Nagkayayaan ng umuwi si Mina at Stephano. Habang papunta na silang dalawa sa bahay ni Mina, nadulas si Mina. Nakaapak siya ng balat ng saging at bumagsak. Pinagtawanan ni Stephano si Mina at umiyak naman si Mina.
Stephano: Bakit ka umiiyak? Tahan na. Di na ko tatawa.
Mina: Ang sama mo eh! *sniff* Ang sakit ng balakang ko! Di ako makatayo. *sniff*
Lumapit si Stephano at tinulungang tumayo si Mina. Nang nakatayo na si Mina, tumalikod si Stephano at lumuhod.
Stephano: Sakay na.
Mina: Ha?! o_O
Stephano: Nabingi ka na? Sabi ko sakay na.
Mina: Sigurado ka? Mabigat ako.
Stephano: Halata namang mabigat ka.
Mina: Hmp! >_<
Stephano: Sumakay ka na. Nakakangawit kayang lumuhod.
Sumakay na si Mina sa likod ni Stephano. Naglakad na siya habang buhat buhat sa likod si Mina.
Mina: Alam mo, kahit palagi mo kong inaasar, kahit na palagi akong minamalas pag kasama ka, di ko magawang magalit sayo. Naiinis ako pero pag kinulit mo na ko, nawawala na inis ko.
Stephano: Iba na yan ah. Baka naman in love ka na sakin?
Mina: Hoy hindi ah! Ang kapal mo! Pero sana.....
Stephano: Sana ano?
Mina: *pabulong* Sana ikaw na lang.
Stephano: Ha?
Mina: Wala! Sabi ko bilisan mo naman. Gusto ko ng umuwi eh.
Napangiti na lang si Stephano at naglakad na.
Pagdating nila sa bahay ni Mina. Nasa labas din ang mommy at daddy niya, kararating lang.
Mina: Hi mommy, daddy!
Stephano: Good evening po tito, tita.
Mommy and daddy: Good evening din. Anong nangyari sayo baby?
Mina: Ano kasi mommy.....
Stephano: Katangahan po niya. Hahaha.
Tumawa ang mommy at daddy ni Mina. Binatukan ni Mina si Stephano.
Daddy: Pasok na kayo. Alam kong nabibigatan ka na sa anak namin.
Stephano: Oo nga po tito.
Mina: Daddy naman eh! >_<
Pumasok na sila at binaba ni Stephano si Mina sa sofa. Nag-inat si Stephano.
Stephano: Sakit ng likod ko ah. Payat ka tignan pero ang bigat.
Mina: Sorry naman! >_< Tsaka tsaka tsaka ikaw nagsabi na sumakay ako sa likod mo noh. >_> Upo ka nga dito.
Stephano: Uupo talaga ako. Pinagod mo ko.
Pagkaupo ni Stephano, umisod si Mina at minasahe ang likod ni Stephano.
Stephano: May talent ka pala magmasahe.
Mina: Maganda kasi ako.
Stephano: Maganda nga, malas naman. Hahaha.
Kinurot ni Mina ang likod ni Stephano. Umaray si Stephano at tumawa si Mina. Tinawag sila ng katulong nila Mina kasi kakain na daw.
Pagkatapos kumain ay lumabas si Mina at Stephano. Nagpapababa muna ng kinain si Stephano bago umuwi. Napatingin si Mina sa langit.
Mina: Wooooooooooooooooooow! Ang daming star! *o*
Stephano: Parang bata ah.
Mina: Tignan mo kaya, ang ganda oh.
Stephano: *tumingin kay Mina* Ang ganda nga.
Habang nakatingin sa langit si Mina, may tumulong luha sa mata niya at nakita to ni Stephano.
Stephano: Di naman masamang umiyak pag nasaktan ka. Mas masama, yung tinatago mo lang at nagpapanggap na ok ka.
Tumingin si Mina kay Stephano at naiyak na ng tuluyan.
Mina: Ganun ba ko katanga na lahat ng lalaking mahalin ko, niloloko lang ako? Dalawang beses na eh. *sniff* Ang sakit sakit. Sobra! *sniff*
Lumapit si Stephano at hinawakan ang ulo ni Mina at ginulo ang buhok tapos inakbayan niya si Mina.
Stephano: Sige lang, ilabas mo lang lahat. Nag-aalala kaming lahat sayo, lalo na si Ayaka. Alam ko pagkatapos mong umiyak ngayon, gagaan na loob mo.
Lalong naiyak si Mina kaya bigla siyang napayakap kay Stephano. Nagulat si Stephano at niyakap na din si Mina.
Maya maya ay bumitaw na sa yakap si Mina.
Mina: Salamat! Maraming salamat!
Stephano: Bakit ka nagpapasalamat? Kasi nayakap mo ang gwapong katulad ko? Hahaha.
Mina: Hoy ang kapal mo ah! >_<
Stephano: Hahaha! Ang cute mo talaga.
Mina: o///o
Stephano: Joke lang yun! Haha! Ikaw naman masyado mong sineryoso yung sinabi ko.
Mina: ANG SAMA MO!!!!
Stephano: Buhay pa ba yung mga rabbit na binigay ko sayo?
Mina: Oo naman. ^___^ Nandun sila. Tara puntahan natin.
Pinuntahan nila sa may garden ang mga rabbit. Natuwa si Stephano kasi may nakalagay na pangalan sa kulungan ng mga rabbit. Min at Phan.
Stephano: Talagang sinunod mo yung pangalan na binigay nila ah.
Mina: Si mommy at daddy may gusto niyan. Kinuwento ko kasi na yan yung binigay na name ng classmates natin. Ayun pinagawan ng pangalan.
Nilaro nila yung mga rabbit at nagpaalam ng umuwi si Stephano.
Stephano's POV
"Sana ikaw na lang" ano kayang ibig sabihin dun ni Mina? Pero napangiti ako nung sinabi niya yun. Ang ganda niya habang nakatingin sa langit kanina. Sana lagi na lang siyang masaya. Mas gusto ko na inaaway niya ko kaysa makita siyang umiiyak.
Mina's POV
Ang gaan ng loob ko ngayon. Nakakangiti ako ng totoo. Kahit na palagi akong inaasar ni Stephano at palagi akong minamalas pag kasama siya, feeling ko safe ako pag nandiyan siya. Bakit ko ba nasabi sa kanya na sana siya na lang? Sana di niya naintindihan yun. Pero gusto ko na ba siya? Di pwede. Knowing him, he's a playboy. Madaming girls ang nagkakagusto sa kanya, even gays. Masasaktan lang ulit ako. Natutuwa lang siguro ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Bubblegum (On-hold)
Ficção AdolescenteA boy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other, maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever... First Love. First Heartbreak. True Friendship.