DAY SEVEN

42 3 0
                                    


-MILKTEA-

.

Matt's POV

"Class dismiss"Tugon ng teacher namin.Tumayo na ako't sinakbit na ang bag papunta sa labas. Pero bago pa ako lumabas ay nahagip ng paningin ko si Theo kaklase ko sa ilang subject.Masipag yang si Theo matalino din, pero hindi ko alam minsan kung bakit lagi na lang nay pasa sa mukha. Kapag hindi pasa mga galos.

'Minsan na iisip ko na may kabasag ulo lagi tong lokong to'

"Repapips!" Bati ko kay Theo na kasalukuyang isinisilid ang nga notebook at ballpen sa kanyang bag.Napansin kong may pasa na naman si Theo, pusta bente  nakipag-away ang lokong to.

"Repa" Lingon niya sakin sabay akbay sakin.

"Bat,hindi pumasok si Rav?" Simula nang pumasok ako dito sila na mga naging kaibigan ko dito sa SSA. Sila din yung naging takbuhan ko sa oras na kailangan ko talaga ng makakasama.Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya at kay Rav.

"Si Rav ba, alam mo naman yun takaw gulo.Walang inuurungan basta nagpakita ka ng motibo, siguradong hindi ka nun titigilan. Alam mo naman yung nakaraan nun masyadong madilim." Natatawa pero seryosong sagot ni Theo. Maraming mga problema ang kinahaharap ngayon ni Rav.Nararamdaman ko yun dahil lagi ko yung kasama dito sa school.Mayaman naman sina Rav, pero hindi siya yung tipo ng lalaking palaasa sa mga luho ng kanilang pamilya.Masyado din siyang masekreto, hindi ko nga alam kung may kapatid siya o kung buhay pa ba yung mga magulang niya. Kahit minsan hindi niya binabanggit ang tungkol sa pamilya niya puro laman ng utak nun ay yung mga kaaway nun.Parang dun na lang umiikot yung buhay, nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero t'wing maiisip ko yung awa. Nawawala bigla kasi alam kong kayang kaya nya yung lagpasan.

"Sige bye muna repa may pupuntahan pa ako, tumawag si grandma sumaglit muna daw ako mall may ipinabibili." Sabay tapik sa may bandang balikat ko.

Mas bata kami kay Rav 18years old kaming dalawa ni Theo, samantalang 19 years old na si Rav.

"Sige repapips" Tugon ko sa kanya nauna na siyang lumabas na siya ng classroom.

'ano na kaya nag lagay ngayon ni avy? Kontakin ko muna yung babaeng yun'

+++



Madisson's POV

"Avy alis na ako maaga yung shift ko" Mga 8:00am na pero parang ayaw pang kumilos nitong lukang to. Malalim na naman ata ang iniisip. "oy! Avy! ano walang balak tumayo para maligo na, aba tingnan mo kung anong oras na oh?!"

"Maaga pa Madz mamaya pa klase ko" Sabay halumbaba niya sa lamesa.

"Hoy babae wag kang humalumbaba d'yan mamalasin yung pagkain!"

"Toh! naman maagaa ka pa dba! sabi mo maaga shift mo gooo!! chupi! chupi!" Pagtataboy niya sakin, kasama pa yung kamay niyang umarteng pinapaalis din ako.

"Oh! ito na nga oh aalis na!"

Nakakainis yung si Avy masyadong pinapainit yung ulo ko.Pero kahit gan'on yun malaki utang na loob ko sa pamilya nun kasi sa mahabang panahon sa kanila na ako nanirahan nung mga panahon na basta na lang akong iniwan ng mga magulang ko kina lolo't lola. Pero simula nu'ng pumanaw sina lolo't lola, inampon ako ng pamilya ni Avy. Sa ngayon, tumigil muna ako sa pagaaral. Napagisip-isip ko na tulungan na lang sila, sukli ko na to sa kabaitan na ipinakita nila sakin. Hindi nila ako pinabayaan sahalip itinuring nila ako tunay na kapamilya. Ramdam kong hindi talaga ako nag-iisa.

A Day With You ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon