Erika's POV:Aaarghhh! Ang sakit ng ulo ko huhu! Sobrang sakit. Feeling ko hinahati sa dalawa yung ulo ko.
Minulat ko yung mata ko, napatingin ako sa paligid. Pure White. Puro puti lang ang nakikita ko sa kwarto na 'to. Walang ka emo-emosyong kwarto.
Teka nasaan ba ako?
Kaninong kwarto 'to?
Napabangon ako sa gulat, at tinignan na mabilis ang buong katawan ko.
T-teka, bat iba na yung damit ko?
Waah! Mommy help me! Ni rape ako huhu!
Pero parang hindi naman masakit? Di ba sabi nila pag first masakit daw?
Aktong bababa na ako sa kama ng may mahawakan akong kakaiba. Teka parang kamay ata 'to ng lalake
What? Wag mong sabihin na...
Pinag masdan ko yung lalake at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ito.
"J-john mark?" Nakatingin lang ako sa kanya.
Tulog na tulog na nakaupo sa sahig habang ang ulo naman niya ay nakadukdok sa kama. Mukang pagod na pagod at puyat.
Siya ba ang nagbihis sa akin?
Dumako ang tingin ko sa katabi niyang palanggana na may tubig at bimpo na puti. Napangiti ako, dahil alam kong inalagaan niya ako magdamag kaya ngayon ay antok na antok siya. Kahit na hindi ko siya pinapansin ng isang linggo may care pa rin siya sakin. Kahit na nasaktan ko sila sa mga salitang binitawan ko. Concern pa rin siya sakin.
Malamang boyfriend ko 'to. Tch.
Sinuklay ko yung buhok niya gamit ang kamay ko ng paulit ulit.
"Sorry ha, alam kong marami ka ng problema pero heto ako, dinagdagan pa. Imbis na ako ang unang umunawa at umintindi sayo dumagdag pa ko. Alam kong hirap na hirap kana sa sitwasiyon mo, hayaan mo nandito na ako sa tabi mo hindi na ako aalis. Sabay nating haharapin ang bukas. Mahal na mahal kita, john mark lim ng buhay ko."
Yumuko ako at hinalikan siya sa noo niya.
Nagtungo ako sa banyo upang maligo at mag ayos na din, sinuot ko muna ang Jersey shirt at boxer ni john mark. Pagkatapos ay nag luto na rin ako ng aalmusalin namin ni john mark. Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na ito. Pinuntahan ko na si john mark upang gisingin at mag simula ng mag almusal.
Lumapit ako sa kanya at hinsplos ang pisngi niya.
"Babe wake up" gising ko sa kanya. Nakailang tawag din ako sa kanya bago siya gumigising.
"Hmmmm... Give me five minutes babe, naaantok pa ako" sambit niya sabay balik sa pag kakapikit niya.
"Babe please wake up, get up there. I have prepared breakfast, let's eat." Pang kukulit ko sa kanya.
Dinilat niya yung isang mata niya at tumingin sa akin. Nang hindi makuntento ay napakurap kurap ito at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita.
"E-erika?" Di makapaniwalang sambit niya. Napabangon naman siya. "Sorry babe----" pinutol ko yung sasabihin niya gamit ang isang daliri kong nakadikit sa labi niya.
"Shhhhhh! Mamaya na okay? Kumain muna tayo." Sambit ko.
"Okay babe, give me a few minutes to take a bath. Mauna kana susunod na lang ako." I sambit niya kaya naman ay sumunod na ako at pumunta na sa kusina.
![](https://img.wattpad.com/cover/153777980-288-k687395.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With Mr Bad Boy
Fiksi RemajaTATLO, Grupo ng Mayayabang, kinakatakutan at Tinatingalang BAD BOYS sa school. Ang mga Bad Boy na Nang bubully, Malakas ang Dating at mahilig lokohin ang mga babae. Ito ang katawagan ng isang badboy. At ako "NERD" weird, and forever alone. Kaso lang...