DAY ONE

191 16 6
                                    

""Avy""

"saan ka na naman ba pupunta ha alam mo naman na
masyado pang malakas ang bagyo baka..."

Natatawang sabi ni ate madz
^-^

"ikaw ay matangay sa payat mo pa na naman "

~_~

Grabe naman si insan oh!
tama po pinsan ko siya may pagka ano din to minsan

" bahala ka nga dyan dami mong alam ei nuh .Kong ikaw lang yung bagyo jusme ate madz baka magkaend of the world na siya sige mamaya na lang ulit ang chika babushhh "

"teka may nakal----

"sige byeeeeeeee madmadz "

Malakas na pagkakasabi ko yung tipong malakas pa sa videoke niyo sa bahay.

ang lakas ng bagyo

Nasan na ba yung payong ko akmang kukuhanin ko na ang  payong ko ng  bigla tumila ang ulan . Pati ba naman bagyo manloloko't paasa na din. Naglakad na lang ako palabas ng subdivision. Medyo malapit lang naman kasi yung bahay namin sa main gate  nitong subdivision. Iwas hassel na din yun kaysa sa ibang subdivision na ang layo sa main gate may mga paliku-liko pa.

"ma'am saan po punta niyo?"

Tanong ni manong guard

"sa mall lang po kuya"

"ano pong gagawin niyo sa mall?"

"baka pwedeng palabasin niyo na lang ako kuya dami niyo pa pong tanong "

Kaloka si manong ahh..

Nakalabas na ako ng gate buti naman baka mamaya abutin pa ako ng maghapon hindi pa ako nakakalabas dahil mga nakakalokang tanong ni manong guard

Nakakainis bakit ba naman kasi walang dumadaan na jeep dito .Naglakad pa ako medyo malapit dun sa shade sumilong muna ako pagkatapos kasi ng ulan umaraw naman . Habang wala pang dumaadaan kinalikot ko muna ang cellphone ko.

3 missed call

Hala! si matt ang tumawag ano kaya kailangan na naman nito saking lalaking to. Bahala na ng nilagay ko na uli ang cellphone ko sa bag ko ng biglang

Peeeepep peepppeep....

"ay! kalabaw !"

Anlakas ba naman ng busina sino ba to? habang papalapit ako sa jeep na tumigil sa harapan ko.

"sakay kana iha ikaw d bah ikaw yung kaklase ng anak kong si matt ?"

"opo , wag na po salamat na lang po"

Nahihiyang tugon ko nakakahiya kaya

"wag ka ng mahiya iha "

"ay sige na nga ho hehe"

nakasakay na ako ng jeep nila matt. Kukuha pa sana ako ng pera sa bag ng

"wag ka ng magbayad iha libre ko na lang to sa pagtulong mo sa anak ko "
Nakangiting tugon niya sakin . sinarado ko na lang yung zipper ng bag ko. At tumingin na lang sa labas ang ganda talaga dito . Kaya kung lilipat man ulit ng bahay sina mama hindi ko na sila papayagan .

"saan ka ba baba iha?"

nakakagulat naman

"ah dyan lang po sa mall "tugon ko

"dyan ba sa bagong bukas na mall?"

"meron po ba na bagong mall dito ?"

"oo, meron "

A Day With You ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon