-GOOD NIGHT KISS-Matt's POV
Kasalukuyang nasa main gate ako ng TEH. Gaya ng sinabi ko kanina nung tumawag ako kay Avy. 6:30pm na medyo marami ng mga estudyante ang naglalabasan,gamit yung mga magagara nilang kotse. Senior high palang may kotse na, ako nga kahit bike wala. Alangan namang jeep ni papa yung dalhin ko dito. 'Kabog men!'Walang panama yang nga ford, ferari,lux o kung ano man gusto niyong itawag dyan. Sa jeep na namin na may sentimental value!.
Pamana ata yun sa amin ng mga kaninu-ninuan pa namin.
Peeppp!...peepp!...peeppp!...
'Aba loko to ah nasa tabi na nga ako'
Peepp...Peeppp....Peeepp....
'Aba lakas men! walang tigil nasa tabi na nga ako, anong gustong mangyari nito?!'
"Tabi!" Sigaw nito sakin,habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.
"Tol! nasa tabi naman ako ah!" Senserong sabi ko baka, mapaaway pa ako ng wala sa oras nito. Wala ako sa tamang lugar para dun, dumayo lang ako dito kaya behave! behave!
"Tanga! hindi ikaw, yung babaeng yun!" Nginuso niya yung babaeng balisang naglalakad.
'Avy!'
"Avy!" Mukhang hindi niya ako naririnig. Ano bang nagyayari sa babaeng to?!
"Avypot! uso tumabi gusto mo bang magpabangga dyan"Lumapit ako sakanya,hinila ko siya para makadaaan yung kotse na kanina pang busina ng busina.Nakakarindi din men!
"Oh!? Matt anong ginawa mo dito?" 'Parang sinusundo ka, hindi pwede ding napadaan lang ako oo gan'on yun.'
"Bigla mo na lang akong binabaan kanina kaya hindi mo narinig na susunduin kita dito."
"Pasenya na dun sa inasta ko kanina, medyo occupied kanina yung utak ko"
"Okay lang, ang mahalaga ngayon umuwi na tayo gumagabi narin"
"Wait!" Pigil niya parang may malalim na iniisip.Kanina ko pa napapansin na masyadong balisa yung itsura niya? 'Nu? kaya problema nito?
"May Problema ka ba, masama ba pakiramdam mo?" Lumapit ako sa kanya para icheck yung temperature niya.
Hindi naman?
"Wala naman, may nagyaya kasi sakin nakitain ko daw siya sa Mall"
"Oh! ano sinabi mo?"
"Sige, yun yung sinabi ko pero parang ayaw kong sumipot."
"Bakit naman?"
"Wala yun! wag na nga natin yung isipin"
"Sino ba yun?"
"Wala! tara na!"
"Sabi mo eh"
Nakarating kami sa subdivision nila. Namiss ko si manong guard ah! Naks! special ka manong!
"Sige dito na lang" Nakangiti na tugon ni Avy.
"Sige bye avy" Papasok na sana siya ng,
"Wait Avy may nakalimutan ako" Lumapit ako kay Avy nabigla naman siya. Ginawadan ko siya ng magaang halik sa noo.
Napansin kong nanlaki yung mga mata niya,matapos kung gawin yun.
"Sige sibat na ako Avy!"
Dko na inintay pang magsalita siya. Mabilis akong naglakad, nandito na ako sa may kanto ng lugar namin.Sayang sa pamasahe kaya hindi na ako nagcommute.
Naalala ko yung reaksyon niya, 'hindi na siya nasanay' Good night kiss lang bilang mag-kaibigan yun. Gan'on kami kaclose nun. Kaya wala nang malisya kahit ikiss ko siya sa forehead niya.
Pero hindi ako manyak ah! nasanay lang talaga ako na ginagawa ko yun sa kanya. Atsaka alam ko yung salitang 'Respeto'.Yun naman kasi yung mahalaga sa magkaibigan yung respeto dapat hindi mawawala. At yun yung isang bagay na meron kami, at sisiguraduhin kong hindi yun mawawala.
'Sisiguraduhin ko'
+++
~to be continued~
A/N:Shout out kay JASMINE SAN RAMON AT KAY ARIAN MAE ROJAS ❤
ValenXincurious❤
God bless us all!
BINABASA MO ANG
A Day With You ( ON-GOING)
Teen FictionKaya mo bang ipagpalit ang taong pinagsamahan niyo ng bestfriend mo. Sa isang araw na pagmamahalan niyo ng taong mahal mo ? At sa hindi inaasahang oras ay may mangyayaring hindi inaasahan sa pagitan mo at ng bestfriend mo ! paano mo malulutasan ang...