DAY TWELVE

33 5 0
                                    

-MAID-

AVY's POV

Nakalipas ang isang linggo ng hindi ko nasusulyapan yung pagmumukha nung Dandel na yun mabuti na rin to. Baka kung ano pa yung magawa ko sakanya. Mula nung pagpost niya sa twitter nung about sakin naging malaking kahihiyan sakin yun. Tuwing papasok at lalabas ako ng eskwelahan, mga nagbubulungang estudyante ang sumasalubong sakin.

'Hmmm.. Here comes the malandi'

'Asshole'

'May balak pa atang sungkitin si Dandel ko'

'Ano kaya ginawa ng babaeng yan '

'D natin masasabi'

'Transfer nga naman'

'Kabago bago gumagawa na agad ng hindi maganda'

Hindi ba sila marunong nakiramdam hello! andito po ako oh!

Pauulit ulit na lang na ganito yung ganap ko. Yuyuko, tatakbo kung saan. Hindi ko na alam kong ano ba yung kasalanan ko bakit nila ako ginaganito. Wala naman akong nagawang mali sa kanila pero kung pag-usapan nila ako na para bang wala ako dun.

'Nakakasakit din minsan'

"Bakla!.."

Sigaw ng kung sino sa malayo. Si Camillo este Camille!

"Oh? Sorry pero hindi pa ako nakakapagdesisyon dun sa offer mo.."

"Okay! lang bakla may announcement daw sa makalawa si  Mrs.Grande sa gym gaganapin dapat lahat present dun may malaking balita daw! kalerke pa pabitin pa kanina si Mrs.Grande kung ano yung big news..."

"Sige, attend ako..." Tipid na ngiti tugon ko."Anong time ng start?.."

"Hindi ko sure bakla pero sabi bago mag-uwian.."

"Okay salamat sa pag-inform. Una na ako baka hinihintay na ako ni shanelle."

"Okay gorabells na din akes"

"Bye!"

"Bye bye din"

Nagtungo ako sa major subject namin.Masaya ako dahil classmate ko si Shanelle sa mga major class.

Sa may third floor pa ata yun hindi ko pa masyadong kabisado yung mga building dito. Kaya nahihirapan akong mag-adjust.

Paakyat na ako ng second floor ng may narinig ako.Humakbang ako ng bahagya sa gulat ko napatakip ako ng bibig.

Nakita ko magkadaup na yung mga labi nila. Pamilyar sakin yung lalaki parang nakita ko na siya.

Yung lalaki sa mall!

Jusme!

Dito pa talaga sa school .Dahan dahan akong Naglakad sa kasalungat na direksyon upang hindi nila ako makita mahirap na baka mapasama na naman ako nito pag nagkataon.

Natanaw ko sa dulong room nitong second floor may mga estudyanteng nasa labas na para bang may pinagkakaguluhan.

Hindi ko na pinansin yun nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pero bago pa ako humakbang papunta sa third floor. May humatak na sakin papunta sa madilim na parte nitong building. Bago pa ako makasigaw ay tinakpan na nya agad aking bibig.

"Long time no see 'Avy'"

Hindi ko maaninag ng maayos yung mukha niya dahil medyo madilim sa pwesto niya.

"Anong kailangan mo sakin!?"

"Wala naman gusto lang kitang makausap kung okay lang sayo" Kasabay ng unti unting paglapit niya sa aking kinaroroonan.

Napaatras ako ng bahagya dahilan para mapansandal ako sa pader.

"Sino ka ba ha!?"

"Hindi mo na agad ako kilala?" Tumawa siya na parang demonyo.

Natatakot na ako sa mga puntong ito hindi ko alam kung anong kailangan nitong lalaking ito sakin.

Lumapit siya ng lumapit sa gawi ko. Mga ilang inch na lang ang layo ng mga mukha namin sa isat isa.

Napapikit na lang ako ng walang dahilan. Naramdaman kong umatras na siya. May kung anong tumunog sa pader at nagbukas ang mga ilaw.

Nasa parang bahay kami kasi may mga sofa, tv, at marami pang iba na karaniwang nakikita sa mga tahanan. Bat may ganito sa school? Nasa school pa ba ako?

"Dandel!?" Sigaw ko sa lalaking kaharap ko.

"Yeah.." Malamig na tugon  niya.

"Bakit mo ko dinala dito!? May klase pa ako aalis na ako!?"

"Wait"

Tumingin ako sa kanya nakitang kong may hawak siyang kung ano. Binigay niya sakin yun at tinalikuran na ako.

"Anong gagawin ko dito!?"

"From now on youre my officially maid.."

Wait parang nabingi ata ako dun ano daw maid? ako?. .

"Nasisiraan ka ng ulo. Manigas ka pero hindi ko gagawin yang gusto mo. At isa pa bakit ko to gagawin? Oo alam kung hindi maganda yung unang tagpo natin pero hindi ibig sabihin non! pwede mo na akong gawing maid. Ano ka Hello!?"

"Tskk... Hindi mo pa pla alam?..." Nakita kong naupo si Dandel sa sofa.

Alam ang alin?

"A-alam ang alin?..."

Nakaramdam ako bigla ng kaba, hindi ko alam pero parang meron nga hindi ko lang alam.  Hindi ko alam kung anong kinalaman ko sa mga nangyayari. Kailangan kong alamin to.

Mabilis akong lumabas ng silid na yun. Narinig ko pang nagsalita si Dandel.

.

"Malaki ang kinalaman mo dun.."

+++

A Day With You ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon