Program

15 1 0
                                    

Mickys POV

Hindi padin ako makatulog.Iniisip ko padin lahat ng mga nangyari. Di ako makapaniwalang nakakaya ko na syang kausapin. Ang saya sa pakiramdam. Hinawakan nya kamay ko nang hatakin nya ako, kumain kami ng kwek kwek sa isang plato, umupo kami sa sasakyan na magkatabi at magkadikit ang braso namin, ramdam na ramdam ko ang paghinga nya. Hindi ko na talaga kaya ang saya ng nararamdaman ko. 

Bumangon ako sa pagkakahiga ko nang napagtanto kong hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sa kanya. Ang bait nya talaga! Etetext ko nalang sya pero paano? Wala nga pala akong number nya. Kaya hiningi ko nalang number nya sa bestfriend  nya.

To: Marj

Hi Marj. Alam ko gising ka pa XD Pwede favor?

Sabi na e gising pato nang ganitong oras. Agad agad reply e.

From: Marj

Oh bakit? XD

Nag reply ako at hiningi ko nga ang number ni Diane. Ilang minuto din bago napasa ni Marj ang number pero nagpasalamat nadin ako. Sinave ko to agad sa contacts ko. Kinakabahan ako! Di ko alam kung pano ako magpapasalamat. Gising pa kaya yun?

To: Diane

Hi Diane. Good night! Matulog kana kung gising kapa, wag ka ng magpuyat. Hiningi ko pala number mo kay Marj. katext ko kasi e. Salamat nga pala! Sweet dreams. Micky nga pala. :)

Nagulat ako ng makita kong nagreply sya. Diko inaasahan!

From: Diane

Wala yun. :) Good night.

Woooowww grabe. makatulog na nga para makita ko na si Diane bukas. Good Night!!! :))))))))

-----

Dianes POV

Feeling close na talaga tong si Micky hahahaha At nagtext pa aaahhh! Nireplyan ko nalang baka kung ano pang sabihin e. Di naman ako snobber XD

To: 0912*******

Wala yun. :) Good night.

Pagtapos kong magreply, niligpit ko nadin ang mga gamit ko para matulog. May klase pa kasi bukas e. Diko na sinave number nya baka kasi eto na ang first and last text nya hahahaha

Pag gising ko, 6 a.m na pala. Bat wala pa si cupcake? Naligo nako at nagmamadaling pumunta ng school. Takang taka padin ako bat di ako nasundo ng bestfriend ko? Nang tingnan ko cellphone ko, may message to, ngayon ko lang napansin. Siguro kanina pa tong madaling araw kay cupcake galing e.

From: Cupcake. <3

Di muna kita masusundo.

Ouch! Wala man lang good morning na pabati? At di man lang sinabi kung anong dahilan? GALIT ba sakin cupcakeko? :(((((((((( Anong nagawa ko? -______________-

Pagdating ko ng room, late nako kaya diko nakausap agad si cupcake. Hinintay kong mag recess. At nang umalis na si Ma'am lumapit agad ako sa kanya. Sya unang pumansin sakin.

Ohhh cupcake, late ka na naman! 

Di mo kasi ako sinundo e. Malungkot kong sabi. Tumawa naman sya ng malakas bago nagsalita, Nalate nadin kasi ako ng gising. May nakakatawa po ba sa sinabi ko? -________-

Galit ka ba sakin? :(

Sira! Bat naman ako magagalit sayo? -Cupcake

Ewan ko. Feeling ko kasi e. :(

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon