Chapter 7: First

35 13 0
                                    


Yue's P.O.V

"Yue, my daughter? Can you talk to your brothers now? Nagsusumbong na sila sakin" napalingon ako kay mommy na noon ay nasa harap ko na pala.

Nandito ako sa sala at nagbabasa ng magazine. Isang linggo ko ng hindi pinapansin ang mga kapatid ko at kung ano ano ng nagawa nila.

— Flashback —

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay sumalubong saakin sa labas ng kwarto ang mga lobo at may note pa sa may railings na 'Follow the balloons' . Nakakunot ang noo kong sinundan iyon hanggang sa marating ko ang sala.

Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong saakin ang isang medyo kalakihang banner na may nakalagay na 'WE'RE SORRY' at hawak iyon ng tatlong kumag. Napairap lang ako at hinayaan sila. That's a rude thing pero wala talaga akong balak kausapin sila.

--
Kinabukasan ulit ay nadatnan kong madaming uri ng pagkain ang nasa mesa pati pa ang mga paborito kong kinakain. Kumuha ako ng gummy worm sa may nasa platito nang biglang may nagsalita sa harap ko "WE'RE SORRY! TALK TO US" wika nung tatlo na inirapan ko lang. Binalik ko yung gummy worm sa platito at lumabas ng bahay.

Another day came, sa school naman, pagkalabas ko ng sasakyan ay saktong paglabas din nung tatlo. Nang marating namin ang hallway ay andaming mga bulaklak ang sumalubong saamin, may mga rose petals pa na nagkalat sa hallway at ilang saglit lang ay may humilera sa harap naming magkakapatid at sunod sunod na nagtaas ng matitigas na papel na may nakalagay na letters na kapag binasa lahat ay "FORGIVE US"

Nangunot ang noo ko at hinarap ang mga kapatid ko. Pinagtaasan ko sila ng kilay. "WE'RE SORRY BABY GIRL" sabay na wika nila at inirapan ko lang ulit tsaka ako nagwalk out. Rinig ko pa ang panghihinayang ng mga nanonood.

Sa buong week na yon ay kung ano anong gimik ang ginawa nila. Nagawa pa nilang istorbohin ako at kung ano anong ginawa para mapatawa ako. Pero dahil matibay ang paninindigan ko na hindi ko sila papansinin ay nabigo sila.

— End of the Flashback —

Tinignan ko si mom, pagkatapos ay nilingon ko yung tatlo na nasa mahabang couch na kaharap ng inuupuan ko. Muntik na akong matawa sa itsura nila. Nawala ang fierce Pendelton sa mga mukha nila. Silang tatlo ngayon ay parang mga batang nawalan ng lauran at nakanguso.

"Forgive us Yue. I'm tired" unang nagsalita si Jace at napasandal sa couch. Tumaas lang ang kilay ko.

"Baby girl, I did everything I can do. Please forgive us" malambing na wika ni kuya Lucas na inirapan ko lang.

"Damn. Yue, forgive us. I promise I'll be goodest" ani kuya Grae na siniringan ko lang.

I'm aware of that. They've done everything they can. Deep inside, ofcourse I appreciate all of that. Pinanindigan ko lang talaga yung pangako ko sa sarili ko na isang linggo ko silang hindi papansinin to freshen up myself at para sana tigilan nila ako--- pero wala din palang kwenta. Lalo lang din silang nangulit.

"Okay then" bigla ay wika ko. Nagliwanag ang mukha ng tatlo. "But in one condition" dugtong ko na ikinakunot ng noo nila.

"What?" sabay sabay na tanong nila kasama pa si mom.

Sinara ko ang magazine at nagpandekwatro sa harap nila. "Give me my own car" ngiting sabi ko na kinalaki ng mata nila.

"WHAT!?!" sabay sabay din na sagot nila saakin at halatang hindi sila makapaniwala. And that made me burst out laughing!

"Just kidding" wika ko na kinaliwanag ulit ng mga mukha nila. Napahinga ng maluwag yung tatlo habang si mommy ay napailing saakin.

"Are we okay now?" tanong ni kuya Grae.

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon