Pls... Watch the video❤
++++
-TILL I MET YOU-
Shine's POV
Tumakbo ako sa abot ng makakaya ko lagot ako nito kapag nalate ako. Terror-ista pa naman yun este Terror teacher.
'lagot na, first time kung mapapagalitan kapag nagkataon.'
Habang palapit ng palapit sa room 11. Naririnig ko na yung sigaw ni ma'am.
'Take note nasa ground floor palang ako, second floor pa yung room 11'
'Patay na, anong oras na ba?'
Tumingin ako sa relo ko nanlaki ang mga mata ko 9:15 na.
'lagot! lagot ! lagot!'
'9:00 am yung first subject ko'
Nag-ala flash na ako paakyat ng hagdan. Hingal na hingala akong tumigil sa harap ng pinto habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking mga tuhod, natigilan ako ng makita si Ms.Agsunta na masamang na katingin sa gawi ko. Alam kong papalapit na si Ma'am sa gawi ko. Myghad what to do.!
"Ms.Dela rosa, why are you late" Mataray na sambit niya, nakita ko naman yung mga kaklase ko nakatingin sa gawi namin. Lupa bumuka ka at lamunin mo ako ngayon na!!! Mga dyosa sa ikataas taasan tinatawag ko kayo kunin niyo ko dito. 'jusmee katapusan kona alam kong hindi ako titigilan ni Ms. Agsunta!' New teacher siya dito galing sa TEH. Nabalitaan ko sa mga old student niya, once na malate or mapansin ka n'yan sa klase niya aaraw-arawin ka n'yang ipapahiya sa klase.
"Sorry Miss" Tugon habang nakayuko, andito parin ako sa may pintuan.
"'Sorry', give me one good reason to accept youre 'sorry'" napatunghay at napaayos ako ng tayo. Ano ang magandang dahilan isip ka shine dali dali!
~imagination~
"Ma'am na late po kasi ako ng gising"
"okay, good reason you may seat down"
"Thank you po Ma'am!"
'erase! erase! baka ganito pa kahinatnan n'yan'
"Ma'am nalate po kasi ako ng gising"
"Nalate ka ng gising? Nonsense,! all student say when they're late. Sorry Ma'am late po kasi ako ng gising, wala ba kayong orasan ha!"
'Hindi din pwede yun, kung magdrama na lang kaya ako'
"Sorry, Miss namatay po kasi yung aso ko, kani-kanina lang ipinaghukay ko pa po ng malilibangan. Kawawa naman po yun kung iiwan ko lang" *sob*
'hindi parin good reason yun. Paano na ?'
'Kung sabihin ko na lang na kaya ako nalate kasi medyo natagalan ako sa pag-aayos ng face-lak ko. Tutal yun naman talaga ang totoong dahilan.*sigh* Kesa magsinungaling ako dbah? Mas better na sabihin ko yung totoong reason kaysa sa mga bagay na hindi naman totoo.'
BINABASA MO ANG
A Day With You ( ON-GOING)
Teen FictionKaya mo bang ipagpalit ang taong pinagsamahan niyo ng bestfriend mo. Sa isang araw na pagmamahalan niyo ng taong mahal mo ? At sa hindi inaasahang oras ay may mangyayaring hindi inaasahan sa pagitan mo at ng bestfriend mo ! paano mo malulutasan ang...