Love Is OMG!

17 1 0
                                    

Habang pauwi napakaingay nila lalo natong si Lendy, ayaw matigil kakadakdak kaya napunta ang usapan sa aming sampo. hihi Barkada na daw tawag sa grupo namin. HA? Ako? Kasali sa grupo nyo? Gulat na tanong ko kay Lendy. 

Tumawa muna sya bago ako sinagot. HAHA Oo! Bakit ayaw mo ba? Sabay naglungkot lungkotan.

Ha? E hindi naman. Nagulat lang ako hihi Well, maganda naman tawag sa grupo natin. Barkada? Sounds cute. I love it!

Kaya nga e. Bagay satin sabat ni Cas.

Hindi ka ba napapagod kakadala ng bisekleta mo Diane? Tanong sakin ni Jim.

Hindi naman. Ayos lang, nginitian ko to!

Gusto mo bang ako nalang ang magdala?

Ha? Hindi ayos lang to. Salamat! Syempre, pakipot muna kay Jim hihi Di kami gaanong ka close e. Tsaka Wow! May pagka-Gentleman naman pala tong tinatago. Well, dapat naman talagang maramdaman nilang pagod nako kakadala nito kung di dahil siguro sa kanila dumating nako sa bahay kanina pa. Sabi kasing wag nakong ihatid. Para naman akong bata netuu e, Kaya lang mapilit talaga. May mga rules kaya ako sa buhay.

No.1 Hindi magpapahatid kung kanino man. Ayaw na ayaw ko e. Pabebe!

No.2 Ayaw ko ng kung anong usok lalo na pag galing sa sigarilyo.

No.3 Ayaw kong makasama ang mga taong napaka seryoso at suplado. Naiinis ako!

No.4 Hindi ipapadala ang gamit/bag ko kahit kanino.

No.5 Hindi magboboyfriend ng seryoso. Hihi Walang boyfriend in real dapat. Panira e!

At basta madami pang iba......................

----

Oyyy Diane andito na tayo sa bahay nyo, pumasok kana! Sabi ni Cupcake na hinampas muna ako.

Ayyyy! Palaka! Malakas kong sigaw. Oo nga pala, bumaliik si cupcake nang hapon. Natapos na kasing mag away ng parents nya hahah

San? san ang palaka? Sabay sabay nilang tanong tsaka nagtawanan.

Ikaw! Ikaw ang palaka cupcake. Makahampas kasi e, bat kaba kasi nanghahampas? Ansama ng tingin ko sa kanya.

E kanina pa kasi kami nagtatanong sayo dun pa tayo sa may kanto, di mo man lang kami pinapansin kala nga namin galit ka samin e, wala naman kaming ginagawa sayo. Ano bang problema mo? Takang tanong nya.

Ha? Ako? May problema? Oo nga nu? Malalim na naman kasi iniisip ko e. Hindi ko nga namalayan na andito na pala kami sa bahay hahaha Weird ko lang po talaga. Aaah wala. Nagutom kasi ako bigla e. Kilala mo naman siguro ako pag gutom hihi Pagsisinungaling ko. may iniisip lang po talaga ako.

Ewan ko sayo ang weird mo. Sige na aalis na kami. 

Ayyyy ihahatid na kita cupcake koy.

Hindi na. Kami nalang ang maghahatid sa kanya. Sabi ni Micky na napakaseryoso talaga ng mukha.

Ayyy sige. Matipid kong sagot sabay pout at tumalikod na agad. Tampo kunwari. May pinag usapan ba sila? Bat diko alam na ganon na pala sila kaclose? Tas ihahatid pa? Edi sige.

Wag kang mag alala Diane aalagaan namin tong bespren mo. Sabay ngiti ni Jim. Eto nga pala tong Bisekleta mo, mejo napagod ako dun aaahh.

Ayyy oo nga pala bisekleta ko haha Slamat aah! Sige, ingatan nyo nalang sya. Ingat kayo.

Binatukan naman ako ni Cupcake ng pagkalakas lakas.*PAK* Ouch grabe! Napaka mo talaga! Bat mo ko binatukan? Wala naman akong ginagawa sayo aaaahhh. Sigaw ko sa kanya. 

Ang O.A mo kasi e. As in. Ihahatid lang nila ako oohhh, makasadsad naman yang nguso mo sa sahig. hihihi Selosa lang po talaga akong bespren.

Oo na! Sigaw ko sa kanya sabay *bleeeeee* then walk-out.

Pagpasok ko ng bahay. As usual tulog na sisters and brothers ko wala na naman si papa at si tita ,ako na lang ang gising. Lagi nalang ganito nakaksawa! Makapag GM nga bago matulog. Pagod nadin ako e! Di na din ako kakain nakakatamad kumain mag isa nu.

--> GoodEvening People. :)

Grab your dinner na. Thank you nga pala sa BARKADAS sa paghatid. Thanks din sa time at pagpapatawa! Ingat guys mwaaapsz :*

#BARKADAS

#BBVK

#GoodNight

GM.

HAHA Yep! Ganyan po ko mag GM #BBVK for bebe vincet ko yyyiiiiee. <3 Ang daming text na dumating. Hay nalang kung alam ko lang mga tsismosa yan sa paligid na magtatanong kung sino sino miyembro ng barkada at kung anu-ano pa. haha Diko nalang pinansin ang mga texts, naligo muna ko bago natulog.

-----

Diaaannnnnneeee! Kalabog dito kalabog doon.

Ooooyyyy Diaaaannnneee! late na late na late na tayo Bwiset ka talagang babae ka!! Kalabog na naman dito kalabog na naman doon.

Oo na! Sigaw ko kay Cupcake na kanina pa sinisira tong pintuan namin hahahah Bwesit talaga to, nandon nako sa part ng panaginip ko e! Andon na talaga e. Tsaka may balak pang sirain tong mumunting tahanan namin. Kaloka!

Buksan mo na to kundi, nako Diane! Late na ohhh! Iiwanan na talaga kita. Papasok ka ba o papasok?

Ouch! Sakit talaga to sa tenga. Parang Machine Gun, bratatatatatatat!! Boom! Boom! Ganon lang naman po sa pandinig. Kung may bespren kayong ganito napakaswerte nyo. hahahah Pumunta nako sa pinto at pinagbuksan tong pinakamamahal kong Bespren.

Bago pa man sya makapagsalita ulit, pinaglibot libot ko ang mga mata ko sa pintuan namin sabay himas himas na para bang may nasira sa pinto.

Ohhh Anong ginagawa mo? Takang tanong nya.

Tinitingnan ko kung may nasira ba. Lakas ng kalabog e. Pwedeng dahan dahan lang, sisirain mo bahay namin e.

*PAK* E kung naligo kana edi sana papunta na tayo ngayon? Tsaka pinto lang yan, makabahay e nu? 

Idedemanda kita sa mga ginagawa mo sakin cupcake e. Sabay himas himas sa hinampas nyang part. Then Pout ng lips.

Wala akong pakialam bilisan mo nalang at late na tayo. Bilis!

Eto na eto na. Tumalikod na ako at bumulong. Dipa nasanay!

May sinasabi ka?

Wala po. Then irap.

Pakanta kanta pako habang naliligo.

Ang bespren ko, di na naaawa sa akin.

Kelan kaya ito magbabago ohhh ohhh ohhh!

Mas lalo ko pang nilalaksan hanggat sa mag react pero parang wala lang talaga e.

Kelan? Kelan? Kelan kaya magbabago ang bespren ko ohh ohh?

Napatigil akong kumanta  nang biglang nagtanong si cupcake at halatang gulat na gulat.

HALA!! Oyyy? Cupcake? Ano to? 

Ha? OMG!!!!!!!!!!!! -_-

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon