Ouch Ouch Ouch

233 22 27
                                    

After two weeks ng panliligaw, sinagot na ni Mina si Xander. Nung una super sweet nila sa isa't-isa pero habang tumatagal, napapansin ni Mina na nababawasan ang pagka-sweet ni Xander. Akala ni Mina natural lang yun sa mga lalaki kaya di na lang niya sinabi ang napansin niya.

Two days ng absent si Xander dahil may sakit daw kaya napagpasyahan ni Mina na sumabay kay Stephano pauwi para madalaw si Xander. Sumama din ang buong tropa.

Pagdating nila sa bahay ni Stephano, wala si Xander dun. Sinabi ng katulong na umalis.

Mina: Akala ko ba may sakit siya? Bakit umalis pa?

Stephano: Aba ewan ko. Sabi lang niya masama pakiramdam niya kaya di siya papasok.

Belle: Baka naman may kailangan lang siyang bilhin or what. Ano hihintayin ba natin siya?

Alvin: Punta na lang tayo sa mall.

Jeff: Oo nga. Maaga pa naman. Bago tayo umuwi, daan na lang ulit tayo dito para kumustahin si Xander.

Marc: Ayos mga naisip niyo pre. Tara.

Ayaka: Ano bff, ok ba sayo yun?

Mina: A-eh ok naman siguro. ^_^v Basta balik tayo dito ah.

Stephano: Tara na.

Nagpunta sila sa mall. Kumain sila sa Mcdo. Nang papalabas na sila sa Mcdo, nakita nilang dumaan si Xander na may kaakbay na babae. Nagulat silang lahat. Tinawag ni Mina si Xander at nanlaki ang mata ni Xander sa gulat. Inalis niya agad ang pagkaka-akbay sa babae.

Xander: A-anong ginagawa niyo dito?

Mina: Sino siya? *turo sa babae*

Girl: Hi! Mga kaibigan ba kayo ni Xander? Ako nga pala girlfriend niya. Gusto ko na talaga kayong makilala pero ayaw pa kong ipakilala sa inyo ni Xander kaya buti na lang at nagkasalubong tayo dito.

Stephano: GAGO KA BRAD!

Marc: Pre teka lang. Wag tayong gumawa ng eksena dito.

Girl: Bakit? May problem ba?

Mina: Ah wala. Kailan pa naging kayo ni Xander?

Girl: Nung isang araw lang.

Mina: Wow! Congrats! Sige alis na kami. Bye! Nice meeting you.

Girl: Same here. Bye!

Stephano: BRAD, MAG-UUSAP PA TAYO!

Pumunta sila ulit kila Stephano at hinintay dumating si Xander. Tahimik lang si Mina. Walang emosyon sa mukha. Lalong nag-alala ang lahat kay Mina. Wala ding nagsasalita dahil di nila alam kung ano ang sasabihin. Dumating na si Xander. Pagpasok na pagpasok niya, sinuntok siya si Stephano. Inawat ni Marc si Stephano at si Alvin at Jeff ay humarang sa gitna nila.

Stephano: TARANTADO KA BRAD! SABI KO SAYO, WAG MONG SASAKTAN SI MINA!

Marc: Pre tama na. Relax muna baka kung anong mangyari sa inyo.

Mina: Siya ba dahilan kung bakit naging cold ka sakin?

Xander: A-oo. >_> Sorry.

Mina: *smiles* Ok lang. So pano ba yan, wala na tayo ah. Sige uwi na kami. Gabi na din eh. *tingin kay Stephano* Wag na kayong mag-away. Ok lang ako. *fake smile*

Stephano: Tch! Ngiting aso. >_>

Umuwi na sila Mina. Pumunta na si Stephano sa kwarto niya. Gusto siyang kausapin ni Xander pero di niya pinansin.

Kinabukasan sa school, di pa rin pumasok si Xander.

Ayaka: Stephano san yung pinsan mo?

Stephano: Malay ko. Si Mina nga pala kumusta na?

Ayaka: Ok naman siya. Pero nag-aalala ako.

Stephano: Bakit?

Ayaka: Di siya umiyak. Parang walang nangyari. Hindi ganyan si Bff. Pareho kami niyan, pag malungkot at nasaktan, umiiyak pero ngayon, walang reaction. Ayaw pa niyang pag-usapan ang nangyari.

Stephano: Akong bahala.

Pagkatapos ng lunch ay kinuha ni Stephano ang bag niya at hinablot ang kamay at bag ni Mina. Nagulat ang lahat. Sinabi na lang ni Stephano na siya muna bahala kay Mina. Dinala ni Stephano si Mina sa likod ng school.

Umakyat ng bakod si Stephano at niyaya si Mina.

Mina: Hoy! Anong ginagawa mo?

Stephano: Akyat ka na dali.

Mina: Ayoko nga.

Stephano: Aakyat ka o hihilahin kita?

Mina: O__O Aakyat na. >_>

Umakyat na din ng bakod si Mina. Bumaba na si Stephano at inalalayan si Mina pababa.

Mina: San ba tayo pupunta? Bakit tayo nag-cutting? At bakit ba ko sumama sayo. Haaaay!

Stephano: Sumunod ka na lang.

Nagpunta sila sa Star City. Sumakay ng rides, kumain at naglaro. Nag-enjoy si Mina. Nag-enjoy din si Stephano.

Mina: Stephano! Salamat ah! ^___^

Stephano: Anong salamat pinagsasabi mo?

Mina: Salamat kasi dinala mo ko dito at nag-enjoy ako. Nakalimutan ko yung nangyari kahapon. Nawala yung sakit. Thank you!

Stephano: Wag kang mag-isip ng kung ano. Ayaw kasi akong samahan nila Marc kaya ikaw ang hinatak ko kanina.

Mina: Ganun! Dinamay mo pa ko sa cutting mo! I hate you!

Stephano: Hoy kanina ang bait bait mong nagpapasalamat. Ngayon galit na galit ka. Ang labo mo din noh? Babae ka nga. Hahaha.

Mina: Babae naman talaga ako ah! >_<

Stephano: Hahaha. Babaeng malas.

Mina: Minamalas lang naman ako pag kasama ka at pag nakikita kita. *belat*

Bubblegum (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon