Yue's P.O.V"How—. How?" nalilitong sabi ko nung matapos ang cheerdance at pumunta kami sa room ng mga cheerdancers. As usual, kasama ko yung tatlong ugok pati na din si Beatrice na nakikipag-usap ngayon sa kakilala niya.
Napahagikgik si ate Harriet sa tanong ko. I flipped my hair in confusion. "I thought you're living in Manila?" tanong ko pa na inilingan niya at ngumiti siya sakin. She gets her tumblr from her bag at uminom tsaka siya tumingin ulit sa'kin.
"Ito kasing mga kapatid mo, sabi sa'kin 'wag daw akong magpapakita sayo" aniya at ngumuso.
Nilingon ko sila kuya Lucas at sinamaan sila ng tingin. "It'll be better daw kapag sila lang kilala mo dito" dagdag niya pa na lalo kong kinainis.
Why do I have this kind of brothers!?! They're all dumbasses!
"HAHAHAHA. Si jace ang may kasalanan" depensa ni kuya Grae sa sarili na nginisian lang ni Jace. Matamis siyang ngumiti saakin kaya napatayo ako at agad hinila ang kwelyo niya
"Oh–Oh teka— teka easy lil' sis—"
"Ikaw na naman may kasalanan!" sigaw ko at hinila ang buhok niya. Napahiyaw siya sa sakit kaya naman nakuha namin ang atensyon ng iba. Pati si Beatrice ay narinig kong napatili.
"A–Awww, you kid! Stop it— Awww!" daing niya dahil lalong sumasakit pagkakasabunot ko sakaniya.
"Hahaha. You really didn't change. Stop it my Yue, come here" malambing na wika ni ate Harriet kaya inis ko binitawan si Jace at sinamaan siya ng tingin.
Tinalikuran ko agad si Jace pero hindi pa ako nakakahakbang ay dinig ko na ang pagngisi niya. Hindi ko na napigilan lang hinarap ulit siya, kasabay n'on ay sinipa ang tuhod niya na kinahiyaw niya ulit sa sakit.
"Awwww" daing ng mga nasa room na parang sila ang sinipa ko.
Nang makaupo ulit ako sa tabi ni ate Harriet ay doon ko nakita na nakaantabay yung dalawa kay Jace na nahihirapan ng tumayo dahil iniinda pa din yung sakit. Nagpipigil naman ng tawa yung dalawa. "I told you, stop pissing her off" wika ni kuya Lucas sakaniya at tinawanan siya.
Hinarap ko na si ate Harriet na natatawa pa din at napapailing. "Grabe talaga, your brothers were really abused. Hahaha" tawa niya ulit na kinangisi ko na lang.
Sa magkakapatid na sila Hera, Hiro at ate Harriet, si ate Harriet ang talagang close ko. Si Hiro kasi ay mas close kina kuya na kinaiinis ko at si Hera, mailap sa tao.
"Here" aniya at nilapag ang isang maliit na box sa desk niya. Agad kong kinuha 'yon at binuksan. I was surprised when I saw the anklet I am wishing for— noon pa! It's an anklet na gold at may heart sa gitna. I requested to buy it pero ang mga hinayupak kong kapatid, sa sobrang kuripot ay sinabing sa 18th birthday ko na lang daw.
"Ohmygod ate Harriet!" hindi ko na napigilang mapasinghap sa pagkamangha. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong napatingin saamin sila kuya Lucas at maya maya lang ay nakalapit na sila saamin.
"Ate harriet? I told you, sa 18th birthday na lang niya" reklamo ni Jace kaya nilingon ko siya at inambaan ng suntok kaya naman napaatras siya.
Kontrabida talaga siya!
"Don't mind them bb, come on, wear it now. Para pareho tayong may anklet" aniya tsaka pinakita ang anklet niya sa kaliwang paa. Nakangiti akong tumango at yumuko para isuot ang anklet.
"Oh damn! Yue!" kahit na gulat ay napakunot na lang ang noo ko sa sigaw ni kuya Lucas. Hindi ko na inintinding lingunin pa siya dahil busy ako sa paglagay nung lock nung anklet. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, pilit niyang hinihila yung hanging shirt na suot ko.
BINABASA MO ANG
ESCAPE
Teen FictionWhy do we need to choose? Why do we need to suffer? Why do we need to love and be hurt? Why do we need to sacrifice? Why do we need to leave? Why do we need to do everything? Simple answer. Because this is what life means for. Without these, living...