May project ang buong klase para sa program nila sa Buwan ng Wika sa August. Si Belle ang leader kasi siya ang president ng klase at sa bahay nila sila magpa-practice. Bago umalis ay dumaan muna si Mina at Ayaka sa principal's office para magpakita sa tito niya tapos ay lumabas na sila at naghihintay na ang mga kaklase nila sa labas ng school. Pagdating sa bahay nila Belle ay nag-meryenda muna sila at nagpractice na. Dula ang gagawin nila na may kantahan at sayawan. Habang nagpapractice ay natisod si Stephano sa paa ni Mina.
Stephano: Sorry ha. Natisod ako ng paa mo.
Mina: Che! Dapat lang na magsorry ka kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo.
Stephano: Aba nakakainis ka talaga ah. Pasalamat ka babae ka.
Mina: Whatever.
Belle: Ano ba? Tama na yan.
Di nagpansinan si Mina at Stephano hanggang sa matapos ang practice nila. Bago umuwi ay kinuha ni Marc ang cellphone number ni Ayaka. Nag-uwian na sila.
Stephano: Pre type mo si Ayaka no?
Marc: Oo pre. Liligawan ko yun. Ligawan mo din si Mina para masaya.
Stephano: Ayoko pre. Napakasungit na babae, sayang nga kasi maganda siya.
Marc: Eh pre sayo lang siya nagsusungit. Hahaha. Lahat samin mabait yun.
Kinabukasan...
Marc: Nililigawan ko na si Ayaka.
Stephano: Hahaha. Seryoso ka na ba diyan?
Marc: Oo naman.
Stephano: Sige suportahan kita. Ano pang ginagawa mo dito sa labas ng school?
Marc: Hinihintay si Ayaka. Pasok ka na ba? Samahan mo muna ako dito.
Dumating na si Ayaka kasama si Mina. Binati niya sila ng good morning at kinuha ni Marc ang bag ni Ayaka. Sabay pumasok ng gate si Ayaka at Marc. Sumunod si Stephano at Mina.
Mina: Tignan mo tong lalaki na to. Di gentleman. Nauna pa sakin pumasok.
Stephano: May sinasabi ka?
Mina: Wala! Kinakausap ko sarili ko!
Stephano: Baliw ka ba? Pa-check up ka na.
Mina: CHEEEEE! Bff wait for me.
Sabay lumakad si Ayaka at Mina at kasunod nila si Marc at Stephano.
Marc: Pre pakabait ka naman kay Mina. Baka di pa ko sagutin ni Ayaka dahil galit besfriend niya sa bestfriend ko.
Stephano: Pre nakakainis kasi talaga yung babae na yun. Wag kang mag-alala. Magiging mabait ako kay Ayaka.
Pagpasok nila ng classroom ay nagtinginan ang mga classmate nila dahil buhat ni Marc ang bag ni Ayaka. Sigawan sila at tinutukso ang dalawa. Pati si Belle ay nakitukso. Ang sama naman ng tingin ni Nicole kay Ayaka. Lalabas ng classroom si Nicole pero bago siya lumabas ay binangga niya si Ayaka.
Ayaka: Aray!
Nicole: Nakaharang ka kasi sa daan eh!
Ayaka: Nakaharang ako?! Ang luwag kaya ng daan.
Mina: Sinadaya mo yun noh?
Nicole: Haha. Ano naman kung sinadya ko? Bago lang kayo dito sa school pero kung makaasta kayo, siga. Porket nanliligaw si Marc kay Ayaka?
Ayaka: Ano naman kinalaman nun?
Mina: Alam ko na. You're JEALOUS! Haha. May gusto ka kay Marc pero si Bff ang niligawan niya.
Nicole: I'm not jealous!
Mina: JELLY ACE! JELLY ACE! *binelatan si Nicole*
Nainis si Nicole at sinampal si Mina. Sinampal din ni Mina si Nicole at nagsabunutan na sila. Inawat sila nina Belle at Ayaka. Tumulong din si Marc at Stephano. Biglang dumating ang adviser nila. Naabutan nito silang lahat na nasa harapan.
Adviser: Anong nangyayari dito class?
Belle: Ahmm ma'am nagpapractice lang po kami ng project namin sa filipino, yung para sa buwan ng wika. ^_^v
Adviser: Ah ok. Go back to your seats. Let's start the class.

BINABASA MO ANG
Bubblegum (On-hold)
Teen FictionA boy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other, maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever... First Love. First Heartbreak. True Friendship.