Simula

4.1K 57 2
                                        

Simula

"He's going to marry, Hariet Reyes." nakatingin si Celine sa iPhone niya, Kyu is sitting beside her.

Nakasuot ng long maxi dress si Celine habang si Kyu ay nakasuot ng black suit. Pareho silang galing sa isang party.

Nakahilig ako ngayon sa tabi ng piano at tinitignan sila.

They look so good together.

"Who?" tanong ko, medyo kinakabahan ako sa isasagot ni Celine.

"Sino pa nga ba? Edi 'yung ex mo."

Tumango ako, tinignan ko ang bintana sa labas, malamig ang panahon dito sa Singapore, but I'm wearing a tube dress para sa pagtulog. I'm used to the wheater, pitong taon akong nagstay dito.

Tinapos ko ang kursong nasimulan ko rito sa Singapore, at isa na ako ngayong kilalang Painter. An artist, mahal ang pabili ko sa mga paints ko. Ang iba'y nasa malalaking mansyon dito sa Singapore na pag mamay-ari ng ilang kilala at mayayamang personalidad, dito.

After seven years, I stay quietly here, peacefully, and wild. Though I'm still a virgin, sadyang mahilig lang ako sa mga mayayamang lalaki rito, marami akong naging ex sa loob ng pitong taon.
"Who's ex?" I asked innocently.

Celine laughed, full of sarcasm.
"Come on Sofia, you sound so bitter." ngisi niya.

Umirap ako, "I have many exes." I shrug.
It's fun to have not serious relationship with rich people. Kaya nila akong bigyan ng mga luho ko, o ng mga bagay na hindi kayang ibigay ng mga simpleng tao.

"It's Ace Oliver Madrigalejos, dear." Celine giggled. I look at her.

"Best wishes to them," I smiled.

Ngumiwi si Celine at humilig sa katabi, she's taller compare to me, and sexy, porcelain skin and a big boobs and butt na kinaiinggitan ng karamihan. Siguro, kaya baliw na baliw si Kyu sa kanya, they have some sort of relationship. Because sometimes I heard her moans from Kyu's room. What do you expect? Naglalaro sila ng tagu-taguan? Syempre, they're doing it.

They're adults na raw, Celine is 25 and Kyu is 28.

"Uuwi ka?" tanong ni Kyu sa akin, I find it weird so tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ako uuwi?"

Umangat ang gilid ng labi niya, ang braso niya ay nasa backrest ng sofa, animo'y nakaakbay kay Celine.

"Your paintings? Idodonate mo?"

"My paintings are not for donation, gusto ko lang na pumunta sa Pilipinas to see ate Cali and her fiancee." umirap ako at napagod na sa kakatayo, lumapit ako sa dalawa at naupo sa pang-isahang sofa, kinuha ko ang isang baso ng juice sa center table at ininom iyon, malamig at mapait ang juice. Oh, this is a beer pala.

"Nag-iinuman nanaman kayo?" inis kong tanong at pabagsak na binaba ang baso, tumili pa si Celine, nagulat ko pa.

"Anong masama?"

"Sofia!" sabay pa si Celine at Kyu, napailing ako at mas lalong naasar sa kanila, tumayo na lang ako ng tuluyan at umalis na sa harapan nila.

Nagtungo ako sa kuwarto ko at nag-impake na para sa mga damit kong dadalhin sa Pinas.

I packed everything, kinontra ko agad ang sarili at ibinalik ang ilang damit ko sa walk in closet. Ano, Sofia? Doon ka na titira? Come on. Dadalaw ka lang at uuwi, tapos!

Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng lampshade matapos akong mag-impake, two baggage is fine.

Kinalikot ko ang cellphone ko at nakitang maingay ang netizen about Hariet's wedding, ayokong makita ang mga pictures nila ng mapapangasawa niya! Kaya tinignan ko na lang ang parties na magaganap.

Tomorrow! May party sila para sa lahat ng naging kaibigan nila. The party is big, invited ang lahat.

Biglang may nagpop-up na email sa akin. Naasar pa ako no'ng una pero nang makita ko ang invitation, doon ako natuwa.

You're invited to be part of the Royal Party.

Walang pangalan na nakalagay, basta pirma lang iyon. Pupunta ako rito, bakit ba? Pinadalhan ako ng invitation e.

I contact my Secretary, I told her to fix my ticket and the gown I'm going to wear, I gave her all the details for my gown, may mga sinend siya sa akinh design, may pinili ako na revealing long gown, it's fine, also ang hotel na tutuluyan ko pansamantala. Mabilis naman kumilos ang Secretary ko, aniya'y dadaan na lang daw siya rito para ibigay ang mga kailangan ko.

Very good!

Nahiga ako sa kama.

Wedding of the century ata 'to. I smirked. I need to be there.

"Hello," nakangiti pa ako nang sagutin ang tawag ng aking kapatid.

"You need to be here, Pia, alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ang araw na ito."

Umirap ako sa ere, "Come on ate, uuwi ako." sabi ko at tinignan ang sariling reflection sa salamin sa mismong kisame ko. It was a dirty white color, I really love the design of it.

"May kasama ka na ba pauwi? You know what, get married na."

"Stop it Caliana! Wala akong plano magpakasal. Nakakasakal!" sabi ko pa to annoy her.

"Ayaw mong magpakasal? O umaasa ka pa rin kay Ace?" narinig ko ang panunuya roon.

"I don't need him, I don't need a man."

I heard her, laughing.

"Daming nalalaman, o'siya! Uwi ka na ha, message me when you got here, para next week mapasundo kita." aniya.

I smirked, hindi niya alam na mamayang 5 AM ang flight ko pauwi. I have to attend an important party.

"Sure, ate. See you, ah paregards na lang kila Mommy and Daddy."

"No problem Piyang, see you soon!"

And the line cuts.

Napahiga ako at itinabi na ang cellphone.
Bakit gusto kong pumunta sa party na 'yon nila Hariet? Well, I just want to fry, masama bang makialam? Este, I want to see them together.

Pinikit ko ang mga mata ko, at handa ng matulog.

Bitterness spread all over my system, I feel so much pain literally on my chest, hot tears dripped down my cheeks. I bite my lower lip to stop myself from sobbing loudly, but I just can't.

After seven years of hiding...
After seven years of forgetting what happen to us...

Andito ako...kulong na kulong pa rin.

Ang unfair! Sobrang unfair!
Hindi pa ako makamove on sa mga nangyari, while he's marrying that woman?

Sobrang unfair!

Bumangon ako galing sa pagkakahiga, pinunasan ko ang nabasang mukha ng luha. Huminga ako ng malalim, at tumingin sa isang dako.

Hindi tama na hanggang ngayon umiiyak pa rin ako dahil sa kanya. Nakamove on na ako e, siguro na shocked lang ako kaya umiyak ako.

Nahiga ako ulit at ipinikit ang mga mata.

Face the reality Sofia, he aren't for you...he aren't for Sofia Lamadrid, he's for Hariet Reyes.

Earning Her (She Got Away BOOK II)Where stories live. Discover now