Fireworks

249 23 15
                                    

Tanghali ng December 31, nagkitakita ang magkakaibigan sa bahay nila Belle. Umaga pa lang ay nandun na si Ayaka at Mina dahil tumulong sila sa paghahanda. Magkakasunod dumating si Marc, Alvin at Jeff.

Belle: Parang kulang? Nasan si Stephano?

Marc: May dinaanan pa daw. Papunta na yun.

Mina: Baka may sinundo na girl?

Alvin: Bakit yan agad ang naisip mo Mina? Selos ka naman kung yung nga dinaanan niya?

Mina: Hoy hindi ako nagseselos at hinding hindi magseselos! Yun lang naisip ko kasi di ba ang dami niyang nabubulag na babae. >_>

Jeff: Baka naman isa ka dun. Hahaha.

Mina: Che! Bakit ako trip niyo ngayon?! >_<

Nagtawanan ng malakas ang lahat.

Mina: Walang nakakatawa! >_< Pati ba naman ikaw bff!

Ayaka: Sorry bff. Kasi nakakatawa reaction mo eh.

Tumawa ulit ang lahat at dumating na si Stephano na may bitbit na malaking plastic bag.

Stephano: Oh mukhang nagkakasayahan na.

Marc: Pre san ka ba galing?

Alvin: Oo nga pre san ka galing? Namimiss ka na nung isa dito eh.

Stephano: *taas ng plastic* Bumili ako ng paputok at pailaw. Hahaha. Sino nakamiss sakin?

Tumingin ang lahat kay Mina. Pati si Stephano ay napatingin kay Mina.

Mina: HOY BAKIT KAYO NAKATINGIN SAKIN?! HOY STEPHANO HINDI KITA NAMISS. PINAGTITRIPAN LANG NILA AKO.

Stephano: Wala naman akong sinasabi ah.

Jeff: Bakit defensive ka Mina? Hahaha.

Mina: EH KASI HINDI NAMAN TOTOO! MAMAYA MANIWALA PA YAN! >__<

Tumawa ulit ng malakas ang lahat. Si Stephano ay napangiti lang. Si Mina naman ay pulang pula na sa hiya.

Nagpatugtog na si Belle at nagsayawan sila. Si Stephano ay umupo muna kasi pagod pa. Naalala ni Belle na hihiwain pa ang pakwan kaya pupunta siya sa kitchen pero sabi ni Mina ay siya na ang bahala. Nagpunta na sa kitchen si Mina. Hinahati na niya ang pakwan nang magsalita si Stephano at nagulat siya kaya nahiwa niya sarili niya.

Mina: ARRRRAAAAAYYYYYY!!!!!!!!

Stephano: Ano ba yang ginawa mo? Bakit di ka nag-iingat?

Mina: Ginulat mo kasi ako.

Stephano: Kasalanan ko pa. Nagtanong lang naman ako kung kailangan mo ng tulong.

Hinawakan ni Stephano ang kamay ni Mina at nilagay sa ilalim ng gripo para ugasan. Nagpunta sila Ayaka sa kitchen kasi narinig nilang sumigaw si Mina. Nadatnan nilang magkahawak ang kamay ng dalawa.

Ayaka: Oh my! Sorry bff, Stephano kung naistorbo namin kayo. Narinig kasi naming sumigaw si bff.

Marc: Pre kayo na ba?

Belle, Alvin at Jeff: Uuuuyyyyyyy!!!!

Bumitaw agad si Mina.

Mina: Nahiwa lang ako kaya hawak niya kamay ko. >_>

Stephano: Oo tama siya. Tatanga tanga kasi yung kutsilyo. Hahaha. >_>

Ayaka: Yun lang ba talaga?

Mina: Oo naman bff! >_<

Belle: Tara Mina gamutin na natin yang sugat mo. Stephano, pwedeng kayo na maghati ng pakwan?

Stephano: Oo sige.

Kumain na sila at nang makita nila na madilim na ay sinindihan na nila ang mga pailaw at sila Stephano naman ay sinindihan ang mga paputok. Tuwang tuwa sina Mina, Belle at Ayaka sa fireworks. Mga 10pm ay umuwi na sila para mag-celebrate sa kanya-kanyang bahay. Hindi na nahatid ni Marc si Ayaka kasi pinauwi na siya agad kaya si Stephano ang naghatid kay Ayaka at Mina. Dun mag-cecelebrate ng New Year si Ayaka at pamilya niya kila Mina. Nakarating na ang tatlo sa kanto ng subdivision nila Mina.

Ayaka: Stephano, dito na lang kami. Uwi ka na. Baka ma-late ka pa sa celebration niyo ng New Year.

Stephano: Ayos lang. Mga katulong lang naman kasama ko sa bahay. Pag-uwi ko matutulog na ko.

Mina: Ha? Ang boring naman, matutulog ka na.

Ayaka: Eh asan parents mo?

Stephano: Mas boring kung magpaputok ako mag-isa kaya matutulog na ko pag-uwi ko. Parents ko? Nasa business trip. After ng pasko, umalis na sila.

Ayaka: Gusto mo sama ka samin kila Mina? Dun ka na lang mag-celebrate ng New Year. ^_^ Ok lang yun bff di ba?

Mina: Oo nga para may kasama ka magpaputok.

Stephano: Ha? Ah eh...

Mina: Wag kang pakipot Stephano Cuevas.

Ayaka: Tara na.

Pagdating sa bahay nila Mina ay pinakilala si Stephano sa parents ni Mina at Ayaka. Hinintay nila ang 12:00 at sabay sabay nagbatian ng Happy New Year tapos ay nagpaputok ang daddy ni Mina at Ayaka kasama si Stephano. Natutuwa sila kay Stephano kasi wala silang anak na lalaki kaya nag-bonding talaga sila. Natuwa din si Stephano dahil ang babait nila sa kanya. Hindi na siya pinauwi at sa guest room na lang siya pinatulog.

Bubblegum (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon