Nagkayayaan ang magkakaibigan sa mall tutal sabado naman. Pumunta muna sila sa petshop dahil bibili si Belle ng pagkain para sa mga isda niya. Habang nasa petshop ay tuwang tuwa si Mina sa mga rabbit at nakita to ni Stephano.
Stephano: Tuwang tuwa ah. Kamukha mo kasi. Hahaha.
Mina: Ok lang. Cute naman mga rabbit eh. :p
Stephano: Binabawi ko na pala. Kawawa naman yung rabbit kung kamukha mo.
Mina: Ang sama mo! Ang ganda ko kaya.
Stephano: Talaga? San banda? Sa paa?
Mina: Grrrrrrrrr! I hate you talaga!
Tumawa ng malakas si Stephano habang inis na inis si Mina.
Belle: Mukhang bumabalik na si Mina sa dati.
Ayaka: Oo nga. Dahil kay Stephano. Hahaha. Yung pang-iinis na ginagawa niya, nakakatulong kay bff para makalimutan si Paul. ^__^"
Belle: Hahaha. Nakakatuwa nga silang dalawa.
Monday na naman at pumasok na sila sa school. Pumasok na din si Ayaka at Mina. Sinabi ng adviser nila na malapit na ang christmas party nila kaya magbubunutan na para sa ka-exchange gift nila. Pagkita ni Stephano sa papel na nabunot niya, napabuntong hininga siya. Nakita to ni Marc kaya tinanong kung sino ang nabunot niya.
Stephano: Pre sa lahat ng pwede kong mabunot, bakit siya pa? :|
Marc: Sino ba?
Stephano: Si Mina. -____-
Marc: Hahaha. Pre baka soulmate kayo ni Mina. Hahaha.
Stephano: Soulmate?! Psh! Baka malas. Hay mamomroblema pa tuloy ako kung anong ireregalo ko. Mukhang choosy pa naman yung babae na yun.
Marc: Kaya mo yan pre. Hahaha.
Christmas Party....
Pagpasok ni Stephano sa classroom nila, tuwang tuwa ang mga classmate niya sa dala niya. Dalawang rabbit ang regalo niya na nakalagay sa kulungan na may ribbon. Sabi ng ibang girls, ang swerte naman ng makakatanggap nito. Nagsimula na ang program. Dalawang grupo ang sumayaw, grupo nila Mina at grupo nila Nicole. Kumanta at naggitara naman si Stephano at Marc. Kilig na kilig ang mga babae. After ng mga performance ay kumain na sila tapos ay nag-exchange gift na. Nagulat si Mina kasi siya pala ang nabunot ni Stephano at si Stephano naman ang nabunot niya. Cap ang niregalo niya kay Stephano. After ng party, nilaro nila ang mga rabbit. Sabi ng mga classmate nila ay bigyan na ni Mina ng pangalan. Walang maisip si Mina.
Adviser: Ano kaya kung Mina at Stephano ang pangalan nila? Hahaha.
Nagtawanan ang lahat pwera kila Mina at Stephano.
Belle: Ano kaya kung "Min" at "Phan" na lang? Para hindi halata na Mina at Stephano. Tapos Cuevas ang surname. Parang anak niyo. ^__^
Ayaka: Ang talino mo talaga Belle. Maganda nga yun. What do you think bff?
Mina: May magagawa pa ba ako eh kayo na nag-isip. Bakit may surname pa?!
Stephano: Hoy anong anak namin?!
Nagtawanan ulit ang lahat.
Stephano: Walang nakakatawa. -___-
Mina: Oo nga walang nakakatawa. >_<
Lalong tumawa ang lahat. Nag-uwian na din sila. Binuhat ni Mina ang kulungan at nabigatan siya. Kaya tumawa si Stephano dahil nahihirapan si Mina.
Mina: Ang sama mo! >_<
Stephano: Akin na nga yan. *binuhat at kulungan*
Mina: ..............
Stephano: Hoy tutunganga ka lang ba diyan? Tara na samahan na kita sa sakayan.
Ayaka: Gentleman din pala si Stephano kahit papaano.
Marc: Hahaha. Mabait yan. Di lang niya pinapahalata.
Ayaka: Stephano, pwedeng pakihatid na si Mina sa bahay nila. Di niya mabubuhat mag-isa yang kulungan. May date pa kasi kami ni Marc.
Mina: Wag na bff. Kaya ko naman. Baka magka-utang na loob pa ko sa kanya.
Ayaka: Mabigat yung kulungan. Tsaka parehas naman kayo ng way pauwi eh. *tingin kay Stephano* Sige na Stephano, please. *o*
Stephano: Oo na. Malakas ka sakin eh.
Ayaka: Yehey! Thanks Stephano! ^___^
Marc: Nauto ka pre. Hahaha.
Kahit ayaw ni Mina magpahatid, napapayag na din siya. Kasi nga mabigat naman talaga yung kulungan tapos may dalawang rabbit pa. Habang naglalakad sa loob ng subdivision nila Mina, may narinig silang sumigaw ng "HOY". Paglingong ni Stephano, may sumuntok sa kanya. Nagulat si Mina. Inabot ni Stephano ang kulungan kay Mina at nakipagsuntukan sa dalawang lalaki. Pumunta yung isa kay Mina at kukunin ang mga rabbit. Ayaw ibigay ni Mina. Sinuntok ni Stephano ng malakas yung isang lalaki at dali-daling sinuntok din ang kumukuha ng mga rabbit. Tumakbo yung dalawang lalaki nung nakita yung mga guard.
Guard: Miss Mina ok lang ba kayo? Eh yung kasama mo?
Mina: Ok lang po kami. Buti pumunta kayo agad.
Guard: Narinig namin na may gulo. Kilala niyo ba yung nanggulo sa inyo?
Stephano: Di po. Baka napagtripan lang kami kasi may dalang rabbit.
Sinamahan ng isang guard ang dalawa sa bahay ni Mina.
Mina: Thank you po sa paghatid.
Guard: Wala po yun ma'am.
Stephano: Sige alis na din ako.
Mina: Wag muna!
Stephano: Bakit?
Mina: Pasok ka sa bahay. Gamutin ko mga sugat mo. >_>
Stephano: Baka lalo pang lumalala pag ikaw gumamot. Hahaha.
Mina: Sira! Pasok na. >_<
Ginamot ni Mina yung mga sugat ni Stephano. Pagkatapos ay pinahatid ni Mina si Stephano sa driver nila para siguruhing ligtas makauwi si Stephano.
BINABASA MO ANG
Bubblegum (On-hold)
Novela JuvenilA boy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other, maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever... First Love. First Heartbreak. True Friendship.