[Chapter 1] Bus ride

550 28 19
                                    

[Chapter 1] Bus ride

×××××

A/N:

Sorry kung in-unpublish ko muna ito. Nakita ko kasi na kailangan ko muna i-edit ang ilang scenes and typos etc bago ko tapusin ang story.

Anyways, ito na muli ang chapter 1!

×××××

"Ay, kalabaw!"

Napasigaw ako nang marinig ko ang malakas na kulog. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa gulat.

"Ang OA naman," narinig kong bulong ng lalaking katabi ko. Nasa bus station kasi ako ngayon, obviously waiting for a bus. Galing kasi ako ng campus.

Bus ang sasakyan ko pauwi kasi masyadong malayo rito ang aking hometown. Mga tatlo o apat na bayan yata ang layo. Nagdo-dorm naman ako pero dahil Biyernes ngayon, uuwi ako sa amin.

Mas pinili ko na lang na hindi pansinin ang komento ng lalaking katabi ko. Umirap na lang ako ng patago bago tumingin muli sa daan.

Sakto naman nang makakita ako ng parating na bus. Tumigil na rin 'yon sa aming harapan. Bumaba 'yong kundoktor para alalayan ang mga pasahero para makasakay.

Pagkaakyat ay naghanap agad ako ng upuan. Buti naman ay may nakita akong upuan kaso nasa pinakalikod. Mabilis pa naman ako mahilo pero hayaan na. Basta may mauupuan saka may dala naman akong candy.

Agad naman akong naglakad papunta sa likod nang biglang umandar ang bus kaya na-out of balance ako.

Nagulat ako nang may mga brasong pumaikot sa aking bewang para hindi ako matumba. Nang makatayo ako ng ayos ay tinignan ko kung sino ang umalalay sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking katabi ko kanina sa bus stop.

"Miss, may upuan pa sa dulo. Tatayo ka na lang ba riyan?"

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya bago dumiretsong maupo sa dulo.

×××

Halos isang oras na yata kami sa daan. May traffic kasi ngayon dahil may aksidente raw. Kaninang mga 5:30pm siguro kami nakaalis. Eh 6:41pm na.

Hay. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa aking bulsa para i-text si mama na may traffic ngayon at baka late ako makarating.

Bigla na lamang kumidlat pero patuloy pa rin ako sa pagtipa. Napasulyap ako ng bahagya sa aking katabi. Kumunot ang noo ko nang makita kong nagtakip siya ng tenga.

"Ay, kalabaw!"

Napasigaw akong muli dahil sa biglaang pagkulog. Napatingin pa nga sa 'kin ang ilang mga pasahero. Napayuko na lang ako dahil sa pagkapahiya.

"Ang OA talaga," rinig kong bulong ulit ng katabi ko. This time, kinausap ko na siya.

"Pansin ko na nagtatakip ka ng tenga bago pa man kumulog. Paano mo nalalaman na kukulog na?" tanong ko sa kanya ngunit nakalipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin siya sumasagot.

Pakiramdam ko naman ay napahiya ako kaya nag-focus na lang akong muli sa daan.

Maya-maya ay kumidlat ulit. Nagulat ako nang may mga kamay na nagtakip sa aking tenga. Tatanungin ko na dapat 'yong katabi ko nang kumulog ulit.

Alam kong malakas 'yong kulog pero dahil may nakatakip sa tenga ko ay humina ang tunog. Pagkatapos kumulog ay inalis na no'ng lalaki ang mga kamay niya sa tenga ko.

"Light is faster than sound," he said, not looking at me, "Lightning and thunder happen at the same time but because light is faster than sound, we see the lightning earlier before we can even hear the thunder. The lightning is the sign to cover my ears."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya at nag-focus sa daan.

×××

"Manong, para po!" malakas kong sigaw. Sa wakas ay nakarating na rin ako. Agad na tumigil 'yong bus. Dinala ko na ang aking mga gamit at pumunta sa may pinto ng bus. Hindi pa ako bumababa ng tuluyan kasi umuulan.

Maghahanap na dapat ako sa aking bag ng pwedeng gamitin ko para di ako mabasa nang may magbukas ng payong. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang lalaking katabi ko kanina.

"Dito ka rin bababa?" tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. Hindi na ako umangal pa. Sabay na kaming bumaba. Naglakad na kami papunta sa silong.

"Dito ka rin ba nakatira?" tanong ko ulit. Katulad ng kanina ay tumango lang siya. Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo sa kan'yang tabi.

Hihintayin ko na lang dumating si mama para sunduin ako. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin siya pero may isa siyang babaeng kasama. Siguro ay kaibigan niya.

"Light, mabuti at nakarating ka ng ligtas," sabi ni mama sa 'kin.

"Oh, kasama pala ni Light ang anak ko," sabi naman ng babaeng kasama ni mama.

"Anak, ito si tita Sky mo. Di mo na ba tanda?"

"Hindi na po eh. Pasensya na," sabi ko at napakamot na lang sa aking ulo.

"Nako, ayos lang. No'ng bata ka pa ang huli nating kita."

In the end, inaya na ni mama si tita Sky na sa 'min muna tumuloy. Masaya namang pumayag si tita Sky.

×××

"Alam mo ba, Light, sa sobrang close na namin ng mama mo, sabay pa kaming nanganak kaya ayon, parehas kayo ng birthday ng anak ko," masayang pagkwento sa 'kin ni tita Sky.

"At di lang 'yon, 'nak. Magka-match pa ang name niyo. Kung ikaw ay Lightning, siya naman ay Thunder. May bagyo kasi no'n kaya ayan naisipan namin ipangalan sa inyo," pagkwento ni mama.

Napasulyap naman ako kay Thunder na mukhang bored na.

"'Nak, magluluto lang kami ni Sky. Aliwin mo muna si Thunder."

And with that, naiwan kami ni Thunder sa living room. Nanatiling tahimik kaming dalawa nang sa wakas ay naisipan ni Thunder na magsalita.

"I guess you really don't remember a thing, Light?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May inabot siya sa 'king box at kinuha ko naman 'yon. I tried to open it but it's locked.

"I gave a key to you when we were kids. Ikaw na ang bahala maghanap sa susing 'yon para malaman mo kung ano'ng laman n'yan," sabi niya.

Hindi ko pa rin gets ang mga sinabi niya kaya napailing siya.

"I expected light is faster than sound but I guess in this case, I am wrong. Light is so slow."

Tatanungin ko na dapat siya kung anong ibig niyang sabihin nang tawagin na kami sa kusina para kumain. Oh well. Hayaan na.

Thunder is really one mysterious guy.

Chasing Light [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon