Gang War

418 28 16
                                    

Bago mag-uwian ay sinabihan si Stephano, Marc at mga kaibigan nila (Alvin at Jeff) na hihintayin sila sa may bakanteng lote malapit sa school ng grupo nila Paul. May usapan pa naman sila na dadalaw kay Belle dahil di to nakapasok, may sakit. Pinauna ng mga lalaki si Mina at Ayaka sa bahay nila Belle. Sinabi nila na may aayusin lang sila kaya nauna na sila. Nang makaalis na ang mga babae ay nagpunta na sila Stephano sa bakanteng lote. Naghihintay na dun ang grupo ni Paul.

Paul: Akala ko di na kayo susulpot  MGA FIRST YEAR!

Stephano: Ano bang gusto mo?

Paul: Ikaw Stephano, pinopormahan mo ang EX ko at ikaw naman Marc ay bf ni Ayaka na crush ko.

Stephano: Anong problema mo dun? Madami pang babae sa school.

Paul: Ah oo nga naman. Kung paglaruan ko kaya si Mina at Belle? Maganda din sila.

Biglang sinuntok ni Stephano si Paul at sumugod na din at ang grupo niya pati ang grupo ni Paul. Nagsuntukan sila hanggang sa nakarinig sila ng pito ng pulis. Nagtakbuhan sila at dumiretso muna ang grupo ni Stephano at Marc sa tambayan nila bago pumunta kila Belle.

Stephano: Mga pre kaya pa ba? Wala bang napuruhan?

Marc: Wala naman sa tingin ko. Pero ang sakit sa katawan. Pre may dugo sa bibig mo.

Stephano: *pahid sa dugo* Malakas sumuntok yung gagong yun.

Marc: Ano kaya niyo na ba? Punta na tayo kila Belle.

Jeff: Teka magtanggal na tayo ng polo. Ang dumi ng mga polo natin baka magtaka sila.

Marc: Tama. Pre bakit bigla kang nanuntok? Usapan natin di tayo mauuna para pag nahuli, sasabihin natin na sila ang nauna at lumaban lang tayo.

Stephano: Di ko din alam pre. Nung narinig ko na paglalaruan niya si Mina at Belle, nandilim paningin ko.

Alvin: Pre sino ba gusto mo sa dalawa? Haha.

Stephano: Sira! Tropa natin sila kaya ayokong may gagago sa kanila.

Alvin: Hahaha. Sige sabi mo eh. Tara na kila Belle.

Pagdating kila Belle.

Ayaka: Bakit ang tagal niyo?

Stephano: Pinagkaguluhan kasi kami ng mga babae kaya nahirapan kaming umalis.

Mina: Pinagkaguluhan your face! Haha.

Stephano: Nasan na yung mga pagkain? Nagugutom na kami.

Belle: Teka papabili ako.

Mina: Ako na bibili Belle.

Belle: Sure ka? Samahan kita.

Mina: Ano ka ba? Magpahinga ka lang diyan at baka mabinat ka pa.

Belle: Sinong kasama mo? Stephano paki samahan si Mina.

Mina: Ako na lang. Kaya ko naman.

Stephano: Tara bili na tayo. Nagugutom na ko.

Ayaka: Ako na lang sasama sa kanya.

Stephano: Wag na. Diyan ka na lang sa bf mo. Haha.

Lumabas na sila Mina at Stephano. Habang naglalakad papunta sa tindahan ay may tumahol na aso sa kanila at natakot si Mina kaya napayakap siya kay Stephano. Si Stephano naman ay nagulat pero nagpipigil umaray dahil masakit ang katawan niya at napayakap ng mahigpit si Mina.

Stephano: Hoy chansing ka na. Wala na yung aso.

Mina: Ang kapal ng mukha mo. Ikaw chachansingan ko. Di na noh. Hmp!

Tumawa ng malakas si Stephano at napatingin si Mina sa mukha niya. Nasabi niya sa sarili niya na gwapo pala si Stephano. Pero napansin niya na parang may pula na maitim sa labi niya.

Mina: Hoy masyado ka yatang masaya. May bukas pa noh.

Stephano: Hahaha. Ikaw kasi takot sa aso tapos naka-chansing pa sakin.

Mina: Hindi nga kita chinansingan! Ang kapal mo! >_<

Bumili na sa tindahan ang dalawa at bumalik na sa bahay ni Belle.

Ayaka: Nasan na si Bff?

Belle: Nasa kusina. May inaayos lang daw.

Pagbalik ni Mina ay may inabot siya kay Stephano.

Stephano: Ano to?

Mina: Ice bag yan. Taga-bundok ka ba? Wala ba sa inyo niyan?

Stephano: Tsk. Ang ibig kong sabihin, aanhin ko to.

Mina: Lagay mo sa bibig mo para mawala yung sugat o kung ano pa yan.

Ayaka, Marc, Belle, Alvin & Jeff: Ayeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!

Namula si Mina at Stephano sa panunukso nila.

Mina: Tumigil nga kayo. Kayong mga lalaki, umamin nga kayo. Nakipag-away kayo noh? Kanino?

Walang sumagot sa kanila. Tumingin si Ayaka kay Marc pero di nagsalita si Marc.

Belle: Hayaan niyo sila kung ayaw nilang sabihin. Hmp!

Marc: Wag na kayong magtampo. Wala lang to. Ok na lahat.

Ayaka: Sabihin mo, yan ba sinabi niyo na aayusin niyo kaya pinauna niyo kami?

Marc: Oo. >_>

Mina: Ano nabugbog niyo ba mga kaaway niyo o kayo binugbog? Hahaha.

Stephano: Siyempre nabugbog namin sila.

Mina: Kaya pala may tama ka sa labi.

Nagtawanan silang lahat pwera kay Stephano. Ibang topic na lang ang pinagkwentuhan nila at pagkatapos nun ay umuwi na silang lahat.

Bubblegum (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon