Plan Plan Leche Flan

367 25 13
                                    

Napagtripan ang title. ^_^v

* * * * * * * * *

Magkikita si Mina at Stephano sa mall. 10:00am ang opening kaya 10:00am sila magkikita sa may entrance. 9:55 dumating si Stephano. Naka-cap, shirt, shorts at rubbershoes. 10:30 dumating si Mina, Naka-dress siya at sandals. Napatingin ng matagal si Stephano kay Mina dahil first time niyang nakita na naka-dress si Mina.

Mina: Bakit nakatitig ka lang diyan?

Stephano: Ha? Ah eh. *kamot ulo* ..................... Late ka kaya ilibre mo ko ng lunch mamaya.

Mina: Kapal mo naman! Babae manlilibre. -___-

Stephano: Kasalanan mo yan kasi late ka. >:))

Mina: Wala naman tayong pinag-usapan na ganyan ah. Kung meron, nauna pa ko sayo.

Stephano: Bayad mo yan sakin kasi late ka. Tara pasok na tayo.

Stephano's POV

Ang tagal dumating ng babae na yun. Kung di ko lang bestfriend si Marc, di ako papayag na kasama yung masungit na yun. Si Mina ba yun? O_O Putek ang ganda niya. Natahimik ako at napatitig lang sa kanya. Bagay sa kanya naka-dress. Pero di pa din maalis sa isip ko na sobrang sungit niya sakin at kulang na lang, isumpa ako.

Mina's POV

Si Stephano ba yun? Ang pogi niya. Bagay pala sa kanya naka-cap. Waaaaaaaah ano ba tong iniisip ko? Isa siyang lalaki na mahilig sa bubblegum at may gf na siya at at at.......nevermind. Bakit siya nakatitig sakin? Nagagandahan ba siya o napapangitan o baka naman galit kasi late ako? Tsss! Ang kapal ng mukha niyang sabihin na ilibre ko siya. Kalalaking tao! Hmp! Pero bawal ako mainis dahil ginagawa ko to para kay bff.

Stephano: Gutom na ko.

Mina: Wait na lang. Last na tong bibilhin natin tapos kakain na tayo. San ba tayo kakain?

Stephano: Ikaw san mo ba gusto at ano kakain mo?

Mina: Gusto ko ng lasagna sa Greenwich tapos hawaiian pizza. *o*

Nabili na nila lahat at nagpunta na sila sa greenwich.

Stephano: Hanap ka na ng mauupuan.

Mina: Ikaw manlilibre? o_O

Stephano: Ayaw mo?

Mina: Gusto ko. Gustong gusto. *o*

Stephano: -___- Gusto pala eh. Hanap ka na ng mauupuan.

Habang hinihintay ang order nila ay nakita sila ni Diane. Lumapit siya sa kanila.

Diane: Anong meron dito?!

Stephano: Anong ginagawa mo dito?

Diane: Ako dapat magtanong sayo niyan! FYI, may binili lang ako sa national bookstore. Eh kayo? Date?! ~_~

Mina: Excuse me, di kami nagde-date.

Diane: Oh really?!

Mina: Oo nga. Paulit-ulit ha?!

Diane: Aba!

Stephano: Tama na yan. Usap tayo sa labas Diane.

Diane: I don't like. Dito tayo mag-usap sa harap niya.

Mina: Ok, take a sit. Malapit na siguro dumating yung order namin. Oh ayan na pala.

Nilagay na yung pagkain sa table nila at kumain na si Mina. Si Stephano at Diane ay tahimik lang.

Mina: Kain kayo. Don't be shy.

Diane: No thanks! Baka sumakit pa tiyan ko. *ngiting ka-plastikan*

Ngumiti din si Mina. Kumain na si Stephano kasi gutom na siya. Maya maya ay tumayo si Diane.

Diane: I have to go, bye!

Umalis na si Diane. Nagtinginan si Stephano at Mina. Naglakad ng mabagal si Diane at tanaw pa nila Stephano sa table nila.

Mina: Hindi mo siya hahabulin?

Stephano: Hindi.

Mina: Sira! Nagpapahabol siya sayo. Tignan mo ang bagal maglakad.

Stephano: Naka-sira ka ah. Ayokong habulin. Gutom ako at kumakain pa ko at saka may gagawin pa tayo.

Mina: Baka makipaghiwalay sayo yun. I-explain mo na hindi tayo nagde-date.

Stephano: Mapapagod lang ako. Hayaan mo siya. Kumain ka na diyan.

Mina: Wala lang sayo kung makipagbreak siya?

Stephano: Wala.

Mina: Ay loko! Hindi ka ba seryoso sa kanya?

Stephano: Hindi haha. Tinignan ko lang kung mapapasagot ko siya. Wag na sabing madaming tanong eh. Ubusin mo na yan at pumunta na tayo sa tambayan.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng mall. Nagulat sila kasi malakas ang buhos ng ulan at wala silang dalang payong o kahit jacket man lang. Tinanggal ni Stephano ang cap niya at isinuot kay Mina. Nagulat si Mina at napatingin lang kay Stephano.

Stephano: Bakit ka nakatitig? Ma-inlove ka niyan.

Mina: Kapal mo! Eh kasi ano........

Hindi pa tapos ang sasabihin ni Mina nang hawakan ni Stephano ang kamay niya at hinatak para tumakbo pasakay ng taxi. Sa loob ng taxi...

Mina: Bakit mo ko hinatak? Nabasa tuloy ako ng konti.

Stephano: Ikaw lang ba nabasa? Ako din kaya at pwede ba wag ka ng umangal diyan. Kung hihintayin pa natin tumila ang ulan, di natin maaayos ang dapat ayusin.

Mina: Oh. *abot ng cap* Salamat!

Tumawa ng malakas ang taxi driver. Nagtaka ang dalawa at biglang nagkwento yung driver tungkol sa lovelife niya. Sinabi niya na ganyan din sila nagsimula ng asawa niya. Iling ng iling si Mina at Stephano at sinabi nila sa driver na hindi mangyayari na maiinlove sila sa isa't-isa.

Nakarating na sila sa tambayan at bago bumaba ay inabot ni Stephano ang cap niya pero binalik ito ni Mina at lumabas na siya ng taxi. Sinuot na lang ulit ni Stephano ang cap at sinundan si Mina papunta sa tambayan nila. Nandoon na si Marc, Alvin at Jeff na tapos ng maglinis. Inayos na nila ang lahat ng aayusin. Table, chair, mga balloon at bulaklak, yung sounds ok na din at ok na ang lahat. Si Ayaka na lang ang hinihintay. Tinawagan na ni Marc si Belle para sabihin na ok na ang lahat at dalhin na si Ayaka dun.

Bubblegum (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon