TRIX's POV
"bye avy " ng makarating na kami sa inuupahan nilang bahay dito sa Bago hindi lumang lupain main sub. o BHLLMS.
"bye din "sabi niya sabay sarado ng gate.
Tiningnan ko mo na siyang pumasok sa pintuan nila at nagsimula na akong maglakad.Medyo ginabi na kami kahit na malapit ang bahay nila sa main gate.Inabot parin kami ng gabi dahil sa mga asaran namin.
-flashback
Habang naglalakad kami patungo sa bahay nila.
"avy" mahinang tugon ko
"oh" nagtatakang sambit niya
" paano kung isang araw may manligaw sayo? " tanong ko sa pabirong paraan.
"ha? paanong? paano kung may manligaw sakin?"nagtatakang saad niya habang nakakunot ang kaniyang mga kilay.
" i mean paano kung i day may maglakas loob na ligawan ka?"pagtatama ko sa tanong ko.
"Hmmmm... " nakanguso siya habang nakatingin sakin. Ang cute talaga nitong babae na to .
Lintek ka trixx yan ka na naman.
"tagal naman"saad ko sa kanya
"ahhm.. Kung may manligaw man sakin hahayaan ko siya"Tugon niya
"hahaya----" pagputol niya sa sasabihin ko.
"hahayaan ko siya kung papayagan mo siyang manligaw para sakin"nakangiti niyang sabi.
"ha bakit naman ako eh ikaw naman tong liligawan" nagtatakang tanong ko ibang klase din tong babae na to.
Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa malayo. Bago magsalita
"syempre Kaibigan kita kaya sayo ako unang magtatanong kung pwede dbah ganoon na naman ang magbestfriend"sabay lingon sa gawi ko
"pwede naman sa nanay mo"tugon ko habang nakatingin parin sa kanya.
"paano kung pumayag si mama?"patanong na sambit niya at nagsimula na uling maglakad.
Potek! iwan ba na naman akong nakatayo dito.
"hoy avypot hintayin mo ko!" malakas na sigaw ko at hinabol ko siya.
At nakita kong parang malungkot ang expression ng mukha niya.
"Yung tanong mo kanina paano kung pinayagan siya ni tita jimenez syempre okay lang sakin yun. Mama mo yun alam nun kung ano ang makakabuti sayo." masayang tugon ko..
"tara na nga ang dami mo pang ka-ek-ekan dyang nalalaman. Inabot tuloy tayo ng gabi malalagot ako nito kay mama at sa pinsan kong daig pang nakakain ng microphone sa lakas ng boses. Paniguradong hindi ako titigilan ng mga yun. Anong oras na ba?" sabay tingin niya sa kaniyang relo . "pasado alas otso naabutan na tayo ng curfew. " nagpatuloy siya sa paglalakad at ganon din ako.
"bye avy" ng makarating kami sa gate nila.
"bye din" tugon niya
---end of flashback----
AVY's POV
Dahil ayaw kong makagawa ng ingay. Naglakad ako ng dahan dahan patungo sa kwarto ko na na 2nd floor pa . Hindi ko na inabala na buksan ang mga ilaw. Habang naglalakad ako ng nakatiad.
Ramdam ko parang may mga matang nakatutuk sakin.
At hindi nga ako nagkamali biglang bumukas ang ilaw at nakita ko ang mga nanlilisik na mata ni insan.
"tch" papahakbang na ako ng biglang.
"hoy sinong may sayo na pwede kang matulog dyan?"nakataas na kilay na sabi ni insan.
"hoy"sabay hawak ko sa bewang ko. "Madisson alodia Ortiz baka nakakalimutan mong BAHAY KO TO " sabi ko sa mataray na paraan ganito kami lagi nyang pinsan ko pag hindi asaran. Paartehan at mas nagpapatarayan pa kami nyan.
"SINONG MAY SABI NA BAHAY MO TO " Biglang sabat ni mama galing sa taas ng hagdan.
"Oonga huh? sinong may sabi sayo"panggagatong ni insan.
"Bahala kayo dyan nagjojoke lang ako eh easy lang kayo wag gagalet" pabirong saad ko nakakainis kapag pinagtutulungan ako nitong dalawang to. Pati naman si mama nakikisasaw pa daig pang bata. Hindi ko alam kung bakit naging pamilya ko to ei. Buti hindi ako nagmana sa kanila kung hindi baka ganya na din ako."Bukas na lang natin pagpatuloy to matutulog muna ako may pasok pa ako bukas ma , insan ha?" senserong tanong ko. Akmang aayat na ako sa unang palapag ng hagdan ng sumigaw muli si Mama.
"sa sofa ka matutulog " mapangutos na tugon niya sa akin.
"ma, naman " Nagmamakaawang sambit ko. Napatingin ako sa gawi ni insan na mukhang natatawa na."tinatawa mo dyan?"mataray na tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"bibig?" -madisson habang mataray na nakapamewang.
"ma, Insan alam niyo ba na hindi ko na kayo maintindihan?" nalungkot na saad ko. Habang nayuko.
Bigla na namang tumawa si mama kasabay ni insan. Mga ogag talaga tong dalawang to.
"syempre joke lang yun " sabay akbay ni insan sakin.
"sige na matulog kana sa kwarto mo " sabi ni mama habang natatawa pa din at nakahawak pa sa tyan niya.
pagakyat ko dito sa kwarto nahiga agad ako sa malambot na kama ko. Nakatulala ako sa kisame ng biglang sumagi sa isipan ko yung lalaking nakabangga ko kanina. Mukhang kasing edad ko lang siya sa tingin ko. At pinagsisisihan ko na natapunan ko siya hindi ko naman sinasadya yun. Aksidente lang naman , sana maisip niya yun.
Tumayo na ako nagbihis ng pantulog. May pasok pa ako bukas ng 8:00 am ayaw ko naman na late ako kahit 2nd week na to ng class. Transferee pa naman ako sayang kasi hindi na kami nagkaschool ni trix. Simula nung lumipat kami dito sa subdivision na to. Masyado kasing malayo dito yung dati kong school kaya napagdesisyunan na magtransfer na lang ako kahit na labag sa loob ko. Humiga na ulit ako ipinikit na aking mga mata.
Sana maging maayos ang araw ko bukas.
At hindi ko na malayan na nakatulog na ako .
zzzzZzZZZZZZZZZZ
A/N : salamuchhhh ❣ sa patuloy na pagbabasa. Mabagal AKONG MAG-UD kaya sana be patience . Sorry sa wrong typo,spelling, grammar at sa lahat ng mali dyan.
Ano kaya ang mangyayari kay avyanna kung magtagpo muling ang landas nila nung lalaking nakabangga niya sa mall?
Magkamabutihan kaya sila?
Magkasundo kaya sila?Abangan! ❣
Don't forget to VOTE AND COMMENT ❣❣
BINABASA MO ANG
A Day With You ( ON-GOING)
Teen FictionKaya mo bang ipagpalit ang taong pinagsamahan niyo ng bestfriend mo. Sa isang araw na pagmamahalan niyo ng taong mahal mo ? At sa hindi inaasahang oras ay may mangyayaring hindi inaasahan sa pagitan mo at ng bestfriend mo ! paano mo malulutasan ang...