Yue's P.O.VHalos marindi na ang tenga ko sa ingay. The crowd went wild as the two teams arrived the gymnasium. They are all shouting in excitement.
"Grabe! Ang popogi!" rinig ko pa ang sigaw ni Beatrice sa tabi ko.
Nakangiti lang akong pinanonood ang pagdating ng dalawang team, ang Wild Xaviers ay nakasuot ng pinaghalong blue and black basketball uniform while the Dark Lions were wearing black and white basketball uniform. Lahat sila maangas tignan, pero ang nagpapatingkad kay Akiro ay ang malamig niyang ekspresyon.
"OHMYGOD KEAN AKIRO! I LOVE YOOOUUUUU!!!" malakas na sigaw ng isang babae na di ko alam kung nasaan. Tinignan ko si Akiro at hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. This guy.
"For Wild Xaviers first line up" nagsalita ang emcee sa gitna ng nakakabinging mga sigawan.
" #5, Matteo Clarin
#9, Carlo Rajen Santos
#23, Cavill Reyes
#10, Jayvee Ramos
and #17, Kean Akiro Frost"
lalong lumakas ang sigawan nang magpunta sa gitna ang mga tinawag ng emcee. Sila Akiro, Matteo at Carlo lang ang nakilala ko sa limang nasa gitna ngayon pero masasabi kong lahat sila ay may maipagmamalaki."For Dark Lions first line up" wika ulit ng emcee.
" #2, Owen Lastidio
#14, Caden Olivares
#30, Leo Delo Santos
#28, Christian Kawamura
and #19, Kyle Xander Daxton "Tulad kanina ay malakas ang sigawan para sa mga Dark Lions na ngayon ay papunt na sa gitna. May maipagmamalaki din sila sa tingin ko lalo na yung huling tinawag. Pero natigil ang pagmamasid ko sa kaninang lima nang makita kong nakatingin saakin yung huling lalaki na maangas na nakatayo. He's smiling at me na pinagkunutan ko lang ng noo.
Kinabahan ako nang mapansin ko ang tingin saakin ni Akiro. He gave me a weird look at tinignan yung lalaking ngumingiti saamin. Kahit naka-side view si Akiro ay kitang kita ko ang pagtiim ng bagang niya. Lalo akong napakunot ng noo nang makita kong ngumisi sakaniya yung lalaki at may sinalita na hindi ko naman rinig pero lalong kinasama ng timpla ni Akiro.
"Anong ginawa mo? Bat badtrip yon?" bulong saakin ni Beatrice kaya nakakunot ang noong nilingon ko siya. Nagkibit balikat lang siya sa'kin.
Natigil ang pag-iisip ko nang pumito ang referee, sign na simula na ng laban. Hinagis sa ere nung referee yung bola at nakakabinging tilian ang sunod na nangyari nang makuha ito ng isa sa Wild Xaviers. Parang lumundag ang puso ko nang mabilis na ipasa nung lalaki kay Akiro ang bola at mabilis siyang tumakbo habang dinidribol yung bola na halos wala ng nakahawak sakaniya at nang nasa na labas siya nung line (na hindi ko alam) ay walang kahirap hirap na hinagis niya ang bola.
"KYAAAAAAAH!!! 3 POINTS!" sigaw ng isang babae at malakas na tilian ulit. Napangiti ako.
Nagulat ako nang tumingin sa direksyon ko si Akiro at ngumiti, he winked at me na pakiramdam ko ay dahilan para uminit ang pisngi ko! Nakakabinging tilian at mga usapan ang agad kong narinig, they're claiming that Akiro smiled— o di kaya'y kinindatan sila. Oh damn!
"Ohmygod! Ang swerte mo!" sigaw ni Beatrice na kinagitla ko. Agad akong napatingin sa mga malapit lang saamin na nasaamin na pala ang atensyon at gulat ang tingin. Agad nag-peace sign saakin si Beatrice.
Nagpatuloy ang laban at halos mapatayo na ako nang makita kong itulak nung lalaking ngumingiti saakin kanina si Akiro gamit ang katawan niya habang hawak niya ang bola.
"WAAAH!! FOUL YON!" sigaw ni Beatrice at napatayo na tulad ng iba. Hindi naman napaupo o tumilapon si Akiro but I could see that he's hurt.
BINABASA MO ANG
ESCAPE
Teen FictionWhy do we need to choose? Why do we need to suffer? Why do we need to love and be hurt? Why do we need to sacrifice? Why do we need to leave? Why do we need to do everything? Simple answer. Because this is what life means for. Without these, living...