Yue's P.O.VIlang oras silang katok ng katok sa pinto until they finally gave up. Napahinga ako ng maluwag. Mabilis akong kumilos at kinuha ang phone ko sa bag at tinitigan ang screen niyon. May text message si Akiro, asking me if I already got home.
I sighed heavily and clicked the call button. Three rings before he answered. "Hey love" napangiti ako agad sa lambing ng boses niya. Magkahalong lambing at pagkahusky na talagang kakikiligan ng mga babae kung maririnig nila 'to.
"H-Hey" I still managed to speak up. Napatitig ako sa pintuan ng kwarto ko.
"Are you alright?" ang lambing ng boses niya kanina ay nawalan at napalitan ng pag-aalala. Napabuntong hininga ako.
"I'm---- I'll be alright" sagot ko pero ang tono ng boses ko ay nawawalan ng pag-asa.
"Kumain ka na ba?"
Bigla ay napanguso ako, kasunod niyon ay pagkulo ng tyan ko. Nagugutom na ako.
"Hindi pa" matipid na lang akong sumagot at bumuntong hininga ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagbihis. I'm still wearing my uniform, even my shoes. Kahit yata magbihis ay di ko magawa ngayon dahil wala talaga akong gana.
"Why are you still not eating? It's gonna be late, love"
Napanguso ako. Naramdaman ko ulit na kumulo ang tyan ko. "They're still there, downstairs. And I don't want to meet my dad, remember?" walang ganang wika ko. I heard Akiro sighed from the other line.
"Malilipasan ka ng gutom" napanguso ulit ako sa sinagot niya.
"Ayokong kumain ng nakikita niya, nila. I don't want anyone here, especially him" matigas na boses na wika ko. For the second time, I heard him sighed again. Natahimik kami ng ilang minuto bago siya nagpaalam. Napanguso ako.
"I'll call you back. Please eat love. I love you" aniya at namatay na ang tawag. Nakanguso akong tumitig sa screen ng phone ko. Gusto ko mang kumain ay hindi ko siya magawang sundin. I would rather sleep without eating dinner than eating with an asshole. Ayoko siyang makita, ayoko na siyang makita.
At hindi ko na alam kung paano pang lalabas ng kwarto para bukas.
Pinatay ko ang phone ko at nilagay 'yon sa bedside table. Akiro told me that he will call me again pero baka hindi ko na masagot. Hinubad ko ang sapatos ko bago umayos ulit ng higa at pinilit uling makatulog. I was feeling sleepy already when another knock on my door disturbed me. Inis akong napabalikwas ng tayo.
"Ano ba!?" inis na talagang sigaw ko.
"Baby girl, kumain ka na" sumama ang tingin ko sa pintuan. Eto na naman si kuya Lucas.
"Come on Yue!" sigaw pa ng isa na sigurado akong si Jace.
"Ayoko nga kasing kumain! If you'll insist to make me go outside and join you, manigas nalang kayo peste!" sigaw ko at nagtalukbong ulit ng comforter.
Akala ko ay matatahimik na nang hindi na sila nagsalita pa pero gusto ko nalang magwala nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. They used the spare keys! Damn! Bumangon ulit ako at sinalubong sila ng masamang tingin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang sila lang tatlong kapatid ko ang pumasok. Hawak ni kuya Lucas ang isang food tray na may laman na pagkain, malamang. Habang si kuya Grae at si Jace ay nakapamulsang nakatingin sa'kin.
"Who told you to come in? You're invading my privacy" galit na wika ko sakanila. They all sighed.
"You need to eat" si kuya Lucas ang sumagot
"Ayoko nga kasi! Ayoko! Ayoko—"
"Akiro called us!"
Natahimik ako at natigilan sa sinabi ni kuya Lucas na dahilan kaya natigil ako sa pagsasalita. Halos maitikom ko ang bibig ko sa pagkagulat. Akiro called them?
BINABASA MO ANG
ESCAPE
Teen FictionWhy do we need to choose? Why do we need to suffer? Why do we need to love and be hurt? Why do we need to sacrifice? Why do we need to leave? Why do we need to do everything? Simple answer. Because this is what life means for. Without these, living...