A/N:
Dinelete ko 'yong previous na part 11 kasi ina-unpublish ni Wattpad 'yong part :(
Ito pa rin 'yong part 11. Wala akong binago.
× × × × ×
Kasalukuyan akong nandito sa aking kwarto sa dorm ko. It's been two days since ma-discharge ako.
Di muna ako pinapasok dahil baka bumuka pa ulit ang tahi sa aking tagiliran.
I insisted na pumasok kaso si Thunder ang pumigil sa 'kin. Ang habang sermon na naman ang inabot ko no'ng sinubukan kong ipilit na pumasok ako.
Nakahiga ako sa aking kama. Napatingin ako sa aking relo. It's only 10am at wala akong magawa kaya naisipan kong linisin ang aking kwarto.
Nagsimula ako sa pagwawalis tapos tiniklop ko ng maayos ang aking mga damit.
Nang makarating ako sa aking bookshelf ay inayos ko alphabetically ang mga libro ko. Sa ibaba naman ng bookshelf ay puro album ko.
Di ko alam kung bakit pero naisipan kong kuhain ang album.
Medyo maalikabok na ito dahil matagal-tagal ko na ring hindi ito nabubuklat kaya kumuha ako ng basang basahan at pinunasan muna ang cover nito.
Pagkatapos kong punasan ito ay binuklat ko na. Napapangiti ako sa bawat pagbuklat ng pahina.
Ang dami ko kasing mga litrato no'ng bata. Ang dugyot pa ng itsura ko noon.
Nakangiti lang ako sa bawat pagbuklat nang may mapansin akong mga litrato.
It was a picture of me along with two boys.
Mas inilapit ko ang aking mukha doon sa picture para tignan mabuti kung sino ang mga iyon kaso di ko talaga makilala.
I shrugged at nagpatuloy sa pagbuklat nang may isang litrato na nakakuha ng aking atensyon.
It was at a birthday party. Nandoon ako at kasama ko 'yong isa sa mga batang lalaki na nakita ko sa litrato.
Hindi ko na dapat papansinin iyon nang may mabasa ako sa litrato.
Happy 4th birthday, Thunder Alvarez!
Nang makita ko ang litratong 'yon ay kay raming alaala ang pumasok sa aking isipan.
No wonder I called him Log! Kaya pala pamilyar sa 'kin si Thunder kasi matagal na pala kaming magkakilala.
Now I remember. Matagal na akong naipakilala ni mama kay Tita Sky pati sa anak niya... na si Thunder lang pala.
I smiled habang inaalala ko ang mga childhood memories namin.
—Flashback—
"Logieeee," malakas kong sigaw.
Nakita ko namang napalingon sa 'kin si Thunder, nakakunot ang noo.
"Ano 'yon, Lat? 'Wag ka nga sumigaw," sabi ni Thunder.
Tumawa naman lang ako sa kan'ya sabay hila sa kan'yang kamay. Nandito kami sa isang playground sa may subdivision kung saan kami nakatira.
"Sasakay ako sa swing. Itulak mo 'ko," sabi ko sa kan'ya tapos nagpa-cute.
Nakita ko namang napangiti si Thunder sa aking ginawa.
"Sige. Tara sa swings," masaya niyang sabi.
—End of Flashback—
Napangiti ako. He was so cute back then. Super friendly pa. Ewan ko lang kung anong nangyari sa kan'ya kaya siya naging masungit.
BINABASA MO ANG
Chasing Light [COMPLETED]
Novela Juvenil[ F I L I P I N O] Light is faster than sound. Lightning can be seen first before the Thunder can be heard. Kaya bang habuling at maabutan ng kulog ang kidlat? Can you chase someone as fast as the speed of light?