Chapter 17

1.6K 33 1
                                    

Chapter 17
Smell

"Ikulong ni'yo ang hayop na 'yan! Tinanggap ka namin ng buo sa pamamahay ko! At nagawa mo pa rin ito sa anak ko!" galit na galit si Daddy sa kay Luke na nakaupo sa harap ng hepe, at nakayuko. Hindi inaamin ang ginawa niya.

Hindi ko naman kayang pigilan si Daddy, kasi maski ako galit at nagulat din. Nanatili akong nakaupo rito, may kumot sa buo kong tawan, umaagos pa rin ang luha.

"Lilitratuhan na natin," ani Pulis, tumayo na rin si Luke.

Humikbi ako ulit, inalo nanaman ako ni Mommy, si Kyel na galit na galit ay nanatili sa tabi ko, pilit din akong pinapakalma.

"Kung hindi pa tumawag si Creg sa akin na hindi ka niya macontact, baka hindi namin iisipin na wala ka sa bahay." ani Kyel. "Ang hayop na 'to!" at masamang binalingan ni Kyel ng tingin ang tinuring niyang kaibigan, na ngayon ay may hawak na small board, at naandon ang pangalan niya.

"Mom, umuwi na lang po tayo." sabi ko, pilit nang tumatayo. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mommy, lasang-lasa ang pait na nararamdaman ko.

I trusted Luke.

"Sige anak, uuwi na tayo. Sasabihan na lang natin ang pulis na sa bahay ka na lang interviewhin." my Mom look so worried and angry.

Tumango na lang ako, at inalalayan na ako agad ni Kyel.

Kinakausap na ni Mommy ang pulis, kita ko ang pagtango nito sa sinasabi ni Mommy.

Biglang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko, amoy pa lang ng pabango alam ko na agad, the manly scent of it belongs to my Ace Madrigalejos.

"Architect!" iyon ay ang isang pulis na rumesponde. Hindi ko alam na kakilala niya pala ito.

"Asaan siya!" kita ko ang takot at galit na pinaghalo sa ekspresyon ng mukha niya.

"Ace!" it was Kyel, binalingan niya kami. I saw how angry he is right now. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakatakot.

Lumapit siya at chineck ako, he's angry but the way he hold me, gentle at animo'y isa akong babasagin na krystal.

"U-muwi na tayo, Ace..." iyon lang ang nasabi ko. Alam kong sa galit na ipinapakita ng mukha niya ngayon. Kaya niyang pumatay ng tao.

"Anong ginawa niya saiyo?!"

"He—" hindi ko kayang sabihin ang lahat ng detalye, humikbi na lang ako. Hinigit niya ako agad at niyakap.

Halos dalawang oras na kami rito sa prisinto. Hindi ko rin alam kung paano nakabalik kaagad si Ace, does he flew? Hindi ko alam.

"Hayop siya!" saad niya ng mariin habang yakap ako.

Bumitaw siya sa akin nang mahagip ng tingin si Luke na inilalabas galing sa kung saan siya nilitratuhan, nakaposas pa rin ito, at ngayon ay ipapasok na sa kulungan.

"Hayop ka!" malakas na dagundong ng boses ni Ace iyon. Halos napatalon pa ako, mabilis siyang nakarating kay Luke. Kwinelyuhan niya ito, sa sobrang galit ay sinuntok niya pa ito ng malakas.

"Mother fucker! You need to die, sa kamay ko, papatayin kita!" singhal niya. He's a professional Architect, and I can't imagine him acting this way.

Kung galit si Daddy, mas galit si Ace. Pulang-pula ang mukha at leeg niya, pati ang labi niya, dumoble ang pula.  Nakita ko ang galos sa braso at sa may leeg niya, ngayon ko lang din napansin na madumi ang pantalon at puting polo niya.

"Umamin na siya Sir na gusto niya talagang gahasain si Miss Lamadrid, mabuti na lang po ay nahanap siya kaagad. Nataranta ang mga magulang niya ng biglang mawala si Pia at pati cellphone ay hindi macontact." ani Pulis.

Earning Her (She Got Away BOOK II)Where stories live. Discover now