Chapter 5

2K 50 4
                                    

Chapter 5
Damn Egg

"What are you doing?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita, pinakatitigan niya lang ako.

"Ace!" I said very irritated.

He smirked. "The young Sofia Lamadrid just ignore me,"

"Ha?!"

"Ignore me,"

Linapitan ko na siya, I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.
"Anong trip mo? Anong hinithit mo? Why are you doing this? Ang immature at korny mo!"

"I'm earning you, tulad dati..."

I tilted my head. "So are you going to do those things, way back in our childhood days?"

"Yeah, madali lang naman 'yon." he said, very confident.

"Arrgh, unbelievable!" at tinalikuran ko siya at pumasok na sa bahay nang walang lingon-lingon, I close the door, napalakas pa pagkakasara ko.

"Yan! That's the way you do it!" sigaw ng nasa labas. What is he up to?

"Anak, you should...try to get along with him again." Mommy said, umirap ako at pabagsak na naupo sa sofa.

The whole interior of our house look so decent and simple, because it's painted white and light brown. Minana pa ni Daddy ang lupang ito sa mga magulang niya, hindi na rin sila nakatira dito, dahil citizen na sila sa Canada. They both stayed there for years, at kung umuuwi naman sila ay kay ate Cali naman sila pumupunta.

Sila itong laging magkakasama, kasi ang tagal kong hindi nagpakita sa kanila, nakikita nila ako sa facetime or skype. So, itong pagbabalik namin sa Quezon Province is unusual.

"Mom, he chooses his career over me!" sabi ko, reminiscing the past.

"Hija, you need to be thankful, kasi kung hindi kayo nagkahiwalay...baka wala ka sa kung nasaan ka man ngayon."

Napalunok ako sa sinabi ni Mommy, tumingin ako sa labas at nahagip ng mata ko ang paalis na si Ace, tulad noon, kitang-kita ko rin ang paglalakad niya patungo sa kalapit na bahay. Tulad noon, nakita ko rin ang pagbabalik niya ng tingin sa aming bahay, kuryoso pero sobrang seryoso ng ekspresyon.

At tulad noon...kabado rin ako.

"Mom, kahit nasa tabi ko si Ace noon, alam kong may patutunguhan ako." wala sa sarili kong sabi. "Siguro mas maayos ako ngayon kung hindi niya ako iniwan. Hindi ko sinasabi na I still need him, pero kasi My, alam ko noon...Ace will lead me to the right path."

Hindi nagsalita si Mommy, I saw her feeling sorry about something.

"Dad, asaan na si ate Cali? I think she's naliligaw na." sabi ko, looking at my father.

"Pauwi na 'yon," tumango-tango pa siya.

And after Dad said it, biglang pumasok si ate Cali, wearing a flesh color dress below the knee, carrying a cake and a metallic foil inside of a plastic, alam ko na agad na iyon ang paborito naming ulam!

"I'm not eating cake!" sabi ko.

Sinamaan ako ng tingin ni ate Cali.
"Pinagawa ko pa 'to! Tapos 'di mo kakainin, are you naglilihi na ba?"

Nginiwian ko na lang siya, they all say na malayo ang itsura namin ni ate, at pag-uugali, she's an active person while I'm not, libro ang lagi kong hawak noon, habang siya mga bola or kahit ano, basta sports. Pero may pagkakapareho naman kami, iyon ay ang mga facial expression namin, ang pagbuka ng mga bibig namin, ang pag-irap ng mga mata namin, pag taas ng kilay at ang kaconyo-han.

Earning Her (She Got Away BOOK II)Where stories live. Discover now