Chapter III : I Crush You

278 22 11
                                    

Naging mas close si Mina at Stephano after ng New Year pero hindi pa rin nawawala ang asaran nila sa isa't-isa. Mabilis lumipas ang mga araw at summer vacation na nila. May kanya kanya silang pinagbakasyunang lugar. Bago magpasukan para sa second year, nagkita-kita sila sa bahay ni Stephano. Tambay lang, kwentuhan din. Magkakaklase pa din sila kaya masaya sila. Dumating ang pinsan ni Stephano na galing sa States. Si Xander Cuevas (nasa gilid po ang picture niya). Sobrang close si Stephano at Xander. Pinakilala ni Stephano si Xander sa mga kaibigan niya.

Xander: Brad, ang gaganda pala ng mga kaibigan mo.

Stephano: Silang tatlo?

Xander: Oo bakit?

Stephano: Dalawa lang maganda. Si Ayaka at Belle lang. Hahaha. Si Mina hindi.

Mina: Ang sama mo talaga. Di talaga buo ang araw mo na hindi ako inaasar. Hintayin mo ang ganti ng api. Hahaha.

Xander: Para sakin, ikaw ang pinakamaganda Mina. *sabay wink kay Mina*

Stephano: Brad, nagpunta ka lang sa States lumabo na mata mo.

Sinipa ni Mina si Stephano.

Stephano: Brad, sigurado ka bang gusto mo to? *turo kay Mina* Napakasadista at malas yan.

Mina: Minamalas lang naman ako pag kasama ka.

Nagkwentuhan ulit sila at sinabi ni Xander na dun din siya mag-aaral sa school nila at baka maging classmate pa sila. Pagkatapos kumain ng merienda ay umuwi na sila. Dun titira sa bahay ni Stephano si Xander. Busy din ang parents niya at naiwan sa States dahil may business sila dun. Nabarkada si Xander kaya pinauwi siya sa Manila at binilin na lang kay Stephano tutal parang kapatid ang turingan ng magpinsan.

Xander: Brad, may boyfriend ba si Mina?

Stephano: Wala.

Xander: Sa ganda niyang yun wala?

Stephano: Meron dati pero niloko lang siya kaya di pa ulit tumatanggap ng manliligaw yun.

Xandder: Ligawan ko siya?

Stephano: Seryoso ka brad? Kung pagtitripan mo lang siya, hanap ka na lang ng iba sa school. Na-trauma pa yun sa huling boyfriend niya.

Xander: Brad, seryoso ako. Love at first sight to. Bakit masyado ka yatang protective sa kanya? May gusto ka ba sa kanya?

Stephano: Ako? Wala brad. Naawa kasi ako sa kanya nung niloko siya. Biruin mo ilang araw di pumasok sa school. Tsaka tropa ko yun.

Xander: Mabuti nang malinaw brad. Hahaha. Ayokong mag-away tayo dahil sa isang babae.

Stephano: Di mangyayari yun.

Xander: Ano brad ilalakad mo ba ko kay Mina?

Stephano: Ha? Bakit ako?

Xander: Sino pa ba?

Stephano: Di mo naman kailangan ng tulay brad. Ang dami mo ngang naging girlfriend sa States.

Xander: Brad iba mga babae dito sa Pinas at iba din si Mina. Siya yung babaeng nililigawan, inaalagaan at sineseryoso.

Stephano: Brad ikaw ba yan? Hahaha. Kaya ka nga pinauwi dito kasi loko loko ka tapos maririnig kong sinasabi mo yan. Hahaha.

Xander: Loko ka ah! *binatukan si Stephano sabay takbo*

Stephano: Hoy kumag bumalik ka dito!

First day na naman ng panibagong school year. Second year na sila. Classmate din nila si Xander. Tumabi si Xander kay Mina, nakipagkwentuhan, tapos sabay-sabay silang kumain. Hinatid ni Xander si Mina.

Mina: Pasok ka?

Xander: Pwede ba?

Lumabas ang mommy at daddy ni Mina dahil narinig nilang dumating na siya.

Mina: Hi mommy! *nagmano at kiss* Hi daddy! *nagmano at kiss* Si Xander nga pala, pinsan ni Stephano at bago naming classmate.

Xander: Hello po.

Mommy: Hello din. Di niyo kasama si Stephano?

Mina: Di po eh.

Daddy: Nililigawan mo na ba si Mina?

Mina: Daddy naman! >//////<

Daddy: Nagtatanong lang anak. Hahaha.

Xander: Ahhh. Opo daddy este tito. ^_^7

Daddy: Hahaha. Nakakatuwa ka ding bata ka. Parehas kayo ng pinsan mo.

Mommy: Sa loob na kayo magkuwentuhan. Mina order ka na lang ng pizza. Alis kasi kami ng daddy mo. May biglaang appointment.

Mina: Ok mommy. Ingat po kayo.

Umalis na ang mommy at daddy ni Mina at umorder na siya ng pizza para merienda nila.

Xander: Ang cool ng magulang mo ah.

Mina: I know. Hahaha. Pareho din sila ng parents ni bff.

Xander: Ah. Mukhang kilalang kilala nila si Stephano.

Mina: Oo. Gusto kasi nila si Stephano. Dito kasi siya nag-New Year samin kaya close niya si mommy at daddy pati mommy at daddy ni bff. Parang anak nga turing nila kay Stephano.

Dumating na ang pizza at kumain na sila. Magkukuwentuhan sila ng ibang topic pero laging nasisingit si Stephano.

Xander: Mina may tanong ako pero sana sagutin mo ng totoo.

Mina: Ok ano yun?

Xander: Gusto mo ba pinsan ko?

Mina: Ha? O_O Hindi ah. >_> Super hate ko nga yun. Hindi gentleman tapos ang daming babae. Tss!

Xander: Ok. Hahaha. Nililinaw ko lang. Tinanong ko din yan sa kanya kasi napansin kong protective siya sayo.

Mina: Anong sabi niya?

Xander: Sabi niya di ka niya gusto. Tropa lang.

Mina: Ah ok. Panong protective sinasabi mo?

Xander: Nung sinabi ko kasi na liligawan kita, sabi niya maghanap na lang daw ako ng ibang lolokohin at wag daw ikaw.

Mina: Sinabi niya yun?

Xander: Oo. Naawa yata siya sayo nung ......

Mina: Kinuwento niya yung about kay Paul?!

Xander: Di naman lahat. Nasabi lang niya na nasaktan ka na daw dati kaya wag daw kitang sasaktan.

Mina: Si Stephano ba talaga nagsabi niyan?

Xander: Oo. Hahaha. Di ba kapanipaniwala?

Mina: Hindi eh. Hahaha.

Maya maya ay umuwi na si Xander. Pinahatid siya ni Mina sa driver nila.

 Mina's POV

Sinabi ba talaga ni Stephano lahat yun? O_O Na-touch naman ako kasi ayaw pala niya kong masaktan ulit pero bakit parang nalungkot ako nung sinabi ni Xander na tropa lang ang tingin sakin ni Stephano? NO WAY!!! Di ko siya gusto. Tropa lang din naman ang tingin ko sa kanya. Mina, TROPA lang ha. T-R-O-P-A, tropa. Pero bakit natutuwa ako nung sinabi ni Xander na protective sakin si Stephano? May ganung ugali din pala yung lalaking yun. Pero kahit na madalas kaming mag-asaran at madalas akong malasin pag kasama siya, masaya naman ako at feeling ko ang safe ko pag nasa tabi ko siya. Waaaaaaaah! Stop it Mina. TROPA lang.

Bubblegum (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon