Wakas

159 13 3
                                        

Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin. Medyo malamig ngayon kasi October na. Two months na lang ay December na.

Nandito ako ngayon sa balcony ng room sa isang hotel sa Boracay. It was already 10pm at hindi pa rin ako tulog.

Habang nakatingin ako sa mga bituin sa langit, naramdanan kong may dalawang pares ng braso ang bumalot sa aking bewang.

It was Thunder.

He hugged me from behind. Pagkatapos ay ipinatong niya ang ulo niya sa ibabaw ng ulo ko. Ang tangkad talaga nito. Sumandal naman ako sa kanyang dibdib.

"Nagising ako no'ng naramdaman kong wala ka sa tabi ko," he whispered to me.

I looked up at him bago ako muling tumingin sa langit.

"Hindi ako makatulog eh," I said. "Ang clingy mo na Thunder James. Parang di ka gan'yan no'ng collegr tayo ah."

Napangiti ako habang inaalala ang mga panahon noong nasa kolehiyo pa lamang kami. Ilang taon na rin ang nakalipas pala. Thunder and I are both 27-years-old already.

Ang bilis ng panahon. Parang noon lang, di ko pa siya natatandaan tapos ngayon, ito ako nakabalot sa kanyang mga bisig. He is now my boyfriend.

After the kiss that happened in the Japanese Shrine, he decided to court me. I was so happy.

Ilang buwan din muna ang lumipas bago ko talaga siya sagutin. Nakakatuwa namang alalahanin kung ano ang mga napagdaanan namin, mga memories namin.

Parang kahapon lang, mga teenagers pa lang kami. Look at us now, both of us are already grown adults and I'm glad to say na mula college hanggang ngayon, going strong kami.

Sa mga nakaraang taon, di naman namin maiiwasang mag-away at di magkaintindihan. Hindi naman kasi palagi kaming magkasundo. May mga oras talaga na sobrang hindi pareho ang opinyon namin kaya talagang nag-aaway kami.

There were times when we even thought of giving up. Pero every time we feel like giving up, tinandaan namin kung bakit naging kami noong una pa lang kaya hindi kami bumibitaw.

"A penny for your thoughts?" rinig kong sabi ni Thunder.

Umiling lang ako bilang sagot. "Wala. Natandaan ko lang no'ng college pa tayo," sambit ko.

We were quiet nang magpaalam si Thunder na papasok lang daw muna siya para pumunta sa banyo.

Nanatili lang ako doon sa balcony. I leaned on the railings at napatingin sa may malapit na parang peryahan.

Kahit malapit nang mag-alas-dose ay marami pa ring gising. Parang gusto kong pumunta sa peryahan.

Papasok na dapat ako sa kwarto para tanungin si Thunder kung ayos lang sa kanya na pumunta sa peryahan nang makarinig ako ng mga putok.

As I look back, I saw that it was fireworks. May fireworks display palang naka-schedule ngayon?

Naudlot ang aking kagustuhan na lumabas at pinanood na lamang ang fireworks.

Natuwa ako nang makita kong nagfo-form ng iba't ibang shapes 'yong fireworks.

May pistil, one was a palm. Next ay mayroon din palang serpentine, one of my favorites.

After a few minutes ay tumigil na ang fireworks. Last na siguro iyon.

Napahikab na lang ako dahil sa antok na aking nararamdaman. Uminat ako saglit bago ko tuluyang napagdesisyunang pumasok.

Ngunit nang malapit na ako sa pinto at nakarinig ako na may nagpaputok muli kaya napatingin akong muli.

Pagkaputok ng fireworks ay may tila mga salita na nabuo sa langit. Naningkit ang aking mga mata bago ako mapatakip sa aking bibig.

Will you be the lightning to my thunder?

Narinig ko ang pagkabukas ng pinto at nakita kong nandoon si Thunder. Nakatingin lamang siya sa akin at nakangiti bago naglakad papalapit sa akin.

"I know you are surprised. Halata sa mukha mo," natatawang sambit ni Thunder bago hawakan ang isa kong kamay. His other hand held my cheek.

"Di ko alam kung saan magsisimula. Basta gusto ko lang malaman mo na kahit mga bata pa lang tayo noon ay sigurado na akong ikaw ang gusto kong pakasalan. Di man ako madaldal, hindi man ako showy sa nararamdaman ko, di ako magsasawang paulit-ulit sabihin sa 'yo na mahal na mahal kita. When I left you back when we were kids, there wasn't a day where I didn't miss you. Many girls tried to flirt with me while I was abroad pero di nila makuha ang atensyon ko dahil nasa 'yo lang iyon. I may be somewhere else but my heart always belonged and still belongs to you," mahaba niyang sabi.

Hindi ko mapigilang maiyak sa mga sinasabi niya sa akin. Pinunasan niya ang aking mga luha bago niya hawakan ang dalawa kong kamay.

He looked at me straight in the eye.

"Kaya," panimula niya.

Tears kept flowing in my eyes and it didn't stop when he slowly knelt down, on one bended knee. He held my left hand, and with his right hand, he got a box from his pocket.

He opened the box and there, I saw a ring. He held the box in front of me at kita kong nanginginig siya.

"Will you be the lightning to my thunder? The mother to our future children?" he said.

Napangiti naman ako as I waited for the question. Muntik na nga akong mapatawa nang makita kong napalunok siya at pinagpapawisan.

"Lightning Aguilar, will you marry me?"

I didn't think twice. "Yes," I said.

I felt him gently slide the ring in my left ring finger. After that, tumayo siya. He held my cheeks bago pagdikitin ang aming mga noo.

"I love you," he whispered.

I smiled once again.

"I love you, too."

Right then and there, he leaned in, our noses slightly bumping, he kissed me fully on the lips. His lips moved slowly, then his tongue entered my mouth.

Bumitiw siya saglit sa halik at napayuko. I felt him planting kisses on my neck bago niya ako muling halikan sa aking labi. He never failed to make me want more from his kisses.

Naramdaman ko ang kanyang pagngiti as we shared the sweet kiss.

After what seemed like forever, parehas na kaming bumitiw sa halik sapagkat parehas na kaming hinihingal.

He pulled me in his arms and hugged me tightly. I hugged him back and leaned on his chest.

"I can't wait for you to become an Alvarez," bulong sa akin ni Thunder.

Ilang beses na ba akong napapangiti ng lalaking ito?

I don't know what I did in my past life to deserve a guy like him. Never did I imagine that my first love will be the one that I will marry dahil sabi nga ng iba, first love never lasts.

But here we are now, already engaged. At hindi magtatagal ay maikakasal na rin kami.

Nagpapasalamat ako na nagkasabay kami noon sa bus. I will never regret that day in my life. Kasi kung hindi, I can't imagine kung kami nga ba ang nagkakatuluyan.

This chapter of ours is already coming to an end but that doesn't mean na hanggang dito lang ang pagmamahalan namin. We still have a long way to go, and all I pray is that our love will last forever.

This chapter of our lives is coming to an end, and maybe it's time to start a new.

I am Lightning Aguilar, soon-to-be Alvarez. And I am engaged and madly in love with this guy named Thunder Alvarez.

Until next time!

Chasing Light [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon