Pag pasok ni Mina kinabukasan ay nakipagkwentuhan siya kay Ayaka at Belle. Maya maya ay dumating na si Stephano kasama sila Marc. Nagkulitan silang lahat hanggang sa dumating ang adviser nila at pinapunta sa guidance office si Mina at Stephano. Nagtaka ang buong klase. Pumunta agad sila sa guidance office. May nagsumbong sa guidance office na nag-cutting classes sina Stephano at Mina. Pinagsabihan sila at dahil first offense pa lang ni Mina, papapuntahin lang ang magulang niya para sabihin na nag-cutting classes siya. Si Stephano ay madami ng record kaya suspended siya ng 3 days at pinapapunta ang guardian niya dahil nasa ibang bansa ang magulang niya.
Habang papabalik na sa classroom...
Mina: Stephano!
Stephano: Oh bakit?
Mina: Sorry.
Stephano: Sorry san?
Mina: Kasi dahil sakin naisipan mong mag-cutting kaya yan nasuspend ka tapos papapuntahin pa guardian mo.
Stephano: Ok lang yun.
Mina: Sino nga pa lang kamag-anak papapuntahin mo?
Stephano: Di ko pa alam. Bahala na. Hahaha. Wag mo kong isipin, isipin mo yung sayo. Baka pagalitan ka ni tito at tita.
Mina: Di nila ako papagalitan. Sinabi ko naman sa kanila kahapon na nag-cutting tayo.
Stephano: Sinabi mo? Pinagalitan ka?
Mina: Oo nga sinabi ko. Ok lang sa kanila kasi nakita nila na masaya ako. Napansin pala nila na naging malungkot ako.
Stephano: Aba ayos ah. Ang cool talaga ng magulang mo. Hahaha.
Pagbalik nila ng classroom ay tinanong sila nila Ayaka kung bakit sila pinapunta sa guidance office. Kinuwento nila lahat at nagtaka sila kung sino naman ang magsusumbong na nag-cutting sila. Sinabi na lang ni Stephano na wag ng pag-aksayahan ng panahon.
Nag-recess na. Nauna sila Mina lumabas kasi pupunta pa sila sa c.r.
Dumiretso na sa canteen ang mga lalaki.
Jeff: Pre sino kaya talaga yung nagsumbong sa inyo? Imposible na sa classmate natin yun.
Alvin: Oo nga kasi sinabihan namin sila.
Stephano: May hinala ako pero hinala lang naman.
Marc: Sino? Tara turuan natin ng leksyon.
Stephano: Wag na pre kaya ko to.
Marc: Eh sino ngang hinala mo?
Stephano: Si Diane.
Alvin: Yung ex mo? Bakit siya?
Stephano: Oo pre yung ex ko. Nakita ko siya kahapon sa may gate nung paalis kami ni Mina.
Biglang dumaan si Diane sa harap nila.
Stephano: Diane!
Diane: Oh bakit?
Stephano: Mag-usap tayo.
Diane: Pwede bang later na lang sa lunch break? May gagawin pa kasi ako. Puntahan mo na lang ako sa classroom namin.
Stephano: Ok.
Sinabihan ni Stephano sila Marc na wag ng sabihin kila Mina yung tungkol sa hinala niya at pumayag naman yung tatlo dahil baka magkagulo pa.
Lunch. Pinuntahan ni Stephano si Diane at sabay silang naglunch. Nagtaka sila Mina kung bakit magkasama si Stephano at Diane. May mga naririnig silang nagbubulungan na students, "Sila na ba ulit?" "Kailan sila nagbalikan?" "Ang swerte naman ni Diane."

BINABASA MO ANG
Bubblegum (On-hold)
Fiksi RemajaA boy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other, maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever... First Love. First Heartbreak. True Friendship.