Chapter 8
Luke DemetrioThe next day, I'm so preoccupied. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ace, maging ang nangyari kagabi.
We sleep without even touching our skin, nasa couch siya habang nasa kama ako.
Hindi ako makatulog ng maayos, pero hindi ko man lang iyon ipinahalata sa kanya. Napapangiti ako dahil sa mga sinabi at ginawa niya. The way he kissed and touched me, the way he own me, god! I'm still so turn on that night!
Kaya no'ng pauwi kami sa Quezon Province ay halos hindi ko siya matignan, at kung napapatingin naman ako sa kanya ay halos matigilan ako at maglaway, nakakamangha pa rin talaga ang itsura niya.
Definition of perfect? Ace Oliver Madrigalejos.
"Nakausap ko si Mang Cardo, gusto niya raw na makita ka kahit saglit lang..." si Ace na napatingin muna sa suot kong jeans at hoody jacket. Oo, ayaw ko na magsuot ng dress o kahit ano sa harap niya, naaakit daw siya di'ba? Naaalala ni'yo?
"Bakit?" tanong ko na lang, my hair is in bun at wala rin akong make up.
"You look so pretty when bare." aniya na nagpapula sa pisngi ko. Alam kong halatang halata iyon, dahil wala akong make-up. Hindi ko naman pupuwedeng sabihin na bigla na lang ako nagkablush on 'di ba?
He smirked. "Matagal kang nawala, namiss ka lang siguro niya. He's like a father to us? Remember, Puti, the carabao?" he speak, answering now my question.
Natawa ako nang maalala ang mga memories namin kasama si Puti.
"Oo, naaalala ko pa nga no'n nung unang sakay mo, nahulog ka pa sa putikan."
"Oo nga e, takot na takot ako no'n!"
"Sabi na e! Ang putla mo kaya no'n!" tumawa pa ako dahil sa naalala.
Tumawa rin siya at nagtawanan kami hanggang sa napagod kami. Isang mahabang buntong hininga ang sabay naming nagawa.
"I missed hearing your laugh." seryoso niyang sabi. Ngumiti pa, nginitian ko na lang din siya.
Matapos ang mahabang byahe ay nakauwi na rin kami. Natulog ako sa bahay, and he stayed at their house. Hindi ko pa nga pala nakukumusta ang mga magulang ni Ace.
Natulog ako maghapon, nagising lang nang maghahapunan na. Ate Cali is with his fiancee, may mga tinitignan sila, nasa harap nila ang wedding planner.
Akala ko nga gaganapin sa Maynila ang kasal, dito pala. Kasi, dito rin sila nagkakilala, hindi ko iyon alam kaya naintriga ako.
"Gusto kong theme is 'yung parang fairytale, kasi ganoon ang kuwento namin ni Paul, he's a rich kid, at isang mahaba-habang paghihirap ang pinagdaanan namin." ani ate Cali, naupo ako sa gilid lang ng upuan malapit sa piano.
Nagkatitigan si ate at Paul, they look so in love. Finishing touch na lang din ang ginagawa nila, the invitation is ready, ako ang maid of honor ni ate, while Ace is the best man, since Paul and Ace are close friends. Kulay royal blue ang theme color, bibili na lang ako ng susuotin ko na magmamatch sa mga susuotin ng bride's maid. Nakapagpasukat na sila noon, habang nasa Singapore pa ako.
Nakita ko na rin ang gown na susuotin ni ate, maganda at magarbo.
"Ang suwerte mo Cali ah! Isa si Architect sa mga bisita ni'yo!"
Tumawa ang magkasintahan.
"Ace is a close friend of us, Dem." ani Paul sa wedding planner."You're lucky nga! He's still so hot ah."
Napangiwi na ako ngayon sa pagpupuna ng bakla.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa harap nila, nagtungo na ako agad sa kusina para tulungan si Mommy sa paghahanda ng makakain namin.
YOU ARE READING
Earning Her (She Got Away BOOK II)
Подростковая литератураHe's the reason why she got away, now, he will earn her...little by little...