.
"Ha.ha.ha. so, alam mona pala?" Nakangising sambit niya.
Dahil sa sobrang galit ko sa kanya ay buong lakas ko siyang sinapak. Kaya naman sa sobrang lakas ng pag kakasapak ko sa kanya ay tumilapon siya sa gitna ng kalsada at napahiga.
Pigil ang galit na nararamdaman ko dahil alam kong anytime mapapatay ko siya sa mga kamay ko.
Umupo siya at pinunasan niya ang labi niyang may dugo. Tinignan ko naman siya ng masama. Nginisihan niya lang ako.
"Ang hina mo namang sumuntok pare, para kang babae kung sumuntok" nakising sambit niya. Kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
"Shut up!" Gigil na sambit ko.
"HAHAHA! Wala na bang ilalakas yan?" Natatawang sambit niya.
Dahan dahan siyang tumayo at tumitig siya sa mga mata ko habang nakangisi ng mapang asar.
Mahina pala kaya siya tumalsik? Tsk! Tsk!
"Ano? Yung lang ba ang kaya mo? Tssk! Kung di mo lang girlfriend si erika eh iisipin kong bakla ka pre hahaha! Hanep sumuntok eh" pang iinsulto niya sakin habang tumatangis pa ng tawa.
Isang asar pa? Basag yang mukha mo.
Isang isa nalang at hindi kana makakatawa sa mundong ito.
"Tssk! Anong ginagawa mo pa diyan? Tatayo ka nalang diyan at titigan ako" natatawang sambit niya. "Oy pre wag kang ganyan nakakatakot ka eh. Baka mainlove ka sakin niyan. Haha! Wag ganun pre nakakadiri di tayo talo" kunwaring nadidiring sambit niya pa.
ASA!
Eh di hamak namang mas gwapo ako sayo!
"HA.HA.HA. Talaga Brad? " Sarkastikong sambit ko.
"Oo" nakangiting sagot niya.
"Lam mo brad, siguro nga gusto kita" ngiting sambit ko. Lumapit ako sa kanya. "Gustong gusto kitang patayin ngayon na mismo para matigil na ang pag kayabangan mo!" Sambit ko tska sinapak ko ulit siya.
"Gago ka! Nakakadalawa kana ah?" Sigaw niya sakin.
Lumapit siya sakin at ambang susuntukin niya ako kaya naman mabilis akong umiwas sa kanya at mabilis na sinuntok ko siya sa sikmura. At hindi pa ako nakuntento kaya naman ay muli ko siyang pinag sasapak.
![](https://img.wattpad.com/cover/153777980-288-k687395.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With Mr Bad Boy
Novela JuvenilTATLO, Grupo ng Mayayabang, kinakatakutan at Tinatingalang BAD BOYS sa school. Ang mga Bad Boy na Nang bubully, Malakas ang Dating at mahilig lokohin ang mga babae. Ito ang katawagan ng isang badboy. At ako "NERD" weird, and forever alone. Kaso lang...