Yue's P.O.VIsang linggo na kami dito sa bagong mansyon. Kahit papaano ay nasasanay na ako pati sa village kung saan kami nakatira ngayon.
"Next week will be the start of class" tumaas ang kilay ko habang nagbabasa sa magazine nang magsalita si kuya Lucas sa harap ko. Nang tignan ko siya ay nakatayo ito sa harap namin at nakatingin sa phone niya.
"I'll go enjoy bar" sagot ni Jace sa tabi ko. Bigla itong tumayo at inayos ang sarili tsaka umalis pero agad siyang hinarang ni kuya Lucas. Pati si kuya Grae ay napatingin sakanila.
Napailing nalang ako at tinuloy ang pagbabasa. I'm sure they'll be talking nonsense.
Hinintay kong magsalita ang isa sakanila pero nakalipas ang isang minuto ay walang nagsasalita. Nang tignan ko ulit sila kuya Lucas ay pareho silang nakangisi saakin. Sumama ang tingin ko sa pagkakataong 'yon. They are hitting on me again! "Dumbasses!" sigaw ko at tumayo. Pagkatayo ko ay hinampas ko si kuya Lucas ng magazine sa mukha, kasunod ay si Jace na wagi kong tinamaan sa mukha.
Agad akong pumunta sa kwarto at naligo. I'll enjoy myself too--- without them! Pagkaligo ko ay nagbihis ako ng isang sleeveless dress na black at nakalugay ang buhok ko. I'll go to a club exclusively for girls. Meron daw club dito na malapit lang sa village.
I checked myself on the mirror before leaving. Nang makababa ako sa sala ay sumalubong saakin ang nanlalaking mga mata ng tatlo kong kapatid."WHERE THE FUCK ARE YOU GOING!?!" napataas ang kilay ko nang marealize na si Jace ang unang sumigaw at napatayo pa. Pinalitan na yata niya ang pwesto ni kuya Lucas sa pagiging OA.
"Club" matipid na sagot ko and gave all of them a bored look.
Sinukbit ko ang sling bag ko sa balikat ko at naglakad paalis--
"Hey! Hey!"
"YOU KID!"
"STAY!"
Narindi agad ako sa lakas ng boses nila. When I look at them, they're all look stupid! Nanlalaki ang mga mata at parang di makapaniwala sa gagawin ko.
"Would you please let me? Bored na bored na ako dito sa bahay" inis na wika ko at inirapan silang tatlo.
"You can be with us! You don't need to go!" ani kuya Lucas at masama akong tinignan.
"We can play, do activities, foodtrip. Just stay home" ani kuya Grae at tinignan ako na parang alalang-alala.
Napapikit ako hindi lang sa inis kundi pati na din sa lungkot. It's not that I really hate them but--- yeah I really hate them. Lol. Ayokong mag-stay lang sa ganito. Hindi ako mabubuhay ng ganito. Damn! Boredness will kill me. "Kuya Lucas? Stop pestering me. I need time for myself, not for you guys. Hayaan nyo naman akong ienjoy ang sarili ko" seryosong wika ko na ikinatahimik nila. Nagkatinginan pa silang tatlo pagkatapos ay sabay na tumingin saakin.
Ilang minuto ang tumagal na tahimik kaming lahat. I don't want to speak anymore. I really just want to enjoy myself. Without a bodyguard.
"Fine"
Lumiwanag ang buong mukha ko nang marinig iyon mula sa bibig ni kuya Lucas. When I looked at him, he gave me a genuine smile. "We'll let you this time but we'll go after you and fetch you before midnight" na kinairap ko at kinatawa nalang sa huli.
"Nice idea bro"
"I agree"
sabay na sagot nila kuya Grae at Jace bago sila tumawang tatlo. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at hinagis sa direksyon nila bago umalis.
BINABASA MO ANG
ESCAPE
Teen FictionWhy do we need to choose? Why do we need to suffer? Why do we need to love and be hurt? Why do we need to sacrifice? Why do we need to leave? Why do we need to do everything? Simple answer. Because this is what life means for. Without these, living...