DAY ELEVEN

43 4 1
                                    


-Ballpen-

TUESDAY (TEH)

Shanelle's POV

"Class dismiss!"Dinig kong sigaw ni Ms.Grande. Minsan nakakasawa ding teacher si Ma'am, paano ba naman laging sigaw ng sigaw akala mo, wala ng bukas.Tumayo na ako, para ayusin yung gamit ko. Ramdam kong may kung anong bumagsak sa tapat ko tiningnan ko kung ano ito.

'Ballpen lang pala'

Sinuri kong mabuti ito, nung may nakita akong name na nakakapit dito. Agad ko itong binasa 'Villa'. Oh! kay Villa pala to, tumingin ako sa gawi ni Villa. Abah! tulala! Malapitan nga, may kasalanan pa to sakin kinaladkad ba naman ako kahapon, sobrang sakit nung paa ko pagka-uwi ko sa bahay! Nagtaka pa nga si Daddy & Mommy kung bakit ako gan'on maglakad. Kaya Villa kailangan mong bumawi sakin!

"Villa!" Tawag ko sakanya pero hindi parin siya tumitingin sakin!

"Nahulog mo tong ballpen mo oh!" Iaabot ko nasa yung ballpen niya pero bigla na lang siyang tumayo.

"Wala akong pakailam, kung gusto mo sayo na lang yan" Ang cold niya ngayon anyari dito!

"Thank you na lang!" Binababa ko yung ballpen niya sa table niya. May nakalimutan akong sabihin sa lalaking to!

"Wait! Libre mo ako!"

"Are you nuts?" Hahakbang na sana siya ng pigilan ko yung braso niya!

"Baka nakalimutan mo nang may kasalanan ka pa sakin. Tingnan mo oh!"  Nginuso ko yung bandang paanan ko, na hanggang ngayon na mamaga parin dahil sa pagkakakaladkad niya kahapon.

"Wala akong pakailam" Hinatak niyang mabilis yung braso niya dahilan para muntik na akong magsungasob.

'Nakakainis talaga tong lalaking to'

Dali-dali kong isinakbit yung bag ko para sundan siya. Nakita kong pababa na siya ng hagdan ng tawagin ko siya.

"Mr.Villa salamat pala kahapon!" Pero parang wala siyang narinig. Patuloy lang siya sa pagbaba.

Kung hindi niya ako hinatak kahapon baka kung ano nang nangyari sakin. Si Ma'am Grande kasi! naiihi na kasi that time pero yung Villa na yun ang tagal sumagot sa tanong ni Ma'am. Kaya hindi ako makuja ng timing para makapagpaalam. Kaya nung hindi kona talaga mapigilan yung pantog ko! napatayo ako ng wala sa oras! kaya ayun! napagalitan ako.

+++

DD's POV

Bumababa na ako ng building na yun ayaw kong mapakinggan yung mga talak nung babaeng yun. Ni hindi ko nga alam yung pangalan nun. At wala na akong plano na alamin pa yung pangalan nung walang kwentang babaeng yun.

Haggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung nangyari kagabi!

D*mn that asshole!

Humanda ka sakin, hindi ko mapapalagpas yung mga ginawa mo! Nangangalaiti na akong pahirapan yung babae na yun!

Sobrang laking delubyo! ang naging dulot ng babaeng yan sa buhay ko! yung mga bagay napinaghirapan ko nasira na lahat. Dahil sa walang kwentang babae na yun.

Kringg....Kringgg...Kringg.....

[Master]

"What's the problem?"

[Tungkol po sa busin---]

Pinatay ko na yung walang kwentang tawag na yun. Alam kong about na naman yun sa business.

Napagdesisyonan kong pumunta sa tambayan ng gagong kong kaibigan. Nadatnan kong nagtatawanan sila, parang mga tanga tong mga to. Parang hindi lalaki kung tumawa.

"Oh par!" Bati sakin ni Rhymer ng may ngisi sa labi.

'tskk.'

~to be continued~

Author niyong mabagal mag-uD.

Knows niyo na ba kung bakit ganoon siya? seeyah next saturday! ❤
special shout out kay Gladys joy Valencia woaahhh ka apelyido ko yan!

Next shout out?

-ValenXincurious-

A Day With You ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon