Chapter 3
Ten DatesKung pupuwede lang na bumalik ako sa Singapore, pero huwag na siguro. I'm already here, hindi naman ata tama na bigla na lang akong aalis...
Isa pa, to make everything easy. Dito na lang muna ako, alam naman ng mga clients ko na nasa leave ako, they wont nag me about my paintings. Isa pa, isang buwan na lang kasal na ni ate Cali.
And...I already plan to build my own studio here in Philippines for my Filipino clients.
"Hello, Miss Lee, may nahanap ka na bang pwesto rito sa Pinas? I need a studio."
"Yes Ma'am Pia, actually, may contact number na po ako ng may-ari ng lupa. It was near the centro of Quezon City, hindi niya 'yon ipinagbibili, pero dahil lilipat na sila ng pamilya niya sa ibang bansa kaya ipagbibili na niya ang lupa. I already talk with him, signing of deed of sale na lang po Ma'am."
"I don't need a deed of sale, gusto ko na sa akin na mismo nakapangalan ang lupa."
"Yes Ma'am, we're working on it po, in the mean time, deed of sale na muna para po masimulan na ang pagpapagawa ng two storey building of your studio."
"Okay, very good. Tell me kung kailan ko makakausap ang may ari."
"Yes Ma'am, by the way Luke Remedio is here at the office, he's looking for you."
I breathe heavily, when will he stop pursuing me? Minsan nakakabother talaga ang mga lalaki, mas lalo na pag clingy type sila.
"Just tell him, I'm out of town."
"Yes Ma'am,"
And I ended the call, nagbuga ako ng hangin at tinignan ang sarili sa salamin. I'm wearing cotton jumper skirt, and a black tshirt inside, nakasandals na rin ako, my hair is freely swaying at my back.
I'm wearing a light make up, I sprayed my Chanel perfume and leave the Hotel.
Nakacheck in ako rito for 4 days, and after I will leave the City, at uuwi na ako sa Probinsya. The thought of seeing Quezon Province makes my heart beat excitedly. Nakangiti ako palabas ng suite.
Plano ko sanang maglakad-lakad sa UP, hinanda ko na ang sasakyan ko, pero inisip ko, na papasok ba ako sa UP using my car? That will caught too much attention. Huwag na lang...
But. No, thinking about the sweat because of the heat here in the Philippines, and the dust or smoke cause of public vehicles makes me feel uncomfortable.
I will drive my car.
Tuluyan na akong lumabas ng hotel, dinala ng vallet ang sasakyan ko sa harap lang ng kinatatayuan ko.
Bumaba siya, he handed me my keys. Kinuha ko iyon and said thank you, and enter my car.
Pinaandar ko ito sa tamang bilis, traffic like usual, but the music calm my nerves, malamig din sa loob ng kotse ko, kaya wala akong pinoproblema.
Nakarating ako sa UP. Tumambay ako sa madalas na tambayan ko noon.
"I miss this place," bulong ko sa sarili. I closed my eyes and feel the air...
What are my plans?
Bakit bigla ko na lang naisipang magpatayo ng studio rito sa Pilipinas? I need some opinions, kaya naisipan kong tawagan si Celine, I open my eyes and call her roaming number.Mabilis niyang pinick-up.
"Yes?" she sound like she's still in bed.
"Can I ask your opininon, I talk to my Secretary kanina, gusto kong magpatayo ng studio rito sa Pinas para sa mga Filipino clients ko, tingin mo ba tama iyong desisyon ko? Baka maubos ang ipon ko."
YOU ARE READING
Earning Her (She Got Away BOOK II)
Novela JuvenilHe's the reason why she got away, now, he will earn her...little by little...