Xander: Brad gising na. Male-late na tayo.
Stephano: *dilat ng isang mata* Bakit anong oras na ba?
Xander: 4:30.
Stephano: Takte ka brad! 7:30 pa pasok natin. 6:30 ako gumigising.
Xander: May gagawin pa tayo kaya bumangon ka na diyan.
Stephano: Ayoko. Antok pa ko.
Xander: Bangon na. Handa na din yung pagkain sa mesa.
Stephano: Bakit ang aga maghanda ng pagkain?
Xander: Sinabi ko kagabi na maaga tayo eh.
Stephano: Ikaw na lang. Bakit pati ako damay?
Xander: Samahan mo na ko. Magpapractice pa tayo.
Stephano: Anong practice?
Xander: Practice ng kanta.
Stephano: Para san? May bobolahin ka?
Xander: *binatukan si Stephano* Anong bobolahin. Liligawan ko si Mina. Kailangan ko ng tulong mo.
Stephano: Bakit kasama pa ko?
Xander: Di lang ikaw. Sila din.
Stephano: Sinong sila?
Kumatok ang katulong sa kwarto ni Stephano at sinabi na nandiyan si Marc. Pinapasok siya sa kwarto ni Stephano.
Xander: Siya. *turo kay Marc*. Tapos si Alvin at Jeff mamaya sa tambayan. Sila pinabili ko ng bulaklak sa Dangwa.
Stephano: Bakit ka nandito? Ang aga aga manggugulo ka.
Marc: Pre nandito ako para suportahan pinsan mo. Bangon na. Pag hindi ka pa bumangon, bubuhusan ka namin ng tubig. Hahaha.
Xander: Tama si Marc. Kukuha na ko ng tubig.
Stephano: Mga siraulo!
Wala ng nagawa si Stephano at naligo na. Pagkatapos ay kumain na sila tapos ay nagpractice ng kanta.
(Nasa gilid po yung kanta kung gusto niyong marinig. "Your Song" by Parokya ni Edgar)
Si Marc at Stephano ang nag-gitara tapos si Xander ang kakanta. Pagkatapos ng practice ay nagkita-kita sila sa tambayan. Nandun na si Alvin at Jeff na may dalang bulaklak. Pumasok na sila kasi nagtext na si Ayaka na nandun na sila sa classroom nila. Dala ni Xander ang mga bulaklak habang si Marc at Stephano ay may dalang gitara. Unang pumasok ng classroom si Alvin at Jeff at sinabi kay Mina na tumingin sa harap. Pumasok na si Marc at Stephano at tumugtog na. Pumasok na din si Xander at kumanta. Lahat ng babae ay kilig na kilig. Yung mga taga-ibang section ay sumilip din sa classroom nila. Pagkatapos kumanta ni Xander ay lumapit siya kay Mina at binigay ang bulaklak. Pulang-pula si Mina.
Xander: Mina Villegas, pwede ka bang ligawan?
Mina: o////////o
Classmates: Uuuuyyyyyyyy!!!!
Xander: *smiles* Anong sagot mo? *wink*
Mina: O-ok pwede kang manligaw.
Dumating na ang adviser nila at kaya nagsibalikan na sila sa upuan nila.
Adviser: Sobrang pula mo Mina? In love?
Mina: Ma'am naman eh. >///>
Adviser: Hahaha. Kinikilig naman ako sa inyo mga bata.
Nagstart na ang lesson nila. Hindi makapag-focus si Mina kaya nagpaalam siya na pupunta sa c.r. Habang nasa c.r. ay nasa isip pa din niya ang nangyari. Kinikilig siya kay Xander pero nasabi niya sa sarili niya na ang galing tumugtog ng gitara ni Stephano tsaka ang gwapo niya kanina. Naghilamos si Mina para magising at makapag-focus sa klase. Nang pabalik na siya sa classroom ay nakasalubong niya si Stephano.
Mina: San ka punta? Mag-cucutting ka noh?
Stephano: Di noh! Punta ako sa clinic.
Mina: Ha? Bakit? May sakit ka ba? Ok ka lang ba?
Stephano: Hahaha. Ang OA mo naman. Matutulog lang ako dun. Maaga ako ginising ni Xander para mag-practice.
Mina: Ah. Buti naman wala kang sakit. ^___^
Stephano: O_O Ikaw yata ang may sakit kasi ang bait mo sakin.
Mina: Nag-alala lang ako sayo tapos sasabihan mo pa ko ng ganyan. >_< Che!
Tumawa si Stephano at kinuha yung panyo niya sa bulsa. Pinunas niya to sa buhok ni Mina kasi napansin niyang basa. Nagulat si Mina at wala ng nasabi.
Stephano: Naligo ka ba sa c.r.? Di ka naligo sa inyo noh?
Mina: Ang sama mo! >_< Naligo ako kanina.
Tumawa ulit si Stephano at sinabi na punta na siya sa clinic para matulog. Puntahan na lang siya pag recess na. Bumalik na si Mina sa classroom.
Uwian na nila. Hinatid ni Xander si Mina. Habang papunta sa bahay nila ay nagkwentuhan ang dalawa.
Mina: Ang ganda ng kinanta niyo kanina. Anong title nun?
Xander: "Your Song". Parokya ni Edgar kumanta.
Mina: Kauuwi mo lang galing sa States pero ang dami mo ng alam na kanta dito ah.
Xander: Ang totoo niyan, si Stephano nakaisip ng kanta.
Mina: Talaga? Alam niyang kakantahin mo sakin?
Xander: Oo.
Pag-uwi ni Xander kila Stephano...
Xander: Brad, ang saya ko. Nagustuhan ni Mina yung kanta. Buti naisip mo yun.
Stephano: Buti naman. Edi di mo na ko gigisinging ng 4:30 simula ngayon?
Xander: Hahaha. Parang ang sama ng loob mo ah. Di na kita gigisingin ng 4:30 pero tulungan mo ko gumawa ng sulat para kay Mina. Love letter. Hahaha.
Stephano: Korni mo brad! Di ka ba marunong gumawa ng love letter? Dapat ikaw gumawa.
Xander: Brad, mas kilala mo si Mina kaya tulungan mo na ko.
Stephano: Sige ako gagawa ng sulat, gawin mo homework ko. Hahaha.
Xander: Yun lang ba? Sige call.
Gumawa ng love letter si Stephano at kinabukasan ay binigay ni Xander kay Mina. Binasa ni Mina at kinilig siya. Binasa din to ni Ayaka at Belle.
Ayaka: Bff! Ang sweet naman ni Xander. Kakakilig ah!
Belle: Oo nga. Sa sulat parang kilalang-kilala ka niya. Baka siya na ang soulmate mo or should I say destiny.
Mina: Waaaaa! Ano ba kayo. >_> Wag ganyan, kinikilig ako. >/////<
Bumulong si Xander kay Stephano.
Xander: Brad, mukhang ok yung ginawa mong sulat. Kinikilig si Mina. Ano ba nilagay mo dun?
Stephano: Gago ka ba brad? Di mo binasa? Pano kung magtanong sayo si Mina?
Xander: Hindi eh. Tinamad akong basahin. Di yan magtatanong.

BINABASA MO ANG
Bubblegum (On-hold)
Teen FictionA boy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other, maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever... First Love. First Heartbreak. True Friendship.