Chapter 14

1.5K 33 3
                                    

Chapter 14
Greedy

"May sakit naman pala." narinig kong sabi ni Celine habang nakaupo sa pang-isahang sofa. Kaharap niya lang si ate Cali, at Kuya Paul. Nakaupo sila sa mahabang sofa. Kyel is missing pero naandito si Luke, nakatayo siya sa may hamba ng pinto patungong kusina at nakatingin ng seryoso sa akin.

"Pero hindi naman natin siya kailangan bigyan ng special treatment." si ate Cali naman ngayon, she's aware of my presense. "Isa pa, mali iyong ginagawa niya. Niloloko niya sarili niya na buntis siya." dagdag pa ni ate Cali.

"Because she's desperate." ani Celine, nang makita ako ay bahagya siyang napatalon, ngumiti siya at kumaway.
"Sorry for talking about Ambra behind your back Piyang." she smiled sincerely.

"Ayos lang," sabi ko at naglakad na palapit na kanila. Umusog si ate para may maupuan ako.

"Anong plano ni Ace sa kaibigan niyang iyon na high?" tanong ni Celine. "Mukha naman siyang matino di'ba? Hindi halata na baliw siya at kailangan nang dalhin sa mental." she giggled after that, natawa na lang din si ate Cali.

"Celine, that's not a joke. Depression isn't a joke. Hindi rin siya baliw. It's a mental disorder. Magagamot pa iyon." sabi ko na lang.

"Why are you defending her? Ipapaalala ko lang sa'yo, na gusto niyang kunin sa'yo ang pinakamamahal mong si Ace Oliver Madrigalejos." umirap pa siya.

"Because I can't win if I continue whining. I am not affected at all. I trust Ace."

"You should stop trusting man like him." it is Luke, kumunot ang noo ko at tinignan siya.

"I trust him, Luke." tangi kong nasabi kahit bahagyang naasar sakanya.

"And he didn't trust you, bakit hindi siya nagkuwento saiyo tungkol kay Ambra?"

"He explain already Luke!" sabi ko pa.

"Explain what? His lies? At naniwala ka naman? Nasa harap mo na 'yung katotohanan, na he can fool you that easily. Why Pia, is he that insatiable? Magaling ba?"

"Luke!" it is Celine. "Stop it, you're below the belt."

"I love him enough, so I trusted him." tumayo ako galing sa pagkakaupo at mabilis na nilagpasan si Luke at sila ate para makapunta sa kuwarto ko.

I locked my room at nahiga na lang sa kama.

Ace explains his side, pero dahil sa sinabi ni Luke, hindi ko maiwasang hindi mapatanong ulit sa aking sarili.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. It was Ace, huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag.

"Babe," he sound so husky, parang nakahiga siya sa kama niya ngayon habang tinatawagan ako.

Image of him laying on his bed flashed on my mind. I wet my lower lip using my tongue.

"Yes?" sagot ko, clearing mg voice.

"I miss you." he said, and breathe.

Napangiti ako, I should trust and believe Ace. Ilang taon kong ipinagkait sa kanya at sa sarili ko ang ganitong klaseng emosyon. I should make him and myself happy. At alam kong malalagpasan namin ang kung anumang problemang kinakaharap namin.

This is just a struggle, at walang-wala ito kumpara sa mga naranasan namin, noon.

"I miss you, too." sabi ko, niyayakap na ang unan ko.

I need to be strong, I don't need to doubt him. Because, he's all on me. And I'm all on him. There's no room for doubt, I trusted him. At hindi ko na ipagkakait sa kanya iyon.

Earning Her (She Got Away BOOK II)Where stories live. Discover now