Love Is Secret

12 0 0
                                    

Mickys POV

Ewan ko ba ang gugulo nyong mga babae! Nagrereklamo kung bat daw amoy yosi pero nung gumawa na ng paraan, sasabihin ayos lang daw! Kaya ayon iniwan ko si Diane mag isa sa stage hindi lang dahil sa inis, nahiya din kasi. Bat ba kasi napaka ng yosi sakin. Iniiwasan ko naman e kaya lang hirap talaga. Mula nang malaman ko na ayaw ni Diane ng Yosi, sinubukan kong iwasan kaya lang para san pa? E hindi naman kami. HAHA LOL!

Nang frist kong makita si Diane nagustuhan ko na sya. Hindi ko lang alam pano sasabihin o gagawin. Yun ata yung sinasabing LOVE AT FIRST SIGHT? HAHAHA P*ta! Ang corny ko na. Hindi ko sya pinapansin at kinakausap mula nung naging kaklase namin sya. Kaya ayun, pati bespren nya nadadamay sa katorpehan ko. Nahihiya kasi ako sa kanya! Ewan! Para syang anghel pag nakikita ko at ako naman yung Demon. 

Oo! Lagi akong natambay sa computer shop na malapit sa kanila para lagi ko syang nakikita HAHA Malakas na ata tama ko kay Diane. Nagyoyosi ako para mapansin nyang may usok at susundan nya ito ng tingin at mapapansin ako. Ang drama! F*ck. Hanggang ganon nalang ata siguro way ko para mapansin nya ko. Nabalitaan ko kasing ayaw nya sakin e. Narinig ko kasi pag uusap nila ng bespren nya sa room nung nakaraang araw kaya nga mejo badtrip. At dumagdag pa yung scene kanina. Baka mas lalong ayawan nako ni Diane! Bahala na.

Nang sabihin ni Ma'am na magkakaroon ng groupings at role play. Nagdasal ako na sana kagrupo ko si Diane. HAHA Napapalapit nadin ata ako sa diyos aaah? LOL! At nung malaman kung kagrupo ko nga sya, nagpainom ako sa tropa! HAHA Nanlibre ako ng alak at nakita kami ni Diane at ng Bespren nyang umiinom. Dumaan silang halatang dismaya sa nakita. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya kaya lang hindi pala kami hahahah P*ta. Napapraning na ata ako?

Ayaw kasi ni Diane ng taong may bisyo, yan ang narinig ko sa usapan nila ng bespren nya. Hindi ako stalker. Hindi ko sinasadyang marinig pinag uusapan nila. Gusto ko syang liwagan! Pero pano? Negative background na agad tingin nya sakin. Unfair naman sakin yun. Hindi pa nya inaalam good side ko. Mga babae talaga!

At nung time na niyakap ko sya? Ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo HAHAHA Kayakap mo ba naman yung anghel na tinuturing mo e. As far as I know, madaming nagkakagusto kay Diane sa room. Lalo na si Jim at Vincent. Kaya nga naiinggit sila bat ako yung leading man ni Diane. HAHA Kinausap ko na kasi si Aira bago pa magkaroon ng practice. Minsan kasi gumagana din utak ko sa mga bagay na ganito. WAHAHAHA Naisahan ko sina Jim.

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon