"Gusto lang kita bisitahin, anak. Na-miss ka ni papa."
Mapait naman akong napangiti at napailing sa kan'yang sinabi.
"After many years, ngayon mo lang po naisipan na bumisita? Nakakatawa," sabi ko habang umiiling.
Nararamdaman kong humahapdi na ang mga mata ko. May mga luha na nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata pero pinipigilan ko.
"I'm sorry, anak. Alam kong may pagkukulang ako—"
"Mayroon. Napakalaki, 'pa."
Nakita ko namang nag-iwas ng tingin si papa.
"I'm sorry talaga, anak. Di ko intensyon na saktan ka—kayo ng mama mo," sabi ni papa.
Umiling-iling ako. This time, di ko na napigilan ang aking mga luha.
"Di mo sinasadya? Kaya pala nakabuntis ka ng ibang babae," mapait kong sabi.
"Light!" napasigaw na si mama.
"No, ayos lang, Sun. Naiintindihan ko ang anak natin," sabat naman ni papa.
Gusto kong matawa, maiyak, at kung ano-ano pa. Sobra akong nasasaktan ngayon.
Close kami ni papa dati. Siya ang palaging tagapagtanggol ko. Hindi ako natatakot noon basta nand'yan si papa. No'ng nagkaroon ng baha, niligtas ako ni papa sa pagkalunod.
Magaling kasi si papa sa swimming. Varsity rin siya ng swimming noong college siya.
Ito ang di ko masabing dahilan kay Night noong tinanong niya ako kung bakit ako nag-quit sa swimming.
Swimming just reminds me of my father.
I was eleven yata noong nalaman naming nakabuntis ng ibang babae si papa. Kasal na sila ni mama noon.
And what's worse is, mas una pang nabuntis pala 'yong ibang babae kaysa kay mama. Mas matanda sa 'kin ang anak niya sa labas.
Tanda ko noon, iyak ako ng iyak. Maliban sa nakabuntis si papa ay pinalayas siya ni mama sa bahay. Mula noon ay parang ang laking bahagi sa 'kin ang nawala.
Dapat nga matuwa ako ngayon kasi nandito si papa, di ba? Pero hindi eh. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit.
Sobrang sakit pa rin para sa 'kin ng nakaraan.
"Umalis ka na, 'pa," sabi ko habang nakapikit.
"Pero anak, gusto kita makausap."
Napailing ako at tumingin sa kan'ya. "Di ngayon, 'pa."
"Pero—"
"Kung di ka aalis," pagputol ko agad.
Hindi ko na hinintay ang kanilang sasabihin. Agad na akong lumabas ng dorm.
Pagkalabas ng dorm ay pumara agad ako ng jeep. Buti na lang at dala ko ang wallet ko ngayon.
"Kuya, sa D.L. Umali nga po," sabi ko sabay abot ng bayad.
× × ×
Nang makarating ako sa may D.L. Umali ay umakyat ako sa may Japanese Shrine.
Mataas dito at tahimik. Walang tao rito ngayon. Di rin mainit sapagkat hapon na.
Naupo na lang ako sa may stairs sa Japanese Shrine. Pinahid ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Pero kahit anong pahid ko, ayaw nila mawala at matuyo.
Patuloy pa rin ang aking pag-iyak. Ang hirap din kasi para sa 'kin.
'Yong taong malapit sa 'yo... 'yong taong inaasahan mong nand'yan palagi para ipagtanggol ka... siya pa 'yong una palang makakasakit sa 'yo.
![](https://img.wattpad.com/cover/159100844-288-k26046.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Light [COMPLETED]
Teen Fiction[ F I L I P I N O] Light is faster than sound. Lightning can be seen first before the Thunder can be heard. Kaya bang habuling at maabutan ng kulog ang kidlat? Can you chase someone as fast as the speed of light?