[Chapter 13] Mutual

112 11 1
                                    

(Light's POV)

Naramdaman kong parang nakahiga na ako. I felt warm. Nagmulat ako at nakita kong nasa Japanese Shrine pa rin ako pero may nag-iba.

Nagulat ako nang nakahiga ako sa mga hita ng isang tao. Pero sino?

Hindi ko makita ang kan'yang mukha kasi nakatalikod ako sa kan'ya at kapag gumalaw naman ako ay baka magising siya, lalo na at nakapatong pa yata ang kamay niya sa mga braso ko.

I was about to panic kaso I smelled a familiar scent. Could this be-

Kahit mahirap ay dahan-dahan kong tinanggal ang kamay na nakapatong sa aking braso at umupo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Thunder pala 'yon. Pero anong ginagawa niya rito?

Napatingin ako sa tulog niyang mukha. His eyebrows were furrowed at bahagya siyang nanginginig.

Tinanggal ko 'yong jacket na nakabalabal sa akin at ipinatong sa kan'ya.

Tumagilid naman ako sa kan'ya at ipinatong ang mga siko ko sa aking hita. Pagkatapos ay ipinatong ko naman ang baba ko sa mga palad ko.

Tumingin ako sa suot kong relo and realized it was only five in the morning. Dito na pala ako nakatulog.

Napapikit naman ako at napabuntong-hininga habang tinatandaan ang mga nangyari kahapon.

Nakaramdam naman ako ng guilt sa inakto ko. Kahit papaano naman ay tatay ko pa rin siya. Napailing naman agad ako. I'm now confused.

My emotions are all over the place. Ayoko mang makausap ang aking tatay dahil galit ako sa kan'ya kaso... di ko ipagkakaila na na-miss ko rin siya. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakita.

But should I even talk to him considering what he did?

"Care to share your thoughts?"

Naramdaman ko namang pinatong niya ang jacket sa aking balikat. I sighed. Napasandal na lang ako sa kan'yang balikat na nagpagulat sa kan'ya.

Pero di naman na niya ako pinaalis sa pagkakasandal ko sa kan'ya. I felt him wrap an arm around me.

"I'm confused. I don't know what to do anymore," sabi ko sa kan'ya habang nakapikit.

"You know," he started. "You should give him a chance. Talk to him. Tatay mo pa rin naman siya."

Hindi muna ako agad sumagot ay nanatiling tahimik. I just snuggled closer to Thunder. The warmth I felt while in his arms somehow calmed me.

Maya-maya ay narinig kong nag-ring ang cellphone ni Thunder. Gamit ang isa niyang kamay ay kinuha niya ang kan'yang cellphone at sinagot.

Nagmulat naman ako at tumingala nang kaunti para tignan siya.

"Hello? Yes po," sabi niya tapos napasulyap sa 'kin. "She's awake."

For a few seconds ay napatigil siya at inilayo ang cellphone nang kaunti.

"Tita wants to talk to you. Is it fine?" he asked.

Saglit akong nag-isip pero pumayag na rin ako. Kinuha ko ang cellphone ni Thunder at itinapat sa may tenga ko.

"Hello, ma?"

"Anak, sorry. Di dapat kita binigla. Pasensya na-"

"No. It's fine, ma," I cut her off.

Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga bagk muling magsalita.

"Is it okay if we have a family dinner with your father?" she asked.

Chasing Light [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon