[Chapter 5] Stubborn
×××××
"Light?"
I shook my head. I was lost in my thought dahil sa tanong ni Night. Imbes na sagutin siya ay tinulak ko na siya palayo bago ako tumayo.
"Goodbye, Night," sabi ko sa kanya.
Agad kong kinuha ang aking bag at nagmamadaling umalis. Sakto no'ng paglabas ko ay nagsimulang umulan. Great.
Naabutan ako ng ulan. Pero mas ayos na rin 'to para isipin ng iba na nabasa ako sa ulan at hindi dahil lumusong ako sa pool.
Agad naman akong sumilong sa waiting shed para mag-abang ng jeep.
Kaso minamalas yata ako ngayong araw kasi walang jeep na dumaraan. Kung mayro'n mang dumaan ay puno naman na ito. Hays.
Naupo na lang muna ako. Baka hintayin ko na lang tumila ang ulan. Habang nag-aabang ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko. May tumatawag.
Kinuha ko naman 'yon mula sq aking bag at tinignan. Pagtingin ko naman sa caller ID ay nagulat ako nang makitang si Thunder ang tumatawag.
Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ang tawag o hindi.
In the end, I chose to answer the call. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Nasaan ka?" tanong niya sa 'kin.
"Bakit mo naman natanong?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Don't answer me with another question. Where are you now, Lighting Aguilar?"
This time, you can sense the seriousness in his voice with a hint of bossiness which irritates me a bit.
"And why would I tell you, Thunder Alvarez?"
Mula sa kabilang linya ay naririnig ko ang paghinga niya nang malalim.
"Stubborn girl," I heard him whisper.
"What do I have to do para lang sabihin mo sa 'kin kung nasaan ka?" he asked.
Tahimik naman akong napaisip saglit. Maya-maya, a small smile crossed my lips. At that very moment, I started recording our call.
"You have to," I started. "Say please," I whispered in a teasing manner.
"Damn, are you serious?"
Parang gusto kong matawa sa tono ng boses ni Thunder. Parang naiirita na hindi.
"C'mon, Thunder James. Say it," patuloy kong pang-aasar sa kanya.
I heard him utter a few curse words bago magsalita muli.
"Ple-asdfghjkl..."
Natawa naman ako nang bahagya. Ang saya pala pagtrip-an ang isang Thunder James.
"I'm sorry. I can't hear you," sabi ko habang pinipigilan ang aking tawa.
"Damn it."
"C'mon, Thunder."
At this point, he already groaned in frustration. Afterwards, narinig ko siyang napabuntong-hininga na lamang.
"Fine," he said, surrendering.
"Light, please tell me where you are."
Sa pagkakataong iyon ay bigla akong natahimik at nakaramdam ng pagbilis ng pagtibok ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Chasing Light [COMPLETED]
Teen Fiction[ F I L I P I N O] Light is faster than sound. Lightning can be seen first before the Thunder can be heard. Kaya bang habuling at maabutan ng kulog ang kidlat? Can you chase someone as fast as the speed of light?