1 week nadin ang lumipas. Naging busy linggo namin, pasahan na kasi ng projects. At dahil dipa tapos ang barkada sa book report nila tumuloy kami sa hide out kung saan dun kami nagawa ng book report hihi Diba nga, inangkin na namin? haha
Guys madaliin nyo nalang aaahhh. Bukas na kasi yan e. Ako na unang nagsalita habang busy sila kakagawa.
Micky bat dika gumagawa? Si cupcake naman ang nagsalita, napansin nya kasing di nagawa si Micky at halatang inis na inis. Wow! Close na talaga sila ngayon aaahh.
Pinagawa ko kasi yung akin kay ate kaya lang umuwi sya ng batangas at dinala to. P.I talaga!
Ha? Sabay sabay kaming napasigaw at nagulat.
Dapat sinabi mo agad. Para naman nagawan natin ng paraan. Baling ko sa kanya.
Wala ng paraan. Bukas na ipapasa yan e. Dina ko aabot kung gumawa ako kanina, magbabasa pako ng libro, hindi matatapos ng isang araw yun.
Esep esep ng paraan Diane para matulungan si Micky.
Nagsalita ulit sya. Wag nyo akong pansinin, gumawa nalang kayo hihi Bawi nalang ako sa sunod.
Pero babagsak ka pre. Alam mo namang 50% sa grades natin ang nakasalalay dito. Alalahanin mo---- Hindi na naipag patuloy ni Vincent ang sinasabi nya, nagsalita kasi si Micky agad.
Alam ko. Hayaan nyo na! Badtrip padin sya.
Alam ko na. Kahit di pa kami close at ayaw ko kay Micky, tutulungan ko sya alang-alang sa barkada at para maimpress si BebeVincent at Jim. haha Malandi lang? So kelangan dalawa? hhihihi
Ano namang alam mo Diane? Nagtatakang tanong ni Cas.
Oo nga. Si Jim ang nag salita at napansin kong nakatingin silang lahat sakin.
Tara sumama ka sakin Micky! Pupuntahan natin si Mika sa kanila, last year kasi pinagawa din kami ng book report. Nabasa ko na yung librong yun at madali nalang natin gagawin ang book report mo. Wag kang mag alala tutulungan ka namin para matapos agad. Hindi tayo uuwi hanggat di natatapos ang lahat.
Pero late na. 10 minutes nalang at mag e-8 pm na ohhh! Kelangan nading umuwi ng iba. -Micky
Ano kaba? Sharp 8 andito na tayo, promise! Wow. Feeling close na kami ngayon ahhh! HAHA Nag-uusap na kami.
Pano mangyayari yun? E anlayo pa ng lalakarin natin bago tayo makakarating sa sakayan. Nagsusuplado na naman sya.
Ako ng bahala. Tatakbo tayo! Natawa sya sinabi ko pero bago pa syang matapos tumawa hinawakan ko na kamay nya at hinatak.
E kung umalis na kayo kanina pa. -Vincent
Ayiiiieee. Nipapansin kami ni BebeVincent ko. Eto na nga e.
Paglabas namin, Tumayo kami sa may linya ng kalsada at pumwesto na para tumakbo. HAHA Hinamon kasi nya ako e.
Akala mo ahhh, runner kaya ako nung elementary kung dimo naitatanong.
HAHA Sige nga.
Ako na mag ka-countdown para sa inyo. 5 4 3 2 1........ GO! -BebeVincent
ANG DAYA MO!!!! Sigaw ko kay Micky na nauna ng tumakbo, dipa nga nababanggit ni BebeVincent ko yung GO e! :3 Pero binibilisan ko pading tumakbo para para mahabol ko sya hihih
Bilisan mo nalang! Sigaw nya sakin. Yabang talaga netuuu! -____________-
Mag-ingat kayo! Bilisan nyo ahhh. Narinig kong sumisigaw ang barkada hihi Napakasupportive e nu? XD
Ohhh Bilisan mo daw. Nakatawang sigaw ni Micky!
Tsss! Yabang. If I know nandaya ka. Lagot ka sakin uunahan kita. Binilisan ko ang takbo sabi ko senyo e, runner ako. hahahah Kaya lang biglang tumigil si Micky sa pagtakbo.
Ohhh? Bat ka napahinto? Huminto nadin ako.
Kwek kwek kasi e. Kain tayo!
Ha? Mahilig kadin? hahaha mahilig din ako nyan e. Favorite ko yan e! Nakasmile nako.
Talaga? Coincidence. Tara kain tayo!
Pero diba dapat 8 makabalik na tayo?
Ayyyy oo nga pala! Bigla syang nalungkot. Sige tara! Alis na tayo. Dahil mabait ako at parang batang nakakaawa, pinagbigyan ko syang kumain muna kami kahit sandali.
Teka! Kaen na nga lang tayo, total gutom nadin ako. Bilisan nalang natin hihi
Ha? haha sige. Tingnan mo to, parang bata. Baliw! XD Nagmadali kaming kumain at tumakbo na sa sakayan hihihi Halatang nahahanghangan pa sya dahil sa sili HAHA Iisa lang kami ng plato at dahil mahilig ako sa mahanghang, nasobrahan ata? hihi Mahilig naman daw sya kaya lang nasobrahan nga. haha Suri naman.
Nakasakay na kami ngayon at dahil punong puno na ang jeep, masikip men! AS IN magkadikit ang braso namin hihihih Ang AWKWARD po!!!!! -___________- Nagmamadali kasi diba? at no choice na kami kaya sumakay na kami.
Anong oras na? Ako na unang nag salita. Nakatingin kaming dalawa sa labas ng bintana ng sasakyan.
7:54. May 6 mins. pa tayo! Nag smile sya.
Aaaahhh. sige! Nag smile din ako. Bumaba na kami ng dumating kami kung saan nakatira si Mika, kinuha lang namin ang libro at agad na umalis. Dina nga kami pumasok sa bahay nila e. Tumakbo kaming bumalik sa may sakayan at tumakbo ulit kami pagbaba ng jeep at nung malapit na kami nakaramdam ako ng pagod.
Wait lang Micky! Napahinto ako sa pagtakbo at hinihingal.
Ayos kalang ba? Nag-aalalang tanong nya, lumapit sya sakin at hinawakan ako sa likod.
Ayos lang ako. Nag smile ako sa kanya. Napagod lang siguro ako?
Aaah sige. Pwede naman tayong maglakad pabalik e, total malapit nadin tayo.
Sige. Di na kami tumakbo ulit baka hikain pako sa daan e. Dumating kami ng 7:59 pm. Lahat nakasmile ng makita kaming dalawa ng barkada na dumating sa hide out.
Wow! May 1 min. pa kayo ahhh! Ambilis nyo. -Jim
Ahhhh. Bilis kasing tumakbo nitong si Diane. Lumingon sya sakin at nag smile. Si Micky ang sumagot. Pagod na kasi ako e at umupo. Dina ko nag salita. Lumapit naman si cupcake sakin at inaok ako ng maiinom.
Gusto mong maiinom cupcake?
Sige. Salamat. Inabot nya sakin ang mineral water at tumabi sakin. Magpahinga ka muna jan baka hikain ka pa jan e. Ako ng bahalang tulungan si Micky sa book report nya. Nag smile sakin si cupcake bago lumipat ng pwesto. Di nako umangal haha Oo nga pala! Palalabs nga pala nya tong si Micky the mouse. XD
----
Natapos na ang lahat ng kani-kanilang book report maliban kay Micky. Pero di na sya gaanong kabadtrip, Inako ko nalang na ako na ang gagawa nung kay Micky total ako naman ang may alam ng kwento nung libro, hindi naman pwedeng gawin yun ni cupcake dahil ako nga ang nakakaalam. Si Micky nadin kasi ang nag aya na umuwi pasado 9 pm na kasi baka hanapin na yung iba, sa Cavite pa nauwi sina Cupcake.
Past 1 am na nung matapos ko yung Book report ni Micky nang bigla akong makatanggap ng message.
From: 0912*******
Hi Diane. Good night! Matulog kana kung gising kapa, wag ka ng magpuyat. Hiningi ko pala number mo kay Marj. katext ko kasi e. Salamat nga pala! Sweet dreams. Micky nga pala. :)
BINABASA MO ANG
What Is Love?
Non-FictionWhat Is Love nga ba? Sabi daw nila Walang FOREVER!! Well, opinion ko po ay MERON hahahaha May Forever nu, hanggang kamatayan, hanggang kabilang mundo, hanggang langit. :) Nag start sa barkada hanggang sa hindi mo namamalayang kayo na pala. Weird ny...